Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASUNDUAN NG SANGLAAN

Para Sa Kaalaman ng Lahat:

Ako, si RAYMONT S. UMBRERO (kikilalanin bilang ang UNANG PANIG), nasa


wastong edad, Pilipino, may asawa, naninirahan sa Innovationville Phase 1, Brgy. Pooc, Santa
Rosa, Laguna, ay NAGSASANGLA ng aking karapatan sa isang kuwarto na nakatayo sa
maliit na bahagi ng aking bahay at lupa na kasalukuyang ginagamit bilang “paupahan” bilang
seguridad sa aking hiniram na salapi kay MARJIE B. UMBRERO (kikilalanin bilang ang
PANGALAWANG PANIG), nasa wastong edad, Pilipino, naninirahan sa Lungsod ng Taguig
Kalakhang Maynila sa kabuuang halaga na TATLUMPUNG LIBONG PISO (Php30,000.00);

Na ang PANGALAWANG PANIG ang siya mangongolekta ng buwang upa sa


nasabing kuwarto umpisa sa petsa ng paglagda ng bawat partido sa kasunduang ito ng halagang
DALAWANG LIBO LIMANG DAANG PISO (Php2,500.00) at siyang magsisilbi o ituturing
na siya na ring buwanang tubo o interes sa utang na ipagkakaloob ng nasabing
PANGALAWANG PANIG sa utang UNANG PANIG at mananatili ang ganito termino
hanggang hindi pa ganap o lubos na naibabalik o nababayaran ng UNANG PANIG ang
kabuuang halaga ng kanyang pagkakautang (Php 30,000.00);

Na ang mananatili ang bisa ng mga alituntuning nabanggit hanggang hindi pa ganap o
lubos na naibabalik o nababayaran ng UNANG PANIG ang kabuuang halaga ng kanyang
pagkakautang (Php 30,000.00) at maaaring bayaran ng UNANG PANIG ang kabuuan o ang
kabuuang halaga ng balanse o kakulangan ng kanyang utang anumang petsa at hindi
magkakaroon ng anumang paglilipat ng pagmamay-ari (ownership) o pagsasalin ng pagtataglay
(possession) sa nasabing kuwarto at sa maliit na bahagi ng lupa mula sa UNANG PANIG
papunta sa PANGALAWANG PANIG bagkus ay mananatili lamang ang karapatan ng
PANGALAWANG PANIG kumulekta ng buwanang tubo o interes hanggang hindi pa ganap
o lubos na naibabalik o nababayaran ng UNANG PANIG ang kabuuang halaga ng kanyang
pagkakautang (Php 30,000.00);

PATUNAY SAANMAN, aming lalagdaan ang kasunduang ito ngayong Setyembre 10,,
2023 sa Lungsod ng Santa Rosa, Lalawigan ng Laguna.

RAYMONT S. UMBRERO MARJIE B. UMBRERO


Unang Panig Pangalawang Panig
_____________________ ______________________

Saksi sa paglagda ng mga partido sa kasunduang ito sina:

MARIO S. UMBRERO JULIETA C. APARICE

PINANUMPAANG SA AKING HARAPAN, ng bawat partido sa kasunduang ito na


nagpakkita ng kani-kanilang katibayan ng pagkatao na nakasaad sa ibaba ng kanilang mga
pangalan ngayong Setyembre 10, 2023 sa Lungsod ng Santa Rosa, Lalawigan ng Laguna.

Kasulatan Blg.: ______;


Pahina Blg.: ______;
Libro Blg.: ______;
Serye taon ng: ______.

You might also like