Professional Documents
Culture Documents
Fil 9 - Diagnostic Test
Fil 9 - Diagnostic Test
2023-2024
FILIPINO - 9
4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may akda sa isang pook o
pangyayari ay tinatawag na tulang:
A. mapang-uroy B. mapaglarawan C. mapang-aliw D. mapangpanuto
7. Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanan ng isang bagay o pangyayari ay tinatawag na:
A. pawatas B. pautos. C. paturol D. pasakali
8. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang:
A. komedya B. melodrama C. tragikomedya D. trahedya
9. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing
salamin ng buhay ang:
A. kathambuhay B. dula C. teatro D. sarsuwela
11.Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. _____ noon, ang
kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa
mga Santa tuwing may okasyon.” Anong salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abay na
pamanahon?
A. hanggang B. kaya C. mula D. kapag
12. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga:
A. pantukoy B. pangatnig C. pandiwa D. pang-abay
13.____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay:
A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula
14. Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag_____________.
A. naganap sa mga tanyag na lugar.
B. naglalaman ito ng makatotohanang pangyayari.
C.nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar.
D. naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
15. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso,
ang salitang ginintuan ay:
A. nangangatuwiran B. Naglalarawan C. nag-uugnay D. nagsasalaysay
16. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit. Ano ang angkop na
gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya B. palibhasa C. subalit D. datapwat
18. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Rene, ang pagpapakahulugan
sa pahayag ay malinaw.
A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy
19.Ang dekonstruksyon ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto. Ang pangungusap ay halimbawa ng____.
A. pangangatuwiran B. paglalahad C. pagkukuwento D. paglalarawan
21.___ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol.
Anong anyo ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag?
A. Nagamit B. Gagamitin C. Ginamit D. Kagagamit
22. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning:
A. maglarawan B. manghimok C. mangaral D. magpakilala
25.Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw.
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng:
A. pagdurusa B. kaligayahan C. kalutasan D. kalungkutan
36. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? Hindi, ako ang doktor.
A. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang doktor.
B. Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya doktor.
C. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ay doktor.
D. Ang nagsasalita ay nagsasabing siya ang doktor na maaaring siya’y pinagkamalang iba
37. Sa pangungusap na “Kung sila’y palarin: kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.”
Ipinahihiwatig nito na __________.
A. Di-tiyak ang hanapbuhay. C. Mayaman ng ilang oras lamang.
B. Mahirap maghanapbuhay. D. Ang buhay ay walang kabuluhan
39. Elemento ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa
tanong na "tungkol saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang sentro
ng ideya ng buong akda.
A. tono B.paksa C.kaisipan D.ideya