Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sa isang gabi, habang nag hihintay si ariella ng tricycle hindi nya mapigilang ngumiti dahil

sa kanyang napaka gandang sapatos na parang crystal kung kuminang. Binili ito ng kanyang tatay
para sakanyang pupuntahang magarang okasyon, hindi nya ito inaasahang matanggap dahil alam
nya sa sarili nya na mas mahal pa ng tatay nya ang kanyang mga alangang manok. Kayat nung
nataggap nya ang napaka gandang regalo ng kanyang tatay, yun na yata ang pinaka masayng
araw na nagyari kay ariella. Habang nag mumuni muni si ariella hindi nya man lang napagtanto na
bumubusina na pala sakanya sa harap ang tricycle.”ineng sasakay kaba o hindi?” Ng marining nya
ang sinabi ng tricycle rider ay bumalik ito sa tamang huwisyo at sabay sabi ng,”kuya sasakay po
ako, sabay sabi ni kuya “saan ba ang pupuntahan mo at napakaganda ang iyong suot are”sa may
regency lang po kuya” habang papunta sa okasyong kanyang dadaluhin mas hindi napipigilan
maging masaya si ariella dahil alam hindi nya iniisip na may ginagamit syang isang crystal na
sapatos at ang kanyang napakagandang crystal na gown. Ng nakarating si ariella sa regency
nagulat sya ng mapansin na sarado na ang pinto, kumatok sya dito at sa gulat nya bumukas ito at
lumakad habang ang ilaw ay tutok na tutok sakanyang mga mata, ng mawala ang ilaw laking gulat
nya ng mapagtantong nasa gitna sya ng dalwang palapag na balkonahe na kung saan nakikita nya
ang buong okasyon sa taas nito. Habang bumababa sya sa hakdan sinalubong sya ng kaniyang
kaibingan na hindi makapaniwala sa kanyang nakita,” hala ka ariella ang iyong sapatos napaka
kintab at crystal ba yan? Ang ganda huyy!” Hindi mapigilan na maging masaya si ariella sa sinabi
ng kanyang kaibigan. Habang lumalakad ito papunta sa kanilang mesa ay nagiging bukang bibig
ng mga tao ang kanyang napakagandang sapatos at ang kanyang damit, hindi nag tagal ay
sayawan na. Habang kumakain si ariella ay may lumapit na nakamaskara na lalake sakanya”
maaring kabang isayaw binibini?” Dahil sa hindi marunong tumanggi si ariella ay sumang ayon ito
sa lalake na naka maskara at dinala sa gitna ng sayawan, habang sila ay nag sasayaw , nagulat si
ariella ng pumatay ang buong ilaw sa lugar at ang tanging narinig nya ay ang pagsalita ng
lalake”pasensya” at sa gulat nya ay naramdaman nya nalang ang paglapat ng labi ng lalakeng
kasayaw nya at dahil sa gulat na kanyang naramdaman nawala ang balanse ni ariella at natumba
ito. Sa pag kakataong ito nagulat na lamang sya ng maramdaman nya na para bang may kumuha
ng sapatos nya. Ng tumayo si ariella sabay bukas ng ilaw ay nakita nya nalang ang bulto ng isang
lalakeng tumatakbo sabay karga ng kanyang sapatos, tumakbo si ariella sabay sigaw” huyy ikaw!
Sapatos ko yan!” Dahil hindi huminto ang lalake ay kinuha nya ang isang kapares ng kanyang
crystal na sapatos at tinira nya ito sa lalake, tinamaan ang lalake sa ulo at lumingon dahil sa
nakamaskara ito ay hindi nya ito nakilala at sa gulat nya ng kinuha nya ang kanyang sapatos at
sabay sigaw” salamat”.
Sa gabing iyon umuwi si ariella ng tapak hindi dahil sa lasing sya kundi dahil may lalakeng
nag takas ng kanyang sapatos. Habang pauwi si ariella ay nakataggap ito ng tawag sa kanyang
kamaganak “hello?” Salubong ni ariella sa tawag “hello ariella? Si aling bebeth ito dinala sa
hospital ang tatay mo ineng ngunit hindi na ito naka........” hindi na tinapos ni ariella ang tawag
dahil tumakbo na ito papunta sa hospital pagdating ni ariella sa hospital.”magandang gabi po saan
po si Rudolfo Valeria?” Tanong ni ariella sa desk nurse,”maam nandoon po sa emergency bed 25”
sagot ng nurse. Habang lumalakad si ariella sa kama kung saan sinabi ng nurse ay kakaiba na ang
kanyang nararamdaman. Sa oras ng dumating sya sa bed 25 ay napaluhod na lamang si ariella sa
kanyang nasaksi, ang kanyang itay na nakahandusay sa kama at tinatakpan na ito ng puting tela,
hindi napigilan ni ariella na umiyak at humagulgol, habang papalapit sya sa kanyang itay hindi nya
mapigilang isipin ang mha bagay bagay. Pagkalipas ng ilang oras habang nandoon lang si ariella
sa tabi ng kanyang itay ay hindi nya mapigilang magalit sa lalakeng nag nakaw ng kanyang huling
regalo ng kanyang ama, na binili sakanya para daw mag mukha akong si cinderella sa isip ni tatay.
Hindi mapigilang umiyak si ariella at magsisi dahil nawala nya ang regalo ng kanyang itay na
ngayon ay iniwan na sya.
Sa paglipas ng ilang buwan ay natuto na si ariella na mabuhay ng mag isa, ngunit hindi nya
parin mapigilan ang isipin sa kanyang crystal na sapatos na ninakaw ng walang hiyang lalake na
naka maskara sa okasyon na kanyang pinuntahan. Ang sapatos na nag sisimbolo ng huling
memorya ng kanyang napayapang ama. Sa araw ng libing ng kanyang tatay ay na ngako si ariella
na hahanapin nya ang lalakeng kumuha ng huling memorya ng kanyang napayapang ama. At
hanngang ngayon ay hindi nya parin ito makita o mahanap. Kaya napatanong sya sa sarili nya
“Hahanapin ko paba yung tao?”

LOCSON, TRISHA MAE G

11- HEISENBERG

P.A.P.

You might also like