25 Nahuhumaling Sa Karahasan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

25

NAHUHUMALING SA KARAHASAN

Sa ngayon, gustung-gusto ng mga tao ang karahasan. Noon pa man, itinatampok na


banggit na ito sa mga libangan. Pero "nitong nakaraang mga taon," ang sabi ng
Media Awareness Network, "may ipinagbago ang karahasan sa media. Mas dumami
pa ito." At ito ay "lalong mas lantaran, mas mahalay, at mas sadistiko." Isaalang-
isang mag alang ang mga sumusunod.

Musika: Ang mga awiting nagtatampok ng mararahas na liriko ay "naging


pangkaraniwan na lang sa industriya ng musika," ang sabi ng na-banggit na
reperensiya. Gamit ang masasamang salita, itinatampok ng ilang awitin ang
pagpatay at panggagahasa, maging sa mga asawa at ina.

Video Game: "Nakalulungkot, halos puro patayan ang laman ng mga video game,"
ang sabi ng isang magasin sa Britain tungkol sa mga video game. Sinabi pa nito: "Sa
paanuman, magugustuhan mo ang nga video game kung mahilig ka sa karahasan."
Halimbawa, sa isang popular na laro, ang mga manlalaro ay parang nanggugilpi ng
mga babae hanggang sa mamatay ang mga ito gamit ang pamalo ng baseball.
Naniniwala ang ilang eksperto na dahil interactive ang mga video game, mas
malakas ang impluwensiya nito sa mga bata kaysa sa TV.

Pelikula: Ipinakikita ng mga pag-aaral na dumami nang husto ang karahasan, sex,
at pagmumura sa mga pelikula, at hindi laging maaasahang basehan ang mga rating
na ibinibigay sa mga ito. Bukod diyan, hindi lang ang mga "kontrabida" ang
mararahas. Ayon sa isang pag-aaral, halos kalahati ng mga karahasang makikita sa
TV, pelikula, at mga music video ay ginawa ng mga "bida."

Balita: "Kung madugo, ulong-balita ito." Iyan ang patakaran ng maraming prodyuser
ng bali ta sa TV. Malaking negosyo ang pagbabalita, at alam ng mga tagapagbalita
na ang karahasan ay humahatak ng manonood, at kapag marami ang manonood,
umaakit ito ng maraming advertiser, na siyang gumagastos sa mga programa sa TV
sa maraming bansa.

Web Site: Makikita sa Internet ang sari-saring larawan at video ng pagpapahirap,


pagputol sa mga bahagi ng katawan ng tao, at pagpatay, aktuwal man ito o hindi.
Maraming bata ang pumupunta sa mga site na ito.

Makakaimpluwensiya ba sa lyo ang Karahasan sa Media?

May impluwensiya ba sa mga tao ang karahasang itinatampok sa telebisyon,


pelikula, aklat, musika, at iba pang libangan? Madalas na ikina-katuwiran ng mga
kumikita sa karahasan sa media na hindi naman ito nakasasama. Pero pag- isipan
ito: Para impluwensiyahan ang isip ng mga tao, ang mga kompanya ay nagbabayad
ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga komersiyal na mga 30 segundo lang ang haba.
Kung gayon, iisipin mo ba na ang isa-at-kalahating-oras na pelikula, na may imoral
at mararahas na bida, ay walang gaanong epekto o wala talagang epekto sa mga
tao, lalo na sa mga bata na madaling maniwala?

A. Paglinang ng Talasitaan Ibigay ang kahulugan


1. Nahuhumaling sa karahasan
2. Isaalang-alang ang mga sumusunod
3. ilang eksperto

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong


1. Tungkol saan ang akda?
2. Bakit gustong-gusto ng mga tao ngayon ang karahasan?
3. Saan maaaring matagpuan ang karahasan?
4. nakakaimpluwensiya ba sa iyo ang karahasan sa media?

You might also like