Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Kasaysayan ng Parañaque:

Ang Parañaque ay itinatag noong 1572, sa kadahilanang ang lugar ay malapit sa dagat, ang
mga Paraqueños (Parañaquense) ay nakipagkalakalan sa mga Intsik, Indones, Indians at
Malayans. Noong panahong iyon ang pangunahing hanapbuhay ay ang paggawa ng asin,
pangingisda, pagtatanim ng bigas, paggawa ng sapatos, paggawa ng tsinelas at paghahabi.
Ang komunidad ay pinamumunuan ng cabeza de barangay, isang kanluraning bersyon ng
mga lokal na tagapamuno at ang mga principalia bilang mga lokal na aristokrata, isang
napaka-matibay na institusyon sa lipunan dahil sila ay ang mga kalimitang gumaganap sa
mga pampolitikang posisyon. Sila ay makatwiran at tagapamagitan ng pangangailangan ng
mga mga mananakop na Espanyol. Ang edukasyon ay limitado para sa principalia lamang
dahil sila lang ang may kakayahang magbayad para rito. Ang naitalang simula ng Palanyag ay
nagsimula noong 1580 nang si Fr. Diego de Espinar, isang misyonerong Augustinian, ay
hinirang na tagapamahala ng kumbento o relihiyosong bahay ng bayan. Bilang residenteng
pari, siya ay nagtatag ng bahay ng misyon doon, na may hurisdiksiyon na umaabot hanggang
sa Kawit sa lalawigan ng Cavite. Ang Konseho ng Definitors (o konseho ng mga pinuno ng
relihiyon order) noong ika-11 Mayo 1580, ay tinanggap ng Palanyag bilang isang malayang
bayan. Ang larawan ng patrona ng Palanyag na si Nuestra Señora del Buensuceso, ay dinala
sa St. Andrew's Church sa La Huerta noong 1625.

Nasasaad sa ilang tala na dahil ang Palanyag ay matatagpuan sa sangang-daan ng Maynila,


at ng mga lalawigan ng Cavite at Batangas, naging daan ito para maging importanteng
bahagi nang kasaysayan ng Pilipinas ang mga taong-bayan nito. Sa panahon ng pananakop
ng mga Intsik na mandarambong na si Limahong noong 1574, ang mga mamamayan ng
Parañaque, lalo na yaong mula sa Barangay Dongalo, ay matapang na pumigil sa pag-atake
sa Maynila. Ito ay ang kinilala bilang ang "insedente sa Red Sea" dahil sa mga dugo na
dumaloy bilang resulta ng pagtatanggol na ginawa ng tao mula sa baryo Sta. Monica, dating
pangalan ng barangay. Nang sakupin ng mga Briton ang Maynila noong 1762, ang mga
taong-bayan ay muling naging tapat sa mga mananakop na Espanyol, lalo na sa mga
Augustinian. Ang pagsalakay gayunpaman ay nagpakita na ang kapangyarihan ng mga
Espanyol ay hindi masusupil at matapos ang higit sa isang daang taon, ito ay mapatunayan
na totoo. Pagkatapos ay dumating ang Himagsikang Pilipino (mga huling bahagi ng ika-19 na
siglo) at ang napagtanto ng mga Espanyol na ang bayan ay isang praktikal na lagusan
patungong Cavite, ang balwarte ng mga rebolusyonaryo Katipunero. Gayundin naman para
sa mga rebolusyonaryong nakabase sa Cavite, nakita nila ang bayan bilang kanilang lagusan
patungong Intramuros, ang sentro ng pamahalaang Espanyol sa Maynila. Ang mga kilalang
Paraqueños, tulad ni Manuel Quiogue at ng sekular na pari na si Padre Pedro Dandan ay
naging prominenteng rebolusyonaryo. Nang nasakop na ito ng mga Amerikano, isa ang
Parañaque sa mga bayan na unang nagkaroon ng pamahalaan.

Isunumite ni: Vicki Chervi L. Dolon

You might also like