Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagmamahal na Nagmula sa Pamilya

Sila ang pinakaunang nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal na walang katumbas.


Sila ang nagbibigay sa akin ng pagmamahal na kailan may hindi kukupas.
SIla ang gumagabay sa akin sa araw-araw.
At higit sa lahat, sila ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa araw-araw.

Pamilya, ang nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag iisa.


Ang nagpaparamdam sa akin na ako ay mahalaga.
Ang nagbibigay ng ngiti sa aking umaga.
At ang nagpapaluwag ng aking masikip na paghinga.

Pamilya, ang kasa-kasama ko simula nang ako ay isilang,


At ang nagturo sa akin kung paano gumalang.
Sila ang nagturo sa akin ng mga magagandang bagay na hindi naituturo sa eskwelahan,
At mga bagay na madadala ko hanggang sa aking hantungan.

Sa mga araw na nalilimutan ko ang aking halaga,


Ipinapaliwanag nila sa akin kung gaano ako kahalaga.
Sa mga araw na lumilipas at sa mga gabing dumarating, sila ang aking kasama.
At sa bawat problemang dumarating, pamilya ang aking kasa-kasama.

Ang kanilang mga payo ay hindi ko malilimutan,


Sapagkat isa ito sa aking sandigan.
Ang aking mga pangako sa kanila’y paninindigan,
Bilang kabayaran sa kanilang mga sakripisyo mabigay lang ang aking pangangailangan.

You might also like