Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang maikling kwento- ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang

maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang


tauhan.

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO:

1. Tauhan–ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.


2. Tagpuan–ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay–ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Mayroong limang (5) bahagi ang banghay:
Panimula–kung saan at paano nagsimula ang kwento.
Saglit na Kasiglahan–ito ay ang panandaliang pagtanggap ng mga tauhan sa kwento.
Kasukdulan–dito na nangyayari ang problema sa kwento.
Kakalasan–ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
Wakas–ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan–ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin–ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
6. Tunggalian–ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao
laban sa kalikasan.
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

7. Paksang Diwa–ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.


8. Tema- Ito naman ang mensahe ng kwento na nais ipabatid ng may akda.

BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


Simula–kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa.
Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.
2. Gitna- ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
3. Wakas- ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Nobela ay itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan?
Binubuo ito ng mga yugtong nagsasalaysay ng mga kawingkawing na pangyayari sa buhay ng
mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan
ng mga mambabasa.

Elemento ng Nobela
1. Tauhan – ito ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
2. Tagpuan – tumutukoy ito sa lugar at panahon na mga pinangyarihan.
3. Banghay – ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. Pananaw – ito ay tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda.
a. Una – kapag kasali ang may-akda;
b. Pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap;
c. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
5. Tema – ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
6. Damdamin – ito ay nagbibigay-kulay sa mga pangyayari.
7. Pamamaraan – tumutukoy ito sa estilo ng manunulat/awtor
8. Pananalita – tumutukoy sa diyalogong ginamit.
9. Simbolismo – ito ay tumututukoy sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay,
at pangyayari

You might also like