Professional Documents
Culture Documents
Ap8-Q2-Periodical Exam
Ap8-Q2-Periodical Exam
Ap8-Q2-Periodical Exam
Ito ay tumutukoy sa panahon kung saan nalinang ang mga kaisipang naging pundasyon ng mga
kabihasnang Greek at Roman.
A. Prehistoriko B. Klasikal C. Medieval D. Ancient
5. Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan. Yumaman ito sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ang sandatahang-panlakas ng Minoan.
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napapalibutan ng mga kabundukan isla ng Crete
10. Ang bawat polis ay mga nakatakdang pamilhan na tinatawag na agora. Mayroon din silang mataas na
bahagi kung saan nakalagak ang mga gusali tulad ng templo at pamahalaan. Ito ay ang ______.
A. metropolis B. acropolis C. phalanx D. ostrakon
11. Ang mga Greek ay nakilala sa iba’t ibang larangan tulad ng arkitektura. Kahanga-hanga ang mga templo
na matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na
Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto .Alin sa mga sumusunod ang
pinakamagandang halimbawa nito?
A.Taj Mahal B.Colosseum B.Parthenon D.Ziggurat
13. “Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole
people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…”
- PERICLES. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan
16. Ayon sa isang matandang alamat ang ________ ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus.
Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang
amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
A.Greece B.Rome C.Sparta D.Athens
17. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor C. Patrician at Plebeian
B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin
18. Ano ang tawag sa pamahalaan ng Rome, kung saan walang haring namumuno?
A. Republic B. Democracy C. Monarchy D. Pax
19. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang makapangyarihan sa
Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-
lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang mga malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage
at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece kaya naging makapangyarihan ito.
D. Lahat ng nabanggit ay sagot
20. Dahil sa patuloy na laganap ang katiwalian sa Republika ng Rome, nagpasya ang tatlong tao na sila
Caesar, Pompey at Crassus na bumuo ng isang alyansa. Ano ang tawag dito?
A. Assembly B. Senate C. Triumvirate D. Legion
22. Pagkamatay ni Mark Antony, naiwan kay Octavian ang lahat ng kapangyarihan. Kinilala siya bilang si
Augustus. Ito ang naging hudyat ng ______.
A. Imperyong Roman B. Republic C. Dark Age D. Pax Romana
23. Sa loob ng 200 taon, pinamunuan ang Rome ng mga emperador na nagdulot ng kapayapaan at
kasaganaan sa imperyo. Ito ay tinatawag na _______.
A. Imperyong Roman B. Republic C. Dark Age D. Pax
24. Maliban sa Greece at Rome, sumibol din ang kabihasnang klasikal sa Mesoamerica, Africa at mga pulo sa
Pacific. Sa paanong paraan sila maihahalintulad sa mga kabihasnang sumibol sa Europe?
A. Nagsimula ang pag-usbong ng mga kaisipang klasiksal na humubog sa mga sibilisasyon sa
Mesoamerica, Africa at mga pulo sa Pacific.
B. Lumakas at lumaganap ang kapangyarihan ng mga sibilisasyong ito sa buong daigdig,
C. Nag-ugat ang mga rebolusyon at digmaan.
D. Nagtayo ang mga klasikal na kabihasnan ng mga imperyo.
25. Kung pagmamasdan sa mapa masasabing magkakalapit ang mga kabihasnang klasikal sa Europe, subalit
ang mga kabihasnan sa Mesoamerica, Africa at mga pulo sa Pacific ay lubhang naging malayo sa isa’t-
isa. Ano ang maaaring mabuong implikasyon nito?
A. Naging medaling sakupion ng mga mananakop ang kanilang kabihasnnan
B. Naging lihim sa kaalaman ng mga Europeo ang mga kabihasnang ito sa loob ng mahabang
panahon
C. Lumaganap ang mga iba’t-ibang kaisipan, paniniwla at relihiyon.
D. Umunlad ang sining at teknolohiya ng mga kabihasnang ito.
27. Sila ang isa sa mga unang kabihasnan sa Mesoamerica na nagtayo ng mga piramide.
A. Maya B. Aztec C. Inca D. Olmec
29. Bumagsak ang kabihasnang Aztec nang kanilang mapagkamalan si _______ na isang Diyos.
A. Francisco Pizarro C. Ferdinand Magellan
B. Hernando Cortez D. Vasco Da Gama
30. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga sinaunang
kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng
kasalukuyang Mexico
B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng
pagsasaka at pakikipagkalakalan.
C. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan
at linangin ang taglay nitong yamang likas.
D. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling
pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay
32. Ang sinasabing pinakamalaking disyerto sa daigdig ay matatagpuan sa Africa. Ano ito?
A. Sahara B. Kalahari C. Gobi D. Taklamakan
33. Ang _______ ang tagapagmana ng Ghana na nagsimula sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang
outpost ng Imperyong Ghana.
A.Mali B.Songhai C.Axum E.Polynesia
35. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-
36. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.
Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla B.maliit na mga isla C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla
38. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Isla ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o
“mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga to sa mga Isla ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.
39. Isa sa mga mahalagang pamana ng Athens ay ang demokrasya na nangangahulugang pamumuno ng
nakararaming mamamayan sa isang estado. Paano ito napaphalagahan sa kasalukyan.
A. Sa pamamagitan ng kompetisyon C. Sa pagbibigay ng sapat na edukasyon
B. Sa pagkakaroon ng halalan D. Sa paglalaan ng serbisyo sa paglilingkod
ANALOHIYA
Panuto: Tukuyin ang salitang kaugnay ng ikatlong salita. Gawing gabay ang unang tambalan. Bilugan ang titik
ng pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.