Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

OURLADY OF LOURDES ACADEMY OF BACOOR CAVITE, INC

B5,L6,7& 8 GuijoSt.,Perpetual Village 6, Mambog 4,Bacoor City, Cavite

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8

Pangalan:__________________________________ Petsa:__________
Guro: Ms. Linnette C. Tadeo Iskor:__________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay Bugtong Salawikain o
Sawikain

_______1. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.


_______2. Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.

_______3. Sa araw nahihimbing, sa gabi ay gising.

_______4. Tiniris mo na inaamuyan pa.

_______5. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.

_______6.Kwarta na, naging bato pa.

_______7. Kapag may tyaga, may nilaga.

_______8. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.

_______9. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.

_______10. Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.

_______11. Bahag ang buntot

_______12. Balat-sibuyas

_______13. Anak-dalita

_______14. Bukal sa loob

_______15. Butas ang bulsa

II. Panuto: Isulat kung ang salita o ang mga salitang may salungguhit ay Pang-abay na pamanahon o
panlunan.

______________1. Pumunta ka sa palengke, Alma.


______________2. Sumama siya sa akin sa lungsod.
______________3. Kumain sa restoran ang mga mgakakaibigan.
______________4. Si Roy ay dahan-dahang umupo sa silya.
______________5. Nakatira sa gubat ang mababangis na hayop.
______________6. Magsisimba ka sa Linggo.
______________7. Oras-oras kitang iniisip.
______________8. Palagi akong nagluluto.
______________9. Pumanaw siya kamakailan lamang.
______________10. Nalulungkot ako sa tuwing ikaw ay umiiyak.

III. Bilugan ang titik na tamang sagot.

1. “Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw.
Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang
kabundukan”? Anong elemento ng kuwento ang isinasaad dito?

a. Tauhan b. Aral c. Banghay d. Tagpuan


2. Sino ang maituturing na kalaban o masama sa kuwento?

a. Salamangkero b. Datu c. Prinsipe Malakas d.Prinsesa Alindaya

3. Anong damdamin ang ipinahahayag ng paglalarawang ito: “Nakatuon ang paningin sa bughaw na
kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga siya ng malalim.”

a. Pagkabagot b. Pagkatakot c. Pagkainis d.Pagkalungkot

4. “Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat
ng namamalas.” Anong elemento ng kuwento ang isinasaad dito?

a. Tauhan b. Aral c. Banghay d. Tagpuan

5. Ano ang nakasanayang gawin ng Datu na naging dahilan ng labis nitong pagkalungkot?

a. Pangingisda b. Pagtatanim c. Pangangaso d. Pag-aalaga ng ibon

6. Ano ang naging suliranin sa kuwento?

a. Pagpasya ng Datu na mangaso sa kabundukan

b. Pagkakasundo ng Datu at ng Salamangkero na magpatubo ng kabundukan kapalit ang kamay ni Prinsesa


Alindaya.

c. Patuloy na pagtaas ng bundok na naging dahilan ng pagkawalan ng tirahan ng mga tao.

d. Pagkakasakit ni Prinsesa Alindaya dahil sa labis na kalungkutan.

7. Anong uri ng panitikan nabibilang ang kuwentong nabasa?

a. Mito b. Epiko c. Alamat d. Maikling Kwento

8. Bakit nagkasakit si Prinsesa Alindaya?

a. dahil sa pangangaso ng kanyang ama

b. dahil sa labis na kalungkutan ng malaman niyang ipapakasal siya sa Salamangkero kapalit ng pagtayo ng
kabundukan

c. dahil sa pagkabigo sa pag-ibig

d. dahil sa labis na pagkatakot sa kabundukang itinayo sa palasyo

9. Ano-anong kultura o kalagayang panlipunan ang masasalamin sa kuwentong ito?

a. pagpapahalaga sa pagkahilig sa pangangaso

b. paniniwala sa salamangka

c. pagpapakasal sa salamangkero

d. pagpapatayo ng kabundukan

10. Anong mensahe ang nais iparating ng may akda sa mambabasa?

a. Maging tapat sa taong minamahal

b. Sumunod sa payo ng magulang

c. Pagmamahal ng isang pinuno sa kaniyang pinamumunuan

d. Pagtulong ng walang kapalit

You might also like