Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang
nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil
dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria
bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
isang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing
manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita
ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito
sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.
Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang
gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili
siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad
siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang
pakendeng- kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka
siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak
ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Pagsusulit
1. Tinawag na Mariang Mapangarapin si Maria?
A. Lagi na lamang siyang nakatingin sa malayo
B. Mahilig siyang magsulat ng kanyang pangarap.
C. Dahil isa siyang masipag, masayahin, at matalinong babae.
D. Nais niyang matupad ang lahat ng kanyang pangarap.
2. Ang nagregalo sa kanya ng dumalagang manok?
A. Ang kanyang Ama
B. Ang kanyang Kapatid
C. Isang binata
D. Isang nagbebentang ale
3. Bilang ng dumalagang manok na ibinigay sakanya?
A. 12
B. 14
C. 16
D. 18
4. Okasyon ng pumunta si Maria sa bayan upang itinda ang kanyang mga itlog?
A. Kanyang kaarawan
B. Araw ng kanilang pista
C. Isang araw ng Linggo
D. Wala sa nabanggit dahil hindi siya sa bayan nagtinda
5. Nangyari kay Maria nang mahulog ang mga itlog na kanyang bitbit?
A. Tinawagan ang kanyang ama
B. Humingi ng tulong sa mga tao
C. Pinulot ang mga nahulog na itlog
D. Umiyak nang umiyak
6. Si Maria ay masasabing
A. Ulirang dalaga
B. Mapangaraping dalaga
C. Maambisyong dalaga
D. Mabait na dalaga
7. Ginawa ni Maria sa bigay na dumalagang manok
A. Ginawang tinola
B. Inalagaang mabuti
C. Ibinenta lahat
D. Pinamigay ang iba
8. Bibilhin ni Maria kapag nabenta ang mga itlog.
A. Pagkain
B. Tela
C. Ulam na masarap
D. Payong
9. Ginawa ni Maria sa nahulog na mga itlog
A. Umiyak nang umiyak
B. Sumigaw ng malakas
C. Tumakas
D. Ngumiti nalang
10. Dahilan ng pagbagsak ng mga itlog
A. Natapilok
B. Nadulas
C. Kumendeng-kendeng
D. Nabangga ng tao
Susi sa Pagwawasto
1. A
2. C
3. A
4. C
5. D
6. B
7. B
8. B
9. A
10. C

You might also like