FILIPINO 9 (1stquarter)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

St. Jude Science and Technological School of Ibaan Inc.

M. Mercado St. Poblacion, Ibaan, Batangas

PANGALAN: _________________________________________________________________________
BAITANG: ___________________________________________________________________________
ARALIN 1

֍SIMULAN MO
Ang mga salita ay maaaring may denotatibo at konotatibong kahulugan.
 Ang denotatibong kahulugan ay iyong karaniwang kahulugang makikita sa diksyunaryo at ginagamit
sa pinakasimpleng pagpapahayag. Literal na kahulugan ng isang salita.

 Ang konotatibong kahulugan ay iyong naimumungkahi o ipinahihiwatig lamang ng gumagamit nito.

A. Tukuyin kung ang mga salitang nakapahilig ay ginamit ayon sa denotatibo at konotatibong
kahulugan nito. Bilugan ang D para sa denotatibo at K para sa konotatibo. Tukuyin din ang
kahulugan ng mga salita at isulat naman sa mga patlang na nakalaan.

HALIMBAWA:
D K Hindi ibinigay ng dalaga ang kanyang kamay nang makipagkamay ang binata sa kanya.
Kahulugan: nagpapahiwatig na di ibig ng dalaga ang pagpapakilala sa kanya
ng binata o di kaya’y di siya interesado dito.

D K 1. Nang marinig na kailangan niya ang pera biglang nagtaas ng kilay si Li Hua.
Kahulugan: ___________________________________________________
D K 2. Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao’
Kahulugan: ___________________________________________________
D K 3. Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho.
Kahulugan: ___________________________________________________
D K 4. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang ipiniprito ang inasinang isda.
Kahulugan: ___________________________________________________
D K 5. Napabuntong –hininga nang malalim si Lian-chiao matapos siyang iwan ng
asawa upang magsugal muli.
Kahulugan: ___________________________________________________

B. Sabihin kung denotasyon o konotasyon ang kahulugang ipinahahayag ng mga sumusunod.

_____________1. May tinik sa lalamunan si Rey. Natinik siya nang kumain siya ng isdang bangus.
_____________2. May tinik sa lalamunan si Rey dahil sa ginawang panloloko ng kanyang kaibigan.
_____________3. Mataas ang paminggalan ng mag-anak na iyon, tiyak na gugutumin ka, hindi ka pakakainin.
_____________4. Hindi makakain ng pusa ang aming ulam, mataas an aming paminggalan.
_____________5.Talagang pagong ka, nahuli ka na naman.
_____________6. Pinaglalaruan ng mga bata ang pagong.
_____________7. Naglalaro ng bola ang batang lalaki.
_____________8. Hindi pinansin ng babae ang bola ng ahente.
_____________9. Malayo ang mararating ng anak ni Aling Celia.
_____________10. Hindi naming namalayan na malayo na pala ang nalalakad naming dahil sa kuwentuhan.
C.Manood ng isang telenobela na nagpapakita ng lipunang Asyano sa kasalukuyan. Suriin ang daloy
ng kuwento batay sa kaugalian, tradisyon pati na ang kasalukuyang kaganapan.Gamit angVenn
diagram, ihambing ang istoryang napanood sa nabasang akda.

“Baha” Napanood na telenobela

Sa iyong palagay, bakit nagaganap ang ganitong mga pangyayari sa kasalukuyan? Ano kaya ang nais
iparating ng awtor ng telenobela sa mga manonood? Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________________________________

֍TALAKAYIN MO
D. Sagutan ang graphic organizer.

2 4

Pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
1 5

Kahalagahang pangkatauhan
Tagpuan at Tauhan

ARALIN 2
֍SIMULAN MO

Mga Tanong Sa Pagsusuri

Katotohanan
a. Naipapakita ba sa eksena ang realidad o totoong nangyayari sa kasalukuyang lipunan?
b. Mahusay bang kinatawan ng mga tauhan sa akda ang totoong tao sa lipunan batay sa papel na
ginampanan?
Kabutihan
a. Ganap bang naipararating ang mensahe o aral na nakapaloob sa akda?
b. Makabuluhan ba ang tagpo at pupukaw sa damdamin at gigising sa kamalayan ng mga
mambabasa ng akda?

Kagandahan
a. Naipakita ba sa eksena o bahagi ang kasiningan nito?
b. Malikhain bang ipinakita o inilarawan ang pangyayari sa eksena?
c. Kapanapanabik o kawili-wili ba ang bahagi ng akda?

Bahagi sa akda Paliwanag

Katotohanan

Kabutihan

Kagandahan

C.Pumili at manood ng isang teleseryeng Asyano na ipinalabas sa ating bansa. Suriin ang teleserye batay
sa itinakdang pamantayan sa ibaba. Lagyan ng tsek ang hanay ng Oo o Hindi kung nasunod ang
pamantayan.isulat din ang puna sa isinagawang pagsusuri.

Pamagat ng Teleserye: ________________________________________________

Bansang pinagmulan: ________________________________________________
Pamantayan Oo Hindi Puna
Nagpapakita ng realidad o totoong
pangyayari sa buhay

Malinaw na naipakita ang nakapaloob

na tunggalian

Kinapapalooban ng iba’t ibang isyu

Kawili-wili , maayos , at kapana-

panabik ang daloy ng kuwento

Nakatutulong upang mahikayat ang mga

manonood na magkaroon ng positibong
pag-uugali at pag-iisip

֍ILAHAD MO
Suriin ang sumusunod na mga larawan

֍SURIIN MO
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-anong isyung panlipunan ang ipinapakita sa mga larawan? Ano ang iyong opinion o pananaw sa mga
isyung ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paano mo ipanahayag ang iyong opinion? Ano-anong ekspresyon ang iyong ginamit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
ARALIN 3

֍BASAHIN MO
Naririto ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang “Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan”. Tuklasin mo kung paano niya inilarawan ang
kultura sa magkakaibang panahon at upang malaman mo kung paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba
pang uri ng tula ayon sa layon.

KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan,

Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan
ni Pat V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,

isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga ob humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
Ang bawat paghakbang ay may mararating.
Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,

binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan

at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

֍UNAWAIN MO
A. Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang paksa ng tula?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Ano- anong panahon ang binanggit sa tula?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Bilang Pilipino, paano ka makatutulong upang maipabatid sa ibang bansa ang ganda ng ating kultura?
Ipaliwanag ang sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ano ang mensaheng nais ipahatid ng awtor ng binasang tula? Ipaliwanag ang sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Ano ang kahulugan ng “ang kulturang itinudla ng nakaraan at iniregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng
kinabukasan? Naniniwala ka ba rito? Pangatwiranan ang sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
֍GAWIN MO
PAGSASANAY 1
Isulat sa patlang ang SN kung may ginamit na angkop na salitang naglalarawan, ekis(x) naman kung
wala.
_____ 1. Maamong bulaklak, mabini’t masaya
_____ 2. Sa malamlam na liwanag ng mga bituin sa langit
_____ 3. Halina, halina , mga kaliyag
_____ 4. Naghihintay ang maybahay.
_____ 5. Mabababang kubo’t palasyong matatayog
_____ 6. Kung sa bayan ka tumubo
_____ 7. Lumakad ng paimbay sa kapatagan
_____ 8. Mahalumigmig ang simoy ng hangin
_____ 9. Magkasinghusay bumigkas
_____10.nagpatuloy sa pagluha

PAGSASANAY 2
Sumulat ng ilang taludtod na naglalarawan ng pagpapahalaga ng pagiging mamamayan ng isa sa mga bansa sa
Asya.
ARALIN 4

֍GAWIN MO
PAGSASANAY 1
Pag-ugnayin mo nga ang dalawang kaisipan upang makabuo ng isang pangungusap gamit ang mga pangatnig.
1. a. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan.
b. Malayo pa ang panahong iyon.
 ____________________________________________________________________________________

2. a. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito.
b. May mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin.
 ____________________________________________________________________________________

3. a. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya
lamang.
b. Bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
 ____________________________________________________________________________________

4. a. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe
b. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan.
 ____________________________________________________________________________________

5. a. Paano nga ba hindi magkakaganoon?

b. Ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas
 ____________________________________________________________________________________

PAGSASANAY 2
Sumulat ng sarili mong sanaysay na nagsasaad ng sariling mong opinyon tungkol sa mga dapat o hindi
dapat taglayin ng kabataang Asyano.Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw at biligan ang mga ito. Lagyan ito ng angkop na pamagat.
ARALIN 5

֍SIMULAN MO

Pagkamakatotohanan
_________________________________________________________________________
Paliwanag

Di-makatotohanan
_________________________________________________________________________
Paliwanag

֍GAWIN MO
PAGSASANAY 1
Hanapin at salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng pangsang-ayon o katotohanan sa bawat pangungusap.
1. Ang ina ni Boy ay talagang namangha nang malamang sasama si Tiyo Simon sa simbahan.
2. Oo, Boy sasama ako sa inyong magsimba.
3. Totoo palang may mabuting kalooban ang aking tiyuhin.
4. Talagang dinamdam nang labis ni Tiyo Simon ang naganap sa bata.
5. Oo, itinago niya ang manika bilang ala-ala sa batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa rin.

PAGSASANAY 2
Patunayan pa lalo ang katotohanan ng mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagpapaliwanag gamit
ang mga ekspresyong nagpapahayag ng KATOTOHANAN gaya ng
sa totoo, talagang , tunay, Oo atbp. Isulat muli ang mga pahayag.

1. Pagkakaroon ng mataas na presyon at mahinang puso dahil sa sobrang pagtatrabaho.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Maaaring kumita ang sinuman gamit ang sariling lakas at utak.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Kung mag-aaral nang mabuti ang isang estudyante, makukuha niya ang kahit ano.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

You might also like