Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan-Modyul 2:
Mga Uri ng Teksto
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Myrna Diva- Gornez
Editor: Lelita A. Laguda
Tagasuri: Neirene Rosemae A. Castillon
Tagaguhit: Krelle Estrada Llana and Ariane Joy Agana Santiago
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Tagalapat:
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Tagapamahala:
Telefax: Francis
(083) Cesar (083)
2288825/ B. Bringas, Director IV – Regional Director
2281893
E-mail Address: Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
region12@deped.gov.ph
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XII


Office Address: Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
11

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

4
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Malinaw na ba sa iyo ang iba’t


ibang uri ng teksto? Tinalakay sa unang modyul ang pagtukoy sa paksa o ang
pinag-uusapan sa bawat teksto. Madali lamang, hindi ba? At sa bawat teksto ay
maiuuri kung anong tekstong iyong nabasa na maaaring impormatibo, deskriptibo,
naratibo, prosidyural, persuweysib at argumentatibo.

Tatalakayin sa modyul na ito ang pagkilala pa nang lubusan sa mga iba’t


ibang uri ng teksto. Daan para sa kalinangan sa kasanayang pampanitikan at lalo
pang lalago ang iyong sa aspektong pagsusulat. Oo, tama ka. Sa bahaging ito, ay
susulat ka ng iba’t ibang halimbawa ng teksto. Huwag kang mag-aalala, gagabayan
ka ng iba’t ibang gawain at pagsasanay na lalo pang hahasa sa larangan ng
pagsusulat.

Narito ang mga paksa na matutuhan mo bago matapos ang modyul na ito.

Aralin 2: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

1. Pagkilala sa mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto.

2. Mga Uri ng Teksto


2.1 Tekstong Impormatibo
2.2 Tekstong Dekriptibo
2.3 Tekstong Naratibo
2.4 Tekstong Prosidyural
2.5 Tekstong Persuweysib
2.6 Tekstong Argumentatibo

Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo


ang pinakamahalagang kasanayan ng pampagkatuto na:

Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. F11IIIb-


91

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. F11PU-IIIb-89

5
Subukin

Bago tayo magpatuloy, sagutin mo muna ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.
________1. “Tinatanggap ko ang iyong mga mungkahi sa paraan ng pagpapalaki ng
ating mga anak”. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng___.
a. Pagtanggi c. Pasubali
b. Pagsang-ayon d. Panlibak

________2. Ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng nangangatwiran maliban


sa _____.
a. Kung ako ang tatanungin, mas mabisa ang pagkatuto mula sa
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo kaysa paggamit ng iba’t
paraan gamit ang social media.
b. Iniwan niya ako na walang man lang dahilan.
c. Sa tingin ko, mas ligtas manatili sa bahay para hindi mahahawaan
ng anomang sakit.
d. Para sa akin, mas masarap mamuhay sa probinsiya kaysa sa
lungsod.
________3. Ang mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi, pagsang-ayon at
nangangatwiran ay ginagamit sa pagsulat ng tekstong _______.
a. Naratibo c. Deskriptibo
b. Persuweysib d. Argumentatibo

________4. “Malamig na simoy ng hangin, boses na napakalambot at matimyas sa


pandinig, wagas at tapat na pagmamahal ang tanging hangad nito
ang bumubulong sa puso’t isipan ko”. Heto na siya, Jose Mari Chan sa
awiting “Perfect Christmas” na maririnig sa unang araw pa lang ng
Setyembre. Ang mga salitang may salungguhit ay ______.
a . Paglalarawan c. Pagpapaliwanag
b. Paglalahad d. Pangangatwiran

________5. Ang pahayag na ginamit sa bilang 4 ay maiuuri sa tekstong________.


a. Naratibo c. Deskriptibo
b. Argumentatibo d. Impormatibo

________6. Ang tekstong persuweysib ay may katangiang


a. baguhin ang takbo ng isip ng mambabasa batay sa opinyon at
karanasan.
b. mapaniwala ang mambabasa batay sa mga datos at mga
ebidensiya.
c. mailahad ang maayos na mga detalye, kaisipan at mga ideya
d. makilala ang paksa at mailarawan ang mga tauhan, kaisipan
mga pangyayari.
________7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong persuweysib
a. Dumating siya na may ngiti sa labi.
b. Wow! Ang galling niya sa larangan ng pag-awit.
c. Hangad ko ang iyong kaligtasan sa tuwing aalis ka ng bahay.
d. Iboto! Carlo Reyes bilang Mayor sa darating na halalan.

6
________8. Basahin at suriin ang teksto na nasa ibaba. Anong uri ng tekstong ito?

a. Prosidyural c. impormatibo
b. naratibo d. deskriptibo

TAYO NA SA KUSINA
Chopsuey

Mga Sangkap
2 pirasong pitso ng manok, inalisan ng buto at hinimay 1 kutsaritang asin
3 kutsaritang cornstarch
1 puti ng itlog ¼ tasang mantika
2 butil ng bawang, dinikdik 1 sibuyas, ginayat
1 tasangsitsaro 1 karot, ginayat
2 stalks ng celery, ginayat 1 ½ tasang repolyo
1 tasang tubig 1 kutsaritang chicken boullioun
½ kutsaritang asukal

Paraan:
Paghaluin ang manok, asin, cornstarch, toyo at puti ng itlog sa isang
lalagyan. I-marinate ng ilang minuto. Painitin ang mantika sa kawali. Igisa ang
bawang, sibuyas. Ihalo ang gulay at hayaan ng 5 minuto. Lagyan ng kalahating
tasang tubig. Ilagay ang manok, boullion, asukal at takpan. Hintaying maluto.

__________9. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, dapat malinaw ang paglalahad


ng __________ upang maayos ang pagkagawa ng isang proyekto.

a. paksa c. impormasyon
b. datos d. hakbang o proseso

__________10. Kung ang isang teksto na iyong binabasa ay nagbibigay


Datos, ito ay tekstong _________.

a. deskriptibo c. impormatibo
b. argumentatibo d. naratibo

__________11. Ang katangian ng tekstong ito ay maglarawan ng itsura, amoy o


tunog ng isang bagay, ito ay napabilang sa tekstong _______________.

a. argumentatibo c. naratibo
b. deskriptibo d. persuweysib

7
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga
tanong para sa bilang 8-11.

“ On the way na ako.” Nababahala si Myrna nang nabasa niya ang text mula sa kanyang
kasintahan. Ikawalo ng umaga, Sabado.
Nasanay sina Nico at Vince (mga anak ni Myrna) sa tuwing umaga na pinagmamasdan
ang mukha ng kanilang ina na may kakaibang ligaya kapag makaharap ang mga alaga na
minsan sinasabi niyang…”Ito ang bisyo ko”, oo, sila ang bisyo ko, mabeberdeng dahon, sari-
saring kulay na tila nakangiti na nagsasabing “Masaya kami dahil gising ka na”. Naniniwala siya
na kapag inaalagaan, tiyak hindi ka iiwanan.
Ngunit sa araw na ito, hindi alam ang gagawin sa katititig sa cell phone, paulit-ulit na
binabasa ang text. Nanginginig sa takot habang nakatitig sa asawa. Ah, paano ba niya sasabihin
na may bago na siyang minamahal at nais niyang sabihin na “Muling tumibok ang puso ko”.
Sadyang mapagbiro ang tadhana, tilang nabasa ng asawa ang kahulugan ng kilos at damdaming
ipinakita ni Myrna. Siguro nga, napansin siguro ng asawang lalaki na may kakaibang
nangyayari sa kanyang kabiyak. Nakaupo lamang siya sa pintuan na parang may hinihintay at
nangungusap ang kanyang mga mata habang sinusundan si Myrna ng tingin na palakad, parito
ang ginagawa. Ayaw naman ni Myrna na masaktan ang kanyang “boyfriend” o magtampo, nais
niyang sagutin ang text na “Huwag muna ngayon”…hindi pa ako handa. Pero nanggaling pa sa
malayong lugar at matagal na rin niyang hinintay ang pagkakataong ito. “Ah, ano ba ang
gagawin ko? Tulungan mo ako Panginoon,”(sambit ni Myrna).
Ling, Ling, Ligaya…sabay ang malakas ng pagkatok sa pinto (boses na pagalit sa
pamangkin) . Anong oras na, tulog ka pa? Magdidilig pa tayo ng mga halaman. Tita, sorry po.
“Nagpakita na naman po si Tito sa panaginip ko” (paliwanag ng pamangkin na may halong
pagkabigla at takot). Ipagdasal lang natin ang kanyang kaluluwa, pangalawang taon na niya
ngayon mula tayong iniwan (marahang tugon ni Myrna).
ni Myrna Diva-Gornez

________12. . Anong uri ng teksto ang iyong nabasa?


a. tekstong naratibo c. tekstong argumentatibo
b. tekstong deskriptibo d. tekstong impormatibo

__________13. Paano sinimulan ng may-akda ang unang talata?


a. Paglalarawan c. Panghihikayat
b. Pangangatwiran d. Pagsasalaysay

__________14. Ang tekstong iyong nabasa ay may layuning_______________.

a. ipakita ang kagandahan ng mga tanim ni Myrna


b. ilarawan ang panaginip ni Ligaya
c. isalaysay ang napaginipan ni Ligaya
d. isalaysay ang kataksilang ginawa ni Myra

__________15. Anong salita ang ginamit ng may-akda na “patay na” ang asawa ni Myrna?

a. panaginip c. ipagdasal
b. kaluluwa d. nababahala

8
Aralin
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri
2 ng Teksto

Balikan

Marahil ay handa ka na. Ngayon, susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa


nakaraang tinalakay na aralin, ang pagkilala sa kahulugan ng iba’t ibang uri ng
teksto.

Panuto: Punan ng mga angkop na mga letra ang bawat kahon na tutugon sa
mga tanong sa bawat bilang.

1. Uri ng teksto na naglalarawan ng katangian ng kaisipan, bagay, tao o


pangyayari.

D S O

2. Layunin ng tekstong ito na magsasalaysay o magkukuwento ng mga pangyayari.

A T

3. Ang layon ay hikayatin ang mga mambabasa na pumanig sa kanyang ideya o


paniniwala batay sa mga datos o impormasyon. Nagpapakita rin ito ng isang
“proposisyon”.

A G O

4. Ang tekstong ito ay may layuning hikayatin ang mga mambabasa na pumanig sa
kanyang ideya o paniniwala na batay sa kanyang damdamin o opinyon.

P R B

9
5. Ang tekstong ito ay nagpapakita ng hakbang o proseso kung paano ginagawa
ang isang bagay.

P L

6. Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon na naglalayong magbigay


impormasyon na may katotohanan at mga datos tungkol sa isang paksa o
pangyayari.

I P O

Nakuha mo ba ang lahat ng wastong sagot? Kung gayon, malinaw at


pamilyar na sa iyo ang iba’t ibang uri ng teksto. Kung hindi mo naman nakuha ang
lahat ng tamang sagot, balikan ang nakaraang modyul, muling basahin at unawain
ang lahat ng mga kahulugan ng bawat teksto.

Mga Tala para sa Guro

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang lubusang


matuto at maunawaan ang pinakamahalagang layunin ng pampagkatuto.
Naglalaman din ito ng mga gawain at pagsasanay upang malinang ang kakayahan
ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Basahin at suriing mabuti ang isang halimbawa ng sanaysay. Pagkatapos,


sagutin ang mga tanong sa ibaba sa buong pangungusap.

Magandang Gensan...Wow Gensan!


ni Myrna Diva- Gornez

Gensan...Tuna Capital City of the Philippines. Ang turing sa lungsod


dahil sa kasaganaan ng malalaking isda na matatagpuan dito. Maitutumbas sa
init na panahon ang mainit na pagtanggap ng Generals sa mga dayuhan.
Generals ang tawag sa mga taong nakatira sa lungsod na ito. Ika’y
sasamahan sa Heneral Plaza na may kaaya-ayang paligid at mabeberdeng dahon

10
ng mga halaman. Handa kang ihahatid at malayang pumili sa kilalang malalaking
hotel kagaya ng Sydney , Royal, at Green Leaf Hotel na kaharap lamang ang SM
Mall of Gensan. Sa panahon ng “stress”, pagod, lungkot o damdaming masalimuot,
pamamasyal sa mga mall ang tugon dito, maliban sa SM Mall may KCC, Robinson
at Gaisano na kumpleto at abot bulsa pa.
Kung hangad ay kalikasan, ang Gensan ay biniyaan ng magaganda at
malilinis na “beaches at resorts”. Isa na rito ang London beach resort na may
malaking hotel, swimming pool at magagandang “cottages”. Kung hangad ay
pagtitipid, Queen Tuna Park o dating tinawag na Lion’s Beach ay libre na, malinis
at nakabibighaning alon sa tuwing hapon kung nais mo ay mag-surfing.
Pagkatapos mong nag-night swimming sa maalat ngunit nakagagaling na tubig sa
dagat, kinabukasan ay dadako ka sa Olaer at Lagare Spring Resort ng Brgy.
Apopong at namnamin ang malayelong tubig. Kapag nasa lungsod ka na ng
Heneral Santos, marami ka pang matutuklasan ng magagandang tanawin na hindi
narrating ng iba. At kung mangyayari, tiyak, abot mo ang ikapitong langit na
kaligayahan dahil natupad mo ang isa sa mga pangarap mong lasapin ang tunay
na regalo ng Maykapal sa atin.
Kaya, ano pa ang hinahanap mo? Panatag na loob, kapayapaan at di-
malilimutang karanasan ang matatamo. Mahaharap mo ang Generals na may
bukal na loob, pagmamalasakit at mainit na pakikitungo ang siyang baon mo sa
pag-uwi. Tara na...biyahe na sa Gensan.

Ngayon, susukatin ang iyong pag-unawa tungkol sa iyong nabasang sanaysay.


Sagutin nang mahusay sa buong pangungusap.
1. Paano sinimulan ng may-akda ang unang talata?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan na ginamit niya sa unang talata.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Sa ikalawa at ikatlong talata, ano ang layunin ng may-akda sa kanyang
ipinahahayag sa teksto?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Paano tinapos ng may-akda ang huling talata? Ano ang layunin nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
Suriin

Pagbasa at Pagsulat
Sa kasalukuyang panahon, kailangang maging kompetibo ang mga mag-
aaral laban sa kanilang sarili para matamo ang tawag na pagbabago sa pagharap
ng maraming hamon sa buhay, ang pakikipagsapalaran, pakikipaglaban sa
kasalukuyang epidemya at kung paano maging matatag sa mga paniniwala at
determinasyong maging matagumpay na indibidwal.
Mayamang kaalaman katulad ng pagsusuri, interpretasyon, pagbibigay
ideya, kaisipan ay matatamo sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsulat. Dito ay
kaya ng bawat mag-aaral na makipagsabayan sa iba, na iangat ang edukasyon,
mapahusay ang kakayahan at talino.
Layunin ng pagbasa ay pag-alam sa kahulugan at pagkuha sa mga
nakaimbak na mga impormasyon, Dito ay mapalawak ang imahinasyon, pag-iisip,
pananaw at pagproseso sa lahat ng kasagutan. Kaya, sinasabing ang pagbabasa
ang pinakapagkain na nagbibigay sustansiya sa ating utak.
Kapag ang indibidwal ay marami ng nalalaman mula sa pagbabasa, mga
natutuhan mula sa ibang mga manunulat ay handa na siyang ilipat ang kanyang
sariling estilo sa pagsusulat.Anoman ang kanyang iniisip, reaksyon at karanasan
ay behikulo para mailagay sa isang komposisyon.

Mga Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ngTeksto

Uri ng Teksto Katangian/Kalikasan


Impormatibo Tinatawag ding ekspositori na naglalayong magpaliwanag at
magbibigay impormasyon. Ang mga katangian nito ay ang
sumusunod:
1. Ang presentasyon ng paglalahad ng teksto ay formal.
2. Pili at simple lamang ang mga salita at pangungusap
upang mas madaling mauunawaan ng mga mambabasa.
3. Ang mga impormasyon ay malinaw at kung may bahaging
mahirap unawain ay inuulit sa loob ng pangungusap para
mapaigting ang mensaheng nais iparating.
Deskriptibo Layunin ng tekstong ito na maglarawan o magbibigay
katangian ng bagay, tao, lugar, pangyayari, karanasan o mga
sitwasyon. Para maging epektibo ang nasabing paglalarawan
ay dapat naglalaman ng mga katangian:
1. Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat tungkol

12
sa paglalarawan ng isang paksa. 2. Gagamit siya ng mga
pandamdaming gaganyak na maging positibo ang pagtugon
ng mga babasa sa pakikipag-ugnayan sa sarili, kapwa,
kapaligiran at sa pambansang kaunlaran.
Naratibo Naglalayong magkukuwento o magsasalaysan ng mga
pangyayari na piksyon o di-piksyon.Sa tekstong ito,
nagpapakita ng mga impormasyong sumasagot sa tanong na
kung paano at kalian nangyari. Dito rin makikita kung sino
ang nagsasalaysay sa pamamagitan ng mga tiyak na pananda
upang makilala ng mambabasa ang nagsasalita at kung sino
ang pinapatungkulan nito.
Sa pagbuo ng teksto naratibo ay dapat tataglayin ang
sumusunod na katangian:
1. May kabuluhang paksa.
2. May maayos na pagkakasunod-sunod na mga pangyayari.
3. Malinaw na naipahayag ang kaligira ng tauhan, tagpuan at
panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
3. Iwasan ang pagbibigay ng sariling komento.
4. Detalyado at malinaw ang kabuoan ng kuwento.
Prosidyural Ang tekstong ito ay isang uri ng paglalahad na naglalayong
magbibigay impormasyon at mga hakbang kung paano
isagagawa ang isang bagay.Sa pagsulat ng mahusay na teksto
ito ay dapat taglayin ang sumusunod na katangian:
1. Naglalarawan ng tiyak na layunin at awtput.
2. Inilahad ang lahat na kagamitang gagamitin o proseso sa
pagsasagawa ng proyekto o inaasahang produkto .
3. May wastong pagkakasunod na panuto/instruksyon sa
pagsasagawa ng isang bagay.
4. Naglalaman ng mga pagsusuri at ebalwasyon kung
matagumpay na naisagawa ang isang bagay/proyekto.
Persuweysib Ang tekstong ito ay di piksyon na naglalayong kumbinsihin
na paniwalain ang mambabasa na sasang-ayon sa kanyang
opinyon na nakabatay sa iba’t ibang impormasyon at
katotohanan.Laging tatandaan na sa paggawa ay sundin ang
sumusunod na katangian:
1. Ang pagpapahayag ay di dapat personal lamang at walang
batayang opinyon.
2. Ang mga pahayag ay mula sa siyentipikong pag-aaral at
pagsusuri.
3. Ang mga salitang ginagamit sa panghihikayat ay maaaring
kaswal na kumbersasyon lamang upang madaling
makumbinsi ang mambabasa.

13
Argumentatibo Ang tekstong ito ay nagbibigay din ng mga impormasyon.
Sumasagot sa tanong na “Bakit”. Para maging mabisa ang
isang argumento ay dapat tataglayin ang sumusunod na
katangian:
1. Mahalaga at ang paksa ay napapanahon
2. Maikli ngunit malinaw
3. Naglalaman ng mga matibay na ebidensya at lohikal ang
pagkasulat ng mga detalye at pagkakasunod-sunod na talata

Pagyamanin

Pagsasanay 1. Panuto: Pagtapatin ang mga termino sa Kolum B sa deskripsyon na


nasa kolum A. Isulat lamang ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang
bilang.
Katangian/Kalikasan ng Teksto Mga Uri ng Teksto

________1. Ang panghihikayat ay nakabatay sa mga datos at a. Deskriptibo


ebidensiya. b. Naratibo
________2. Ang paraan ng pangungumbisi ay batay sa c. Persuweysib
karanasan o opinion lamang. d. Impormatibo
________3. Naglalayong magpaliwanag o magbigay ng mga e. Prosidyural
impormasyon. f. Argumentatibo
________4. Malinaw ang pagbibigay katangian ang nais
ilarawan sa isang apaksa o pangyayari.

________5.Nagbibiay ng instruksyon o hakbang sa


pagsasagawa ng isang produkto.
________6. Maayos at lohikal ang pagsasalaysay ng mga
pangyayari.

Pagsasanay B. Basahin at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng teksto sa


ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong nang buong husay.

14
Isaisip

Dahil nasagot mo na ang mga gawain sa Pagyamanin ay handa ka na sa


susunod na bahagi na lalo pang hahasa sa iyong kakayahan.

Ano-ano ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Punan ng
angkop na sagot ang bawat kahon sa ibaba.

Katangian/Kalikasan ng Iba’t
Ibang Uri ng Teksto

Impormatibo Deskriptibo
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
Naratibo Argumentatibo
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

Persuweysib
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Prosidyural
_________________________________
_________________________________

15
Isagawa

Panuto: Sumulat ng larawang sanaysay. Unawain at suriing mabuti ang


apat na larawan sa ibaba. Maglahad ng mga kaisipan batay sa iyong sariling
pagpapakahulugan sa bawat larawan ayon sa hinihinging uri ng teksto.
1. Tekstong Naratibo

4 PICS: ISALAYSAY MO

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

16
Rubrik:

Kategorya Higit na Bahagyang Nakamit Hindi nakamit Iskor


Inaasahan ang Inaasahan ang Inaasahan
(3) (1)
(5)

Panimula Nakapaghihiyat at Hindi masyadong Walang


napakalinaw ang nakahihikayat at paghihikayat at
panimula malinaw ang hindi malinaw ang
panimula panimula

Pagpapaliwanag Makabuluhan at Bahagya at angkop Hindi angkop ang


angkop na angkop ang pagpapaliwanag
ang pagpapaliwanag
pagpapaliwanag

Pagkakabuo/Org Napakahusay at Mahusay ang Walang patunay


anisasyon lohikal ang paglalahad ng mga na organisado ang
paglalahad ng mga ideya paglalahad
ideya

Gramatika/Bant Walang Halos walang mali Maraming


as pagkakamali sa sa wastong gamit pagkakamali sa
wastong gamit ng ng mga salita, wastong gamit ng
mga salita, baybay baybay, at bantas salita, baybay, at
at bantas bantas

Tayahin
Ang sumusunod na katanungan ay susukat sa iyong natutuhan mula sa
mga paksang tinalakay sa modyul na ito. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.
________1. “Tinatanggap ko ang iyong mga mungkahi sa paraan ng pagpapalaki ng
ating mga anak”. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng___.
a. Pagtanggi c. Pasubali
b. Pagsang-ayon d. Panlibak

________2. Ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng nangangatwiran maliban


sa _____.
a. Kung ako ang tatanungin, mas mabisa ang pagkatuto mula sa
tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo kaysa paggamit ng iba’t
paraan gamit ang social media.

17
b. Iniwan niya ako na walang man lang dahilan.
c. Sa tingin ko, mas ligtas manatili sa bahay para hindi mahahawaan
ng anomang sakit.
d. Para sa akin, mas masarap mamuhay sa probinsiya kaysa sa
lungsod.
________3. Ang mga salitang nagpapahayag ng pagtanggi, pagsang-ayon at
nangangatwiran ay ginagamit sa pagsulat ng tekstong _______.
a. Naratibo c. Deskriptibo
b. Persuweysib d. Argumentatibo

________4. “Malamig na simoy ng hangin, boses na napakalambot at matimyas sa


pandinig, wagas at tapat na pagmamahal ang tanging hangad nito
ang bumubulong sa puso’t isipan ko”. Heto na siya, Jose Mari Chan sa
awiting “Perfect Christmas” na maririnig sa unang araw pa lang ng
Setyembre. Ang mga salitang naglalarawan ay halimbawa ng _______.
a . Paglalarawan c. Pagpapaliwanag
b. Paglalahad d. Pangangatwiran

________5. Ang pahayag na ginamit sa bilang 4 ay maiuuri sa tekstong________.


a. Naratibo c. Deskriptibo
b. Argumentatibo d. Impormatibo

________6. Ang tekstong persuweysib ay may katangiang


a. baguhin ang takbo ng isip ng mambabasa batay sa opinyon at
karanasan.
b. mapaniwala ang mambabasa batay sa mga datos at mga
ebidensiya.
c. mailahad ang maayos na mga detalye, kaisipan at mga ideya
d. makilala ang paksa at mailarawan ang mga tauhan, kaisipan
mga pangyayari.
________7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong persweysib
a. Dumating siya na may ngiti sa labi.
b. Wow! Ang galling niya sa larangan ng pag-awit.
c. Hangad ko ang iyong kaligtasan sa tuwing aalis ka ng bahay.
d. Iboto! Carlo Reyes bilang Mayor sa darating na halalan.

________8. Kung ang isang teksto na iyong binabasa ay nagbibigay


Impormasyon, ito ay tekstong _________.

a. deskriptibo c. impormatibo
b. argumentatibo d. naratibo

________9. Ang katangian ng tekstong ito ay maglarawan ng itsura, amoy o


Tunog ng isang bagay, ito ay napabilang sa tekstong _______________.

a. argumentatibo c. naratibo
b. deskriptibo d. persweysib

18
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga
tanong para sa bilang 10-13.

“ On the way na ako.” Nababahala si Myrna nang nabasa niya ang text mula sa kanyang
kasintahan. Ikawalo ng umaga, Sabado.
Nasanay sina Nico at Vince (mga anak ni Myrna) sa tuwing umaga na pinagmamasdan
ang mukha ng kanilang ina na may kakaibang ligaya kapag makaharap ang mga alaga na
minsan sinasabi niyang…”Ito ang bisyo ko”, oo, sila ang bisyo ko, mabeberdeng dahon, sari-
saring kulay na tila nakangiti na nagsasabing “Masaya kami dahil gising ka na”. Naniniwala
siya na kapag inaalagaan, tiyak hindi ka iiwanan.
Ngunit sa araw na ito, hindi alam ang gagawin sa katititig sa cell phone, paulit-ulit na
binabasa ang text. Nanginginig sa takot habang nakatitig sa asawa. Ah, paano ba niya
sasabihin na may bago na siyang minamahal at nais niyang sabihin na “Muling tumibok ang
puso ko”. Sadyang mapagbiro ang tadhana, tilang nabasa ng asawa ang kahulugan ng kilos
at damdaming ipinakita ni Myrna. Siguro nga, napansin siguro ng asawang lalaki na may
kakaibang nangyayari sa kanyang kabiyak. Nakaupo lamang siya sa pintuan na parang may
hinihintay at nangungusap ang kanyang mga mata habang sinusundan si Myrna ng tingin na
palakad, parito ang ginagawa. Ayaw naman ni Myrna na masaktan ang kanyang “boyfriend”
o magtampo, nais niyang sagutin ang text na “Huwag muna ngayon”…hindi pa ako handa.
Pero nanggaling pa sa malayong lugar at matagal na rin niyang hinintay ang pagkakataong
ito. “Ah, ano ba ang gagawin ko? Tulungan mo ako Panginoon,”(sambit ni Myrna).
Ling, Ling, Ligaya…sabay ang malakas ng pagkatok sa pinto (boses na pagalit sa
pamangkin) . Anong oras na, tulog ka pa? Magdidilig pa tayo ng mga halaman. Tita, sorry
po. “Nagpakita na naman po si Tito sa panaginip ko” (paliwanag ng pamangkin na may
halong pagkabigla at takot). Ipagdasal lang natin ang kanyang kaluluwa, pangalawang taon
na niya ngayon mula tayong iniwan (marahang tugon ni Myrna).
ni Myrna Diva-Gornez

________10. . Anong uri ng teksto ang iyong nabasa?


a. tekstong naratibo c. tekstong argumentatibo
b. tekstong deskriptibo d. tekstong impormatibo

_________11. Paano sinimulan ng may-akda ang unang talata?


a. Paglalarawan c. Panghihikayat
b. Pangangatwiran d. Pagsasalaysay

_________12. Ang tekstong iyong nabasa ay may layuning_______________.

a. ipakita ang kagandahan ng mga tanim ni Myrna


b. ilarawan ang panaginip ni Ligaya
c. isalaysay ang napaginipan ni Ligaya
d. isalaysay ang kataksilang ginawa ni Myra

19
_________13. Anong salita ang ginamit ng may-akda na “patay na” ang asawa ni Myrna?

a. panaginip c. ipagdasal
b. kaluluwa d. nababahala

________14. Basahin at suriin ang teksto na nasa ibaba. Anong uri ng tekstong ito?

a. Prosidyural c. impormatibo
b. naratibo d. deskriptibo

TAYO NA SA KUSINA
Chopsuey

Mga Sangkap
2 pirasong pitso ng manok, inalisan ng buto at hinimay 1 kutsaritang asin
3 kutsaritang cornstarch
1 puti ng itlog ¼ tasang mantika
2 butil ng bawang, dinikdik 1 sibuyas, ginayat
1 tasangsitsaro 1 karot, ginayat
2 stalks ng celery, ginayat 1 ½ tasang repolyo
1 tasang tubig 1 kutsaritang chicken boullioun
½ kutsaritang asukal
Paraan:
Paghaluin ang manok, asin, cornstarch, toyo at puti ng itlog sa isang
lalagyan. I-marinate ng ilang minuto. Painitin ang mantika sa kawali. Igisa ang
bawang, sibuyas. Ihalo ang gulay at hayaan ng 5 minuto. Lagyan ng kalahating
tasang tubig. Ilagay ang manok, boullion, asukal at takpan. Hintaying maluto

__________15. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, dapat malinaw ang paglalahad ng ___________


Upang maayos ang pagkagawa ng isang proyekto.
a. paksa c. impormasyon
b. datos d. hakbang o proseso

20
Karagdagang Gawain

Magaling! Binabati kita dahil naunawaan mo na ang mga katangian ng iba’t


ibang uri ng teksto. Bibigyan kita ng panghuling gawain upang mas lalo pang
mananatili sa iyong isipan ang mga konseptong iyong natutuhan.
Mag-isip ng isang napakagandang lugar na iyong napuntahan. Nais mong
ilarawan ang kagandahan nito sa iyong kaibigan. Sumulat ng isang talata lamang
gamit ang mga salitang naglalarawan. Sundin ang pamantanyan sa pagbuo nito.
Pamagat: Lugar na nais mong ilarawan
Pagbuo: Isang talata lamang (hindi bababa sa limang pangungusap)
Pagmamarka: Gamitin ang rubrik na ginamit sa bahaging Isagawa.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

21
22
Development Division, Pasig City
PROJECT EASE (Effective Alternative Secondary Education), Curriculum
Sanggunian
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. b Aktibi 1.2 1. b
2. b 2. b
3. d 1. f 3. d
4. a 2. c 4. a
5. c 3. d 5. c
6. a 4. a 6. a
7. d 5. e 7. d
8. a 8. c
9. d 9. b
10.c 10.a
11.b 11.d
12.a 12.c
13.d 13.b
14.c 14.a
15.b 15.d
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like