Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Nagiging mabuti din ang wakas, at nagwawakas din pala ang kabutihan;

kaya’t SANA, sa pagwawakas ay MAINTINDIHAN mo rin naman ako”

Hindi ako perpektong tao, alam ko yun…marahil nga, baka nga maituturing pa akong isang
“masamang tao”.

Hindi ko naman hiniling sa inyo na “sagipin” ninyo ako eh. Alam ko naman ang mga
ginawa ko at nakahanda naman ako sa anumang pinakamalalang kahahantungan ng buhay ko
bilang kabayaran sa mga pagkakamali ko.

Ang hiningi ko lang sana sa inyo ay kaunting “malasakit” lang.

“Malasakit” hindi sa pera, kundi malasakit sa pamamagitan ng ILANG PIRASONG


MALILIIT NA PABOR na “inaasahan” ko nuon na magagawa ninyo para sa akin pag
dumating na ang oras ng kagipitan ko, at sa kapirasong mga mumunting pabor na ito man
lamang, ay maramdaman kong “hindi ako nag-iisa”.

Mga kapirasong pabor na baka pupuwedeng makaistorbo ng 1 o 2 oras sa isang araw ninyo
para “magpa-LBC” ng ganito doon, o “mag-antay ng ganitong mga liham mula sa mga
ganitong korte” para maipaalam ninyo sa akin na “Hoy, may dumating na ganitong sulat
galing sa ganitong korte kahapon ha, eto kopya mo”..…baka 1 o 2 beses, pumunta sa
ganitong korte para pyansahan ako para pansamantala eh nasa laya ako para maharap ko ng
HUSTO ang mga pagsubok.

Pero anu bang inasal ninyo sa akin nuong sinusubukan ko pa nga lang kayong turuan sana
kayo kung “papaano” ninyo magagawa ang mga maliliit?

“Bukas na lang, inaantok na ako eh”, “mamya na lang kasi may ganito ako eh”, “wag na lang
kasi hindi ko maipapangakong “maiintindihan” ko mga yan”; “may sarili kasi akong buhay
eh”.

Naiintidihan ko naman na pagod kayo, o puyat kayo o abala kayo, pero sa ilang beses bang
sinubukan kong ipaliwanag sa inyo ang mga bagay na yan, sa hinaba-haba na ng panahon na
kung nakinig lang sana muna kayo, ay malalaman na ninyo na simple nga lang pala ang
pinapakiusap sa akin ni Jayson, kaso hindi na natapos ang ‘antok’, ‘puyat’ at ‘pagiging
abala ninyo eh’.

Hindi naman ako nagmamalaki. Nagsasabi naman ako na “kapag hindi na kayo abala,
sabihin lang ninyo para saka na ako magsasabi ulity”…hindi naman nangyari yun eh, at
namuti na lang mata ko kaka-hantay.

Naging madamot kayo sa akin kapirasong mga pabor na “baka” hingin ko pa lang sa
inyo, na ni hindi ko pa man hinihingi sa inyo, “ayaw na ninyo agad ibigay” at sadyang
wala kayong naging katiting na interes na malaman man lamang.

Magtatanim kayo ng galit sa akin pag nagagalit ako dahil hindi ninyo maintindihan ang mga
sinasabi ko?

Ang hindi ninyo alam ay nagagalit ako dahil hindi kasi ninyo maintindihan na “buhay ko
ang inilalagay ko sa mga kamay ninyo” kaya natural lang na umasa din naman ako na
“magkaka-interes” din naman kayo?

Nakakapagdamdam dahil hindi ko kasi yan magawa sa inyo, at kahit sa pinaka-madidilim


na araw na nagdaan, maski huling sentimong nilalaan ko sana para sa sarili ko, ibinalik ko pa
rin sa inyo para sa isang imahinasyong “utang na loob” para lang huwag ninyo akong
makalimutan.

Pero hayaan na lamang ninyo, dahil lilipas din naman ang lahat at mababaon din sa walang
hanggang limot at ang “dating ako” na nagpasaya sa inyo ay mawawala din kasabay ng
pagkaubos ng mga bagay na naibigay ko, gayon din ang alaala ko, at maski nga siguro
pangalan ko, ay wala ng anumang aninong mababakas sa mahaba at tila napakatagal ng
nakaraan na minsan naging mabuti rin naman ako para sa inyo.

Buong buhay ninyo, naging mabuting mga tao kayo; mga mabubuting anak at mga
mabubuting ina…hindi na ba nakaya at naubos na ang bait kaya hindi na pu-puwede na
maging mabuting kaibigan man lamang kayo sa akin?

Sobrang dami pala ang isang butil ng kanin na hinihintay kong malaglag sa hapag-kainan
ninyo?

You might also like