Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF TANJAY CITY

LINGGUHANG BANGHAY - ARALIN


ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan ng Guro: __________________________________ Kwarter: UNA


Paaralan: __________________________________________ Linggo : 6 -Aralin 1__

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring


pagunawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit
ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng
A. Pamantayang Pangnilalaman
malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipin
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa
kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay
B.Pamantayan sa Pagganap
sa lokasyon nito sa mundo
C. Pinakamahalagang Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng
Kasanayang Pampagkatuto Pilipinas at ang pagkakatatag ng Unang Republika.
Pagkatapos ng leksyon ang mga bata ay inaasahang:
I. Layunin  masusuri ang mga pangyayaring naganap sa
panulukan ng Silencio at Sociego sa Sta. Mesa;

 matutukoy ang dahilan ng alitan sa pagitan ng


isang sundalong Amerikano at sundalong
Pilipino na humantong sa labanang Pilipino-
Amerikano;

 masusuri ang timeline ng Digmaang Pilipino-


Amerikano;

 maipaliliwanag ang mga kadahilanan sa


pagbabago ng pakikitungo ng Amerikano sa
mga Pilipino;

 matutukoy ang dahilan ng pagtutol ng mga


Pilipino sa Kasunduan sa Paris.
II. Nilalaman Unang Putok sa Panulukan ng Silencio at Sociego,
Sta.Mesa
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro MELC
2. Mga Pahina sa Kagamitang SLM week 6 aralin 1 pahina 1-15
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa teksbuk N/A
4. Karagdagang Kagamitan mula N/A
sa Portal ng Learning
Resources

B. Iba pang Kagamitang Laptop/Projector, SLM week 6, Manila Paper


Panturo nakasulat ang timelime,
Paraan ng Pagdulog
Paunang mga Gawain:
III. PAMAMARAAN 1. Panalagin
2. Pagbati
3. Patalista
4. Balitaan
Sabihin: Mga bata sagutan muna ninyo ito.
Panuto: Suriin ng mabuti ang bawat katanungan at
pangungusap.
1. Ano ang dahilan ng pagtungo ng mga Amerikano sa
Pilipinas?
A. Ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa
A. Balik-aral sa nakaraang aralin himagsikan sa Cuba.
at/o pagsisimula ng bagong aralin B. Ang pagtatatag ng pamahalaang Amerikano.
C. Ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos
sa Asya.
D. Ang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipnas.

2. Bakit tutol ang mga Pilipino sa Kasunduan sa Paris?


A. Nais nilang magpasakop sa mga Español.
B. Nais nilang maging malaya.
C. Nais nilang maging kolonya ng Estados Unidos.
D. Nais nilang sumakop sa mga Amerikano.
3. Paano tinanggap ng mga Pilipino ang Kasunduan sa
Paris?
A. Ipinaubaya nila sa Estados Unidos ang pagpapasya.
B. Tinanggap nila ang Kasunduan nang mapayapa.
C. Nakipag-away sila sa mga Amerikano.
D. Mahigpit nilang tinutulan ang kasunduan.

4. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa


Malolos, Bulacan?
A. Enero 23,1899
B. Enero 24,1899
C. Enero 25,1899
D. Enero 27,1899
5. Ano ang unang hudyat ng pagbabago ng
pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
A. Ang hindi pagkilala ng Republika ng Estados
Unidos.
B. Nakipagkasundo ang mga Amerikano sa mga
Pilipino.
C. Ang kawalan ng malasakit ng mga Amerikano sa
mga Pilipino.
D. Ang pagbaril ng isang sundalong Amerikano sa isa
sa apat na sundalong Pilipino.

6. Anong pangyayari ang sumira sa relasyon ng


Amerikano at Pilipino?
A. Ang hindi pagsunod ng mga Pilipino sa kautusan ng
Amerikano.
B. Ang pagbaril sa isa sa apat na Pilipinong sundalo.
C. Ang pagwasak at paglubog ng barkong Maine.
D. Ang hindi pagsang-ayon sa kasunduan.

7. Kailan nangyari ang labanan sa Maynila ng mga


Amerikano at Espanol na tinatawag ding mock
battle o kunwaring labanan lamang?
A. Agosto 11, 1898
B. Agosto 12, 1898
C. Agosto 13, 1898
D. Agosto 14, 1889

8. Ano ang nagpasidhi sa damdamin ng mga Pilipino


na makamit ang Kalayaan?
A. Ang Pagtatag ng Unang Republika
B. Ang Kasunduan sa Paris
C. Ang Kongreso ng Malolos
D. Ang Pagsakop sa mga Amerikano
9. Kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Paris?
A. Disyembre 9, 1899
B. Disyembre 10, 1898
C. Disyembre 12, 1898
D. Disyembre 11, 1898

10. Kailan bumagsak ang Unang Republika ng


Malolos?
A. Marso 28, 1898
A. Marso 29, 1899
B. Marso 30, 1899
C. Marso 31, 1899

Sabihin: “Mga bata balikan muna natin ang ating


tinalakay kahapon. Ano ba ang napag-aralan natin
kahapon? Bago tayo magpatuloy sa bago nating aralin
ngayon. Gusto kong sagutan ninyo ang Balikan pahina
4 sa iyong modyul. Basahing mabuti ang panuto.
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang
sagot.
1. Ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas ay
talagang sinadya upang pakinabangan ang bansa sa
kanilang sariling kapakanan.

2. Ang pakikialam ng Estados Unidos sa himagsikan


sa Cuba ang nagbigayhudyat sa pagdating ng
Amerikano sa Pilipinas.

3. Tumindi ang alitang Amerikano-Pilipino nang


sumabog ang Maine, isang barkong pandigma ng
mga Amerikano.

4. Unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas


noong Hulyo 12, 1895 sa Kawit, Cavite.

5. Ang Saligang Batas ng Malolos ang


pinakamahalagang nagawa ng Kongresong
Panghimagsikan.

Sabuhin: Pag-aralan natin ang Tuklasin sa pahina 4.


B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Sabihin: Humanap kayo nga kapareha at sagutan ito.

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang


sumusunod na pangyayari ayun sa tamang
pagkasunod-sunod nito. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

__________ 1. Bumagsak sa mga kamay ng


C. Pag-uugnayan ng mga Amerikano ang Malolos.
halimbawa sa bagong aralin. __________ 2. Nagsimula ang digmaan ng Estados
Unidos laban sa España.
__________ 3. Itinatag ang Unang Republika sa
Malolos. Hindi ito kinilala ng mga
Amerikano.
__________ 4. Naganap ang makasaysayang laban sa
Look ng Maynila na nag-udyok sa
Estados Unidos na sakupin ang
Pilipinas.
__________ 5. Pinatay ng sundalong si William
Walter M. Grayson ang isang kawal na
Pilipino na naging hudyat sa
pagsisimula ng Digmaang
PilipinoAmerikano.

Sabihin: Ngayon basahin ninyo ang teksto sa Suriin


D. Pagtatalakay ng bagong pahina 5-6. Simula ng Alitan ng mga Amerikano
konsepto at paglalahad ng at Pilipino
bagong kasanayan #1.
Sabihin: Pangkatin ko kayo sa limang grupo. Pumili
ng isang meyembro bilang taga-balita. Sagutin ang
mga tanong.

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

E. Pagtatalakay ng bagong 1. Ano ang pangyayaring naganap sa panulukan ng


konsepto at paglalahad ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa?
bagong kasanayan # 2 2. Paano nalaman ni Emilio Aguinaldo na ang
hangarin pala ng mga Amerikano ay sakupin ang
Pilipinas?

3. Noong Pebrero 4, 1899 ano ang pangyayaring


naganap sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta.
Mesa na tuluyang sumira sa relasyon ng Amerikano at
Pilipino?

4. Bakit napilitang lumipat si Aguinaldo patungong


San Fernando, Pampanga?

Sagutan ninyo ang pagsasanay sa Pagyamanin pahina


6.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat


ang TAMA o MALI. Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel.

F. Paglinang sa Kabihasaan _________1. Hindi pormal na ipinagkaloob ng España


( Tungo sa Formative ang Pilipinas sa Estados Unidos.
Assessment )
_________2. Noong Pebrero 24, 1898, pinasinayaan
ang Unang Republika sa Malolos,
Bulacan.

_________3. Hindi kinilala ng mga Amerikano at iba


pang dayuhang bansa ang Pamahalaang
Republika ng Pilipinas.

_________4. Lubos ang pagtanggap ng mga Pilipino


sa kanilang pangulo na si Emilio
Aguinaldo at ang kapangyarihan ng
Republika ng Pilipinas.

_________5. Ang pagbaril at ang pagpatay sa isa sa


apat na sundalong Pilipino ng isang
sundalong Amerikano ang nagbugso sa
mga Amerikano na lusubin ang hukbo
ng mga Pilipino.
Sabihin: Sa pang-araw- araw nating pamumuhay may
mga mahalangang pangyayari na hindi natin
maaaring makalimutan. Kaya na rin sa mga
kaganapan at pangyayari noong 1898 hanggang 1899.
Sagutan ninyo ang gawain na ito sa Isagawa pahina 7
. Pumili ng kapareha para mabuo ang organizer.
Panuto: Isa-isahin ang mga petsa ng kaganapan at
pangyayari mula 1898 hanggang 1899. Isulat ang sagot
G. Paglalapat ng aralin sa pang- sa manila paper.
araw-araw na buhay

Pumili ng sagot sa loob ng kahon:

Sabihin : Mga bata tandaan ninyo ito.


Bago dumating ang mga Amerikano, ang Pilipinas ay
isang kolonya ng España. Nagalit ang España sa
pakikialam ng Estados Unidos sa Cuba, na isa rin
nitong kolonya, at naging daan ito sa pagdating ng mga
H. Paglalahat ng Aralin Amerikano sa Pilipinas. Sa Digmaang Español-
Amerikano, malaki ang naitulong ng mga Pilipino
upang mapabagsak ang makapangyarihang
pamahalaang Español sa Pilipinas. Malaki ang pag-asa
ng mga Pilipinong ipagkakaloob sa kanila ng mga
Amerikano ang pinakaaasam na kasarinlan. Ngunit ang
pag-asang ito ay unti-unting naglaho dahil nagkaroon
ng malaking interes ang mga Amerikano upang
gawing kolonya ang Pilipinas. Masidhing pagtutol ang
ipinakita ng mga Pilipino sa mga patakaran ng
pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas. Kaya
panibagong digmaan na naman ang sinuong ng mga
Pilipino laban sa mga sa Amerikano.

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang


titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang pinunong heneral ng Estados Unidos na


namuno sa labanan sa pagbagsak ng Malolos?
A. William Walter Grayson
I. Pagtataya ng Aralin B. Heneral Arthur MacArthur
C. Heneral Frederick Funston
D. Heneral Elwell Otis

2. Kailan pinasinayaan ang Unang Republika sa


Malolos, Bulacan?

A. Enero 23, 1897


B. Enero 23, 1898
C. Enero 23, 1899
D. Enero 23, 1888

3. Ano ang naging hudyat ng pagbabago ng


pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

A. Ang hindi pagkilala ng mga Estados Unidos sa


Republikang itinatag.
B. Ang hindi pag-sang-ayon ng Estados Unidos sa
Kasunduan sa Paris.
C. Napatunayan ng mga Piilipino ang tunay na
Hangarin ng mga Amerikano.
D. Tama ang A at B.

4. Kailan naganap ang makasaysayang pangyayari sa


panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa na
naghudyat ng hindi pagkakaintindihan sa panig ng
Amerikano kaya nilusob nila ang hukbong Pilipino?

A. Enero 22, 1898


B. Marso 5, 1899
C. Pebrero 4, 1899
D. Abril 3, 1897
5. Sino ang matapang na heneral sa hukbo ng mga
pinuno sa Unang Republika ng Pilipinas na lumaban sa
panig ng Maynila pagkatapos idineklara ni Aguinaldo
ang laban sa mga Amerikano?

A. Heneral Emilio Aguinaldo


B. Heneral Gregorio H. del Pilar
C. Heneral Antonio Luna
D. Heneral Juanario Galut

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mahahalagang


pangyayari. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 sa patlang.
Isulat sa sagutang papel ang sagot.
J. Karagdagang Gawain para sa
Takdang Aralin at remediation ________ 1. Pagpapasinaya ng Kongreso ng Malolos
________ 2. Pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas
________ 3. Pagapahayag ng Pamahalaang Diktatoryal
________ 4. Labanan sa Look ng Maynila
_______ 5. Pagtatatag ni Aguinaldo ng Pamahalaang
Rebolusyonaryo
III. MGA TALA
IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na mag-papatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiya
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na-solusyunan
sa tulong ng aking
panungguro at
superbisor?
G. Anong Kagamitang
panturo ang akin
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Sinulat nina:

STELLA MARIE S. MIRAFLOR


T-III

LEONILO O. MANSO
MT-II

Sinuri ni:

TITO BENEDICT R. SUYO, Ed.D


EPSvr – Araling Panlipunan

You might also like