Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 51

MGA PAGBABAGO

Balisa si Linares, hindi siya mapakali at siya'y nawalan ng kibo dahil sa


liham na tinanggap mula kay Donya Victorina. Ganito ang isinasaad ng
liham:

Mahal kong pinsan,

Sa loob ng tatlong araw ay kailangan malaman ko kung hinahamon


muna ang Alpares. Kapag natapos ang taning na araw ay umasa kang
mababatid ni Kapitan Tiago na ikaw ay hindi naging kalihim, hindi
nakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan at hindi mo
nabibiro si Canovas. Ipagtatapat ko kay Clarita ang iyong lihim at hindi rin
kita bibigyan ng kuwarta. Ang lahat ng hihilingin mo ay ipagkakaloob ko sa
iyo kapag kinalaban mo ang Alpares. Hindi ako tatanggap ng iyong
paumanhin o mga dahilan.

Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo nang buong puso,

VICTORINA DE LOS REYES DE ESPADAÑA


Sampaloc, Lunes, ika-7 ng gabi

Nalalaman ni Linares na hindi nagbibiro si Donya Victorina sa liham na ito.


At wala ng nalalabing paraan kundi ang hamunin niya ang Alpares. Kaya't
nasabi na lamang niya sa kaniyang sarili
Linares: Ngunit papaano? Kung ako'y pagsalitaan ng Alpares? Kung ang
Alparesa ang aking matagpuan? Sino ang papayag na maging padrino ko?
Ang kura? Si Kapitan Tiago? Kasumpa-sumpang sandali ang pagsunod ko
sa kaniyang payo. Sino ang nag-utos sa aking magpalalo at
magsinungaling? Ano ang magiging palagay sa akin ni Clarita?

Pinagsisisihan ni Linares ang ginawa niyang pagiging sunod-sunuran kay


Donya Victorina. Dahil si Donya Victorina rin naman ang nagsabing siya ay
magyabang sa harap ni Kapitan Tiago at maging sa harapan ni Clarita
ngunit ngayon siya ay naiipit sa isang napakahirap na sitwasyon.

Dinatnan siya ni Padre Salvi sa ganitong pagmumuni. Mapapansin sa labi


ni Padre Salvi ang isang mahiwagang ngiti. Matapos batiin si Linares ay
tinanong niya si Kapitan Tiago. Si Don Santiago'y dumating, humalik sa
kamay ng pari, at inabot ang baston at sumbrero nang nakangiti rin.
Ibinalita ni Padre Salvi na siya'y tumanggap ng liham sa Maynila, liham na
nagpapatunay na si Ibarra ay pinatawad na.

"Wala na ngayong sagabal." aniyang bulong ni Padre Salvi

Narinig ni Maria Clara ang pag-uusap ni Kapitan Tiago at Padre Salvi.


Nagnais tumindig ang dalaga ngunit muling napaupo. Ito'y patunay na si
Maria Clara ay mahina pa at patuloy na nagpapagaling. Si Linares naman
ay namutla at lalong nabalisa sa kaniyang narinig.

Padre Salvi: Ngayon ko nakilalang si Ginoong Ibarra ay mabuting binata


kaya lamang pabigla-biglang kumilos ngunit kahit ganoon ay mabilis
magpuno sa kaniyang pagkukulang. Kung 'di lamang dahil kay Padre
Damaso ....

Kapitan Tiago: Paano kung hindi patawarin ni Padre Damaso si Ibarra?


Padre Salvi: Kung gayo'y ...si Maria Clara na ang umayos. Si Padre
Damaso ay kaniyang kompesor, kaya't sila'y magkakaintindihan.

Nang mga sandaling iyon ay dumating ang binata kasunod si Tiya Isabel.
Binati niya si Kapitan Tiago at nagbigay galang kay Linares. Sinalubong
naman siya ni Padre Salvi at siya'y buong galak na kinamayan. Ang
binata'y nagtaka sa kilos ng Padre. At ito'y nakita ng Padre kaya kaniyang
sinabi:

Padre Salvi: Huwag kang magulat, ngayon lamang ay pinupuri ko kayo.

Lumapit si Ibarra kay Sinang. Maya-maya ay dinala niya si Sinang sa sulok


ng salas at doon sila nag-usap

"Nagagalit ba sa akin si Maria?" Agad na tanong ni Ibarra

Sinang: Aywan ko, ngunit lagi siyang lumuluha at ang sabi'y limutin mo na
siya. Ang nais ni Kapitan Tiago at Padre Damaso'y ipakasal siya kay
Linares. Ayaw ni Maria. Nang sabihin kong baka ikaw ay may ibang
nililigawan ay sinagot niya ako ng 'lalong mabuti' at saka nagpatuloy
umiyak!

Ibarra: Ipakisabi mong gusto ko siyang makausap nang sarilinan.

Sinang: Bukas ay magtungo ka sa amin nang maaga ngunit sabihin mo sa


akin ang lihim.

Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa si Ibarra ay naghanda nang umalis.

You might also like