Q1 Diagnostik Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

REGION III-CENTRAL LUZON


DIVISION OF MABALACAT CITY
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL
XEVERA TABUN, MABALACAT CITY, 2010, PAMPANGA

DIAGNOSTIK NA PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8


UNANG MARKAHAN __
Pangalan: _____________________________ Lagda ng Magulang: ____________ 50
Grado at Seksyon: ___________________ Petsa:_________________
I.PANUTO: Unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang, isulat sa MALAKING
TITIK ang letra tamang sagot.
1. Ang Seoul, South Korea ay nasa 37.5665° N, 126.9780° E. Anong uri ng lokasyon ito sa
tema ng heograpiya?
A. Relatibong Lokasyon C. Lokalisasyon
B. Industriyal na Lokasyon D. Absolutong Lokasyon
2. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. anim B. pito C. walo D. siyam
3. Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,
Tarlac, Zambales. Anong tema ng heograpiya ito?
A. paggalaw B. lugar C. rehiyon D. lokasyon
4. Anong tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon?
A. heograpiya B. agham panlipunan C. kasaysayan D. topograpiya
5. Paano natutukoy ang isang lugar ayon sa limang tema ng heograpiya?
A. gamit ang mapa C. linear, time, at psychological
B. katangian ng kinaroroonan at taong naninirahan D. lokasyong absolute at
relatibo
6. Napansin ni Neri noong papunta siya sa kaniyang Tiya Mareng sa Manila galing
Bulacan ay parang napakatagal ng biyahe ngunit nang siya ay pauwi dito, siya ay hindi
nainip at nabilisan sa biyahe. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan ng pahayag?
A. linear B. time C. psychological D. habitual
7. Anong kontinente ang itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo na napapaloob
dito ang bansang may pinakamalaking populasyon at matatagpuan ang pinakamataas na
bundok? A. Asya B. America C. Africa D. Australia
8. Ano-ano ang dalawang sangay ng heograpiya?
A. panlipunan at agham C. pisikal at pantao
B. psychological at antropolohiya D. kasaysayan at agham
9. Saan nagmula ang salitang heograpiya?
A. Griyego B. Latin C. Romano D. Espanyol
10. Paano nakatutulong ang heograpiya sa pamumuhay ng tao?
A. madaling buhat B. tabing-dagat C. tirahan at hanapbuhay D. napag-aaralan
11. Ano ang salitang Greek ng mamamayan?
A. religare B. ethnos C. lengguwahe D. cultura
12. Anong pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?
A. Austronesian B. Afro-Asiatic C. Indo-European D. Sino Tibetan
13. Anong relihiyon ang itinuturing na may pinakamaraming tagasunod?
A. Islam B. Kristiyanismo C. Confucianismo D. Buddhismo
14. Ano ang salitang-ugat ng relihiyon?
A. cultura B. lengguwahe C. ethnos D. religare
15. Si Zico ay nakatira sa Pilipinas at ginagamit na wikang pang-komunikasyon sa ibang
tao ay Filipino. Anong kultural na heograpiya ang tinutukoy dito?
A. lahi B. relihiyon C. wika D. kultura
16. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?
A. animismo B. monoteismo C. politeismo D. shamanismo

Address: Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: dalis@depedmabalacat.org
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIVISION OF MABALACAT CITY
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL
XEVERA TABUN, MABALACAT CITY, 2010, PAMPANGA

17. Namasyal ang magbabarkadang Pau, Kurt, John at Frances sa bansang Vietnam,
Laos, at Cambodia. Anong relihiyon ang maaring dominante sa rehiyon?
A. Budismo B. Islam C. Hinduismo D. Kristiyanismo
18. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng mahigit 300 daang taon. Ano ang kanilang
wikang sinasalita? A. Pidgin English B. Spanish C. Cantonese D. Ruso
19. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa maraming Diyos?
A. animismo B. monoteismo C. politeismo D. shamanismo
20. Ang pamilyang Lim ay mula sa bansang China. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring wikang kanilang ginagamit o sinasalita? A. Mandarin B. Tami C. Bantu D.Thai
21. Ano ang naiwan na mahalagang impormasyon noong Panahon ng Metal na may
kinalaman sa pagsulat?
A. mga kalansay C. ebidensyang pangkasaysayan
B. mga relika at artifacts D. batayang kultura
22. Ang Panahon ng Bato ay panahon ng mahahalagang tuklas tulad ng mga kagamitan,
armas, at paggamit ng apoy. Sa anong panahon ito kaugnay?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
23. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ag pag-unlad ng tao mula noon
hanggang ngayon batay sa aspektong pangkabuhayan?
A. Mula sa paggamit ng kasangkapang bato, naging makabago ang kasangkapan ng
kasalukuyan.
B. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng mataas
na antas ng kultura.
C. Mula sa pangangaso at pag-aalaga ng hayop, nakinabang ang mga sinaunang
tao dahil napabuti ang kanilang kabuhayan.
D. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar, naging
pandaigdigan ang transaksiyon sa pagkuha ng mga pangangailangan at sa hanapbuhay.
24. Sino ang nakatuklas sa Hominid na pinangalanang “Lucy”?
A. Charles Darwin B. Donald Johanson C. Raymond Dart D. Richard Leakey
25. Ano ang tawag sa bungong kahawig ng sa modernong tao?
A. australopithecine B. dryopithecine C. homo erectus D. ramapithecine
26. Alin sa mga sumusunod ang akda ni Charles Darwin?
A. bipedalismo B. natural selection C. Origin of the Species D. stereoscopic vision
27. Ano ang pinakaunang uri ng kanunu-nunuan ng mismong tao?
A. australopithecine B. dryopithecine C. homo erectus D. ramapithecine
28. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang
panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din
ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
29. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa
mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain II. kalakalan IV. pangangaso
A. IV, I, III, II B. II, I, IV, III C. IV, I, II, III D. I, II, III, IV
30. Ano ang kahulugan ng salitang “lithos”? A. apoy B. bato C. halaman D. tao
31. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga
sinaunang kabihasnan?
A. dahil sa pagpupursigi ng mga taong naninirahan dito

Address: Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: dalis@depedmabalacat.org
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIVISION OF MABALACAT CITY
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL
XEVERA TABUN, MABALACAT CITY, 2010, PAMPANGA

B. dahil sa matatagpuang anyong lupa at anyong tubig sa lugar


C. dahil malawak ang sakop ng mga sinaunang kabihasnan
D. dahil higit na biniyayaan sila ng Maykapal kaysa sa ibang rehiyon
32. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng tao?
A. makasaysayang lugar na maaaring pasyalan
B. pinagkukuhanan ng pagkain at masaganang hanapbuhay
C. makahihikayat ng mga dayuhan upang mamuhunan
D. nagsilbing aral sa mga kabataan ang kasaysayan na dulot nito
33. Sa heograpiya ng Egypt, ano-ano ang pagkakahati nito?
A. East at West B. Lower at Upper C. North at South D. High at Bottom
34. Saan matatagpuan ang Mesoamerica?
A. sa pagitan ng Sinaloa at Fonsenca C. sa pagitan ng Huang Ho at Yangtze
B. sa pagitan ng Tigris at Euphrates D. pagdumi ng Indus at Ganges
35. Ano ang positibong naidudulot ng pag-apaw ng ilog Huang Ho sa China?
A. pagbaha sa North China Plain C. pagtaba ng lupa
B. pagkasira ng mga pananim at bahay D. pagdumi ng lungsod
36. Alin sa katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may
malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
A. ang pinag-usbungan ng mga kabihasnan C. ang mga uri ng tao sa kabihasnan
B. ang mga paniniwala ng mga kabihasnan D. ang mga likas na yamang
matatagpuan sa kabihasnan
37. Anong lungsod ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon sa Lambak ng Indus?
A. Harappa at Mohenjo-daro C. Olmec at Toltec
B. Sumer at Babylon D. Yellow at Yangtze
38. Bakit mahirap ipagtanggol ang Mesopotamia sa ibang lugar kung pagbabatayan ang
heograpikal na katangian nito?
A. dahil walang likas na hangganan ang mga lupain
B. dahil pala-kaibigan ang mga tao
C. dahil sa mga ilog na kayang tawirin
D. dahil hindi mahigpit ang seguridad
39. Ano ang kahulugan ng salitang Mesopotamia?
A. sa gitna ng dagat C. sa pagitan ng dalawang ilog
B. sa pagitan ng bulubundukin D. sa gitna ng kapatagan
40. Alin sa sumusunod na katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang
nararapat na mapangalagaan?
A. ang mga taong naninirahan dito
B. ang mga lupain na sinakop ng mga nandarayuhan
C. ang mga lambak-ilog na pinag-usbungan ng mga kabihasnan
D. ang mga ginto at pilak na matatagpuan sa lugar
41. Ano ang dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim ng mga sinaunang tao?
A. dumi ng hayop B. lupa C. banlik D. puno
42. Ano ang sistema ng panulat na nabuo ng mga Sumerian?
A. hieroglyphics B. calligraphy C. pictograph D. cuneiform
43. Alin sa sumusunod ang nagtataglay ng 232 batas at parusa sa mga lumalabag?
A. Kodigo ni Asoka C. Kasunduan sa Paris
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kasunduan sa Malolos

Address: Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: dalis@depedmabalacat.org
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIVISION OF MABALACAT CITY
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL
XEVERA TABUN, MABALACAT CITY, 2010, PAMPANGA

44. Alin sa sumusunod ang hango sa salitang casta na nangangahulugang angkan.


A. Caste B. Sudra C. Veda D. Vaisya
45. Ano ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram?
A. cuneiform B. pictogram C. hieroglyphics D. calligraphy
46. Ano ang nagsisilbing libingan ng hari sa Ehipto?
A. Hanging Garden B. Forbidden City C. Ziggurat D. Pyramid
47. Anong bahagi ng rehiyon sumibol ang karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon sa
daigdig? A. lambak-ilog B. tabing-dagat C. kabundukan D. kapatagan
48. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Egypt – Nile C. China – Yangtze-Huang Ho
B. Mesopotamia – Yucatan Peninsula D. India – Indus
49. Ano ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos na ipinakilala ni Akhenaton?
A. monoteismo B. Hyksos C. politeismo D. Hiroglipiko
50. Sino sa mga sumusunod ang itinuturing na dakilang guro ng China?
A. Confucius B. Tai Tsung C. Shih Huang Ti D. Ming Huang

Address: Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: dalis@depedmabalacat.org
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
DIVISION OF MABALACAT CITY
DOÑA ASUNCION LEE INTEGRATED SCHOOL
XEVERA TABUN, MABALACAT CITY, 2010, PAMPANGA

ANSWER KEY

1. D 11. C 21. D 31. C 41. C


2. A 12. B 22. A 32. A 42. B
3. A 13. B 23. A 33. B 43. A
4. C 14. B 24. D 34. D 44. C
5. C 15. A 25. A 35. C 45. D
6. A 16. B 26. A 36. D 46. A
7. B 17. A 27. B 37. A 47. D
8. A 18. A 28. C 38. B 48. A
9. C 19. B 29. D 39. D 49. A
10. D 20. C 30. C 40. C 50. B

Address: Xevera, Tabun, Mabalacat City, Pampanga


Email Address: dalis@depedmabalacat.org

You might also like