Tagapagsalaysay: Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunpaman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Matandang Kastila: Maaari ko bang ipagbili itong gubat? Kung iyong pahihintulutan. Magsasaka: Oo naman.
Matandang Kastila: Ngunit ang akin lamang maisusukli ay ang aking
mga damit, alahas, at salapi. Magsasaka: Ito ay aking lubos na tatanggapin.
Tagapagsalaysay: Hindi nagtagal ang matanda ay nawala. Isang araw
ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng kakaiba. Nagpapastol 1: Naaamoy mo ba iyon ito ay kakaibang amoy.
Nagpapastol 2: Aba’y, oo. Halina’t hanapin natin kung saan ito
nanggagaling. Nagpapastol 3: Ayun! Isang nabubulok na bangkay ng isang matanda na nakabitin sa isang puno ng balete. Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ng matanda, Lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya takot na takot sa kaniya ang mga babae sapagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalim ang mga mata. At sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog. Mga Tao: Halina’t ating sunugin ang damit at itapon naman ang mga hiyas sa ilog. Tagapagsalaysay: Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating. Saturnino: Ako po ang anak ng matandang kastila na pumanaw.
Tagapagsalaysay: Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat.
Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga Maynila at nagkaroon ng anak. Don Saturnino: Mula ngayon ang iyong ngalan ay Rafael.
Tagapagsalaysay: Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay
mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.