Esp 3 WLP q1 Week 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

School LUCENA SOUTH 1 ELEMENTARY SCHOOL Grade Level THREE

Teacher JOYBEEH A. FAJARDO Learning Area ESP

Date / Time WEEK 2 September 5-9, 2022 Quarter UNA

WEEKLY LEARNING PLAN

Week: 1
 MELC/s:
Nakatutukoy ng natatanging kakayahan. (EsP3PKP-Ia-13)
Day Objectives Topic/s Classroom Based Home-Based
Activities
Nakatutukoy Pananagutang Umpisahan ang araw sa pagsasagawa ng pang araw-araw I-
Monday/ ng Pansarili At na gawain: ntroduction
Tuesday natatanging Mabuting A. Pag-awit ngLupang Hinirang Muling
kakayahan. B. Panalangin basahin ang
Kasapi Ng
(EsP3PKP-Ia- C. Pag ehersisyo (Galaw Pilipinas) panimula
13) Pamilya D. Pagtakda at pagpapaalala ng mga Kasunduan sa tungkol sa
Aralin 1: Kaya Klase pagpapakita
Ko, Sasali Ako! E. Pagpapaalala sa Health Protocols ng
F. Kamustahan kakayahan
sa pahina 6.
A. Balik-aral
Isulat ang tsek ( / ) kung ang ipinapakita ay kakayahan at D-
ekis ( X ) naman kung hindi. evelopment
Basahin ang
teksto sa
pahina 8 at
ang
kwentong Si
Ento, Ang
Batang
Maraming
Talento

Magbigay ng mga bagay na ginagawa ninyo sa bahay E-


upang makatulong tayo sa mga gawain sa bahay. ngagement
Sagutan ang
B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin Activity
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: Sheet na
Nakatutukoy ng natatanging kakayahan. (EsP3PKP-Ia-13) ibinigay ng
guro.
C. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan 1 A-
1. Paghahabi ng mga salita ssimilation
Kakayahan-ay iyong abilidad na iyong tinataglay. Maari Sagutan ang
itong talento sa pagkanta, pagsayaw at paggawa ng art at karagdagang
marami pang iba. Activity
Sheet na
2. Motivation ibinigay ng
Basahin natin: guro.
Natatanging kakayahan, Ating Kayamanan
Sherryl Lyne L. Beltran

Bawat nilalang ay biniyayaan


Angking kakayahan na dapat ingatan
Ito’y kayamanan na matuturing
Kaya dapat pahalagahan ng bawat isa sa atin
Pag-awit, pagsayaw sadyang nakakahanga
Sabayan pa ng pag arte at pag guhit na nakamamangha
Mayroon din naming may anking galing sa
Larangan ng isports tayo’y pabibilibin
Lahat ng ito’y biyaya ng Diyos sa atin
Maituturing na kayamanan na kayang bawiin
Positibong pagkilala sa sarili’y dapat pairalin
Natatanging kakayahan dapat na paunlarin.

Sagutan natin:
1. Ano-anong kakayahan ang binanggit sat ula?
2. Ano-ano naman ang kakayahan o talent mo?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng


Bagong Kasanayan 2
Panuto: Ayusin ang Scrambled letters upang mabuo ang
salitang tumutukoy sa larawan. Isulat ang sagot sa
patlang.

Panuto: Tukuyin kung anong sitwasyon ang sinasabi sa


bawat sitwasyon. Piliin sa mga salitang nakalista ang
tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Sa mikroponong hawak ko, magandang boses ang


ipaparinig ko s aiyo.
__________________________________

2. Sa bawat galaw ng katawan, tyempo ng musika


ang sinasabayan.
__________________________________
3. Iba-ibang karakter ang kayang gawin. Pag-iyak,
pagtawa, pagkatakot kaya kong pagsabayin.
__________________________________

E. Paglinang sa Kabisaan (tungo sa pormatibong


Pagtataya)
Panuto: Piliin ang tsek ( / ) kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis ( X ) naman kung mali.

______1. Sumasali ako sa mga paligsahan kung may


pagkakataon.
______2. Pinauunlakan ko ang sinumang nag-aaya sa akin
na ipakita sa madla ang aking talento.
______3. Nahihiya akong ipakita sa iba ang aking talent.
______4. Pinipilit muna ako ng kahit sinu bago ko ipakita
sa kanila ang mga bagay na hilig kung gawin.
______5. Tuwing may paligsahan akong sinasalihan
pinaghahandaan ko itong mabuti.

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Basahin natin:

Si Paolo ay isinali ng kanyang guro sa paligsahan sa tula.


Habang papunta si Paolo sa harap ng klase nakaramdam
siya ng kaba at takot.
Parang ibig na niyang bumalik sa kanyang upuan.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa
kahihiyan.
Subalit ganun pa man pinilit pa rin niyang makatula sa
harap ng kanyang mga kamag-aral.

Sagutan natin:
1. Ano ang naramdaman ni Paolo?
2. Kung ikaw si Paolo, gagawin mo rin ba ang
ginawa niya? Bakit?

G. Paglalahat ng Aralin
Lahat tayo ay may kanikaniyang kakayahan. Ilan sa mga
ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw,
pagtula, pagsulat, pagguhit, isport at iba pa.

H. Pagtataya ng Aralin
Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na
tanong.

1. Magkakaroon ng contest sa pagkanta, nagkataon na


marunong kang kumanta, Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ipapakita ang kakayahan
b. Hindi sasali
c. Sasali ako at ipapakita ko ang kaya ko
d. Hindi na lang papansinin

2. Si Mark isang batang pilay, pero magaling siyang mg


drawing. Kung ikaw si Mark sasali ka bas a contest
sap ag drawing.
a. Hindi dahil nahihiya ako
b. Opo dahil may talent ako na dapat ipakita
c. Opo dahil natatakot ako sa guro ko
d. Hindi kasi matatalo lang ako

3. Magkakaroon ng contest sa pagsayaw sa iyong


eskwelahan, alam mo na magaling kang sumayaw.
Ano ang gagawin mo?
a. Tumahimik na lang
b. Sasali sa contest kasi may tiwala ako sa
kakayahan ko
c. Sasabihin ko sa kaklase ko na siya nalang ang
sumali
d. Magtago sa loob ng classroom

4. Mayroon kang kakayahan sa pag sulat ng tula. Nais


mong sumali sa contest. Ano ang dapat mong gawin?
a. Magsanay sa pagsulat ng tula
b. Sumali ngunit hindi magsasanay
c. Hindi na sasali
d. Hindi na lang papansinin ang contest

5. Mabilis kang tumakbo. May paligsahan sa pagtakbo


sa paaralan mo. Alin sa mga sumusunod ang gagawin
mo?
a. Kakausapin ko ang guro na tulungan akong
magsanay kasi sasali ako
b. Hindi ako sasali kahit mabilis akong tumakbo
c. Ipagyayabang sa paaralan na sasali ka sa
paligsahan
d. Basta na lang akong sasali na hindi nagsasabi sa
guro

Sa pagtatapos ng aralin, huwag kalimutang gawin ang


mga gawaing bahay.

Week: 1
 MELC/s:
Nakatutukoy ng natatanging kakayahan. (EsP3PKP-Ia-13)
Day Objectives Topic/s Classroom Based Home-Based
Activities
Nakatutukoy ng Pananagutang Umpisahan ang araw sa pagsasagawa ng pang I-ntroduction
Wednesday/ natatanging Pansarili At araw-araw na gawain: Muling
Thursday kakayahan. Mabuting A. Pag-awit ngLupang Hinirang basahin ang
(EsP3PKP-Ia-13) B. Panalangin panimula
Kasapi Ng
C. Pag ehersisyo (Galaw Pilipinas) tungkol sa
Pamilya D. Pagtakda at pagpapaalala ng mga pagpapakita
Aralin 1: Kaya Kasunduan sa Klase ng kakayahan
Ko, Sasali Ako! E. Pagpapaalala sa Health Protocols sa pahina 6.
F. Kamustahan
D-
A. Balik-aral evelopment
Magbabalik-tanaw tayo tungkol sa Aralin 1. Basahin ang
Isipin ang mga bagay o gawain na nagawa mo teksto sa
nang maayos at may kumpiyansa sa sarili. Gawin pahina 8 at
ito sa isang malinis na papel. ang kwentong
Si Ento, Ang
Batang
Maraming
Talento

E-ngagement
Sagutan ang
B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin Activity Sheet
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: na ibinigay ng
Nakatutukoy ng natatanging kakayahan. guro.
(EsP3PKP-Ia-13)
A-ssimilation
C. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad Sagutan ang
ng Bagong Kasanayan 1 karagdagang
Sa aralin na ito ay ating tatalakayin at pag- Activity Sheet
uusapan kung ano ang kahalagahan ng na ibinigay ng
pagtitiwala sa sarili upang maipakita at guro.
maibahagi natin ang ating talento o abilidad sa
ibang tao nang buong husay at galing at
napahahalagahan ang kakayahan sa paggawa.
Ang bawat nilalang ay may talento at abilidad.
Bilang isang tao, katungkulan natin na
pagyamanin at gamitin ito sa araw-araw. Bilang
bahagi ng pagpapayaman nito ay ang
pagbabahagi natin nito sa ating kapuwa nang
buong kahusayan.
Ang kahusayan ay nangangailangan ng
pagtitiwala sa sarili upang magampanan natin
ang ating tungkulin bilang isang indibidwal.
Kapag ito ay ating nagawa nang maayos, may
sayang hatid sa ating puso bilang kapalit ng ating
pagsasakripisyo na magampanan ang ating
tungkulin bilang isang tao.

Gawain
Mga kagamitan para sa gawain:
 Isang buong papel
 Larawan na nagpapakita na ginagawa mo
ang isang bagay na may pagtitiwala sa sarili
(hal. Kumakanta ka sa entablado, tumutula
sa harap ng iyong mga kaklase.)
 Pandikit
 Isang sanaysay na iyong ginawa tungkol sa
iyong idinikit na larawan. Ang mga
katanungan na nasa ibaba ang magsisilbi
mong gabay kung paano mo gagawin ang
iyong sanaysay.

Mga tanong
1. Maaari mo bang ipakilala kung sino ang nasa
larawan?
2. Ano ang ginagawa ng nasa larawan?
3. Ano ang damdaming hatid sa iyo ng
ipinapakita sa larawan habang ginagawa ito?
4. Sa susunod na pagkakataon uulitin mo pa
bang gawin ang nasa larawan? Bakit?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan 2
Suriin ang bawat larawan na nasa ibaba at
sabihin kung ang bawat isa ay nagpapakita ng
tiwala sa sarili. Isulat sa isang papel ang iyong
sariling kakayahan na nagagawa o naipapakita
mo ng may pagtitiwala sa sarili.

Gawain A:
Panuto: Gawin ito sa isang malinis na papel.
Pagsusuri
1. Ano-ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa
larawan?
2. Meron bang pagkakaiba o pagkakapareho ang
mga gawain
na nasa larawan? Maaari mo bang tukuyin ang
mga ito?
Repleksyon
3. Alin sa mga larawan ang kaya mong gawin?

E. Paglinang sa Kabisaan (tungo sa pormatibong


Pagtataya)
Basahin ang bawat pangungusap at sagutan ng
Tama kung sa iyong palagay tama ang isinasaad
sa pangungusap. Mali naman kung sa iyong
palagay ay mali ang nakasaad sa pangungusap.
Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
________1. Ang tao ay may abilidad sa paggawa
nang may buong kahusayan.
________2. Ang labis na pagtitiwala sa sarili ay
pagpapakita ng kayabangan.
________3. Ang iyong talento at abilidad ay
balewala kung ito ay hindi mo nagampanan
nang maayos.
________4. Laging isaisip na ang talento ay
dapat ibahagi sa ibang tao upang tayo ay umani
ng papuri at parangal.
________5. Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri
ng motibasyon upang magampanan natin nang
maayos ang ating ginagawa.

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na


Buhay

Panuto: Suriin natin ang bagay-bagay.


Independent Activity 1
Bilang patunay na nagawa mo ang iyong
pangako na nilagdaan mo sa kahon na nasa
itaas. Kumuha ng larawan habang ito ay iyong
ginagawa at idikit mo sa isang bond paper, ang
nasa ibaba ay magsisilbi mong gabay kong
papaano mo ito gagawin.

G. Paglalahat ng Aralin
Lahat tayo ay may kanikaniyang kakayahan. Ilan
sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-
arte, pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit,
isport at iba pa.

H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
Piliin ang tamang letra ng sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Mahalaga para sa isang bata ang magkaroon
ng _________ sa sarili upang magampanan nang
maayos ang sariling hilig at talento.
A. talino
B. tiwala
C. tikas ng tindig
D. tibay ng loob

2. Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri


ng________.
A. inspirasyon C. motibasyon
B. ugali ng tao D. paniniwala ng tao
3. Ikaw ang napiling lalahok sa paligsahan sa tula
ngunit isa kang mahiyaing bata dahil sa buong
akala mo na ikaw ay walang kakayahang
magsalita sa harap ng maraming tao. Ano ang
gagawin mo?
A. Hihinto na lang ako sa pag-aaral.
B. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking guro.
C. Ipapasa ko ito sa aking kaklase na mahusay sa
pagharap
ng tao.
D. Tatanggapin ko, mag-eensayo ako araw-araw,
at magiging
positibo.
4. Magaling kang kumanta. Ikaw ay nanalo na sa
mga patimpalak ng dalawang beses, pero sa
pagkakataong ito bigla kang pumiyok habang
kumakanta. Ano ang maaari mong gawin?
A. Iiyak ako ng malakas.
B. Titigil ako sa pag-awit.
C. Tatakbo ako papuntang likuran ng entablo.
D. Ipagpapatuloy ko ang pag-awit at balewalain
ang isang
munting pagkakamali.

5. Matibay ang iyong paniniwala sa iyong sarili


at sa angking kakayahan pero iba ang
pagkakaintindi nito ng iyong mga kaklase dahil
ang tingin nila sa iyo ay mayabang kaya’t
madalas ka nilang tinutukso. Paano mo ito
mapapatunayan sa kanila na hindi ka ganoong
klaseng bata?
A. Hindi ko na sila papansinin.
B. Hindi ko na sila kakausapin.
C. Aawayin ko sila para tigilan na nila ako.
D. Tatahimik na lang at pananatilihing mabuti
ang pakikitungo
sa kanila.

Sa pagtatapos ng aralin, huwag kalimutang


gawin ang mga gawaing bahay.

Friday Nasusukat ang Lagumang A. Balik-aral


kaalaman ng mga Pagsusulit Ano ang dapat ninyong tandaan sa pagsasagot
bata sa ng isang pagsusulit?
nakaraang aralin
B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin

Sa araw na ito ay susubukan nating sukatin ang


inyong mga natutuhan sa mga nakalipas na
aralin sa pamamagitan ng pagsasagot ng isang
Lagumang Pagsusulit.
Ano ang dapat nyong gawin upang makakuha ng
mataas na iskor?

C. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan 1
Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagot ng
pagsusulit

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan 2
Pamamahagi ng test papers

E. Paglinang sa Kabisaan (tungo sa pormatibong


Pagtataya
Pagsasagot ng mga tanong sa pagsusulit

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na


Buhay
Ano ang masasabi nyo sa pagsusulit?
Saang bahagi kayo higit nahirapan? Bakit kaya
nagging mahirap ito para sa inyo?
G. Paglalahat ng Aralin
Pagwawasto ng mga kasagutan.

H. Pagtataya ng Aralin
Nasagutan nyo bang lahat ang mga tanong sa
pagsusulit? Ilang tamang sagot ang inyong
nakuha?

You might also like