Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

___________________________ ) S.S.

SALAYSAY

Ako, si TEODORO LIMJOCO VIOLANTE, 73 na taong gulang, may


asawa, nakatira sa 321 Lucas Nueve, Lian, Batangas, matapos manumpa
ng naaayon sa batas ay kusang loob na nagsasaad ng sumusunod:

1. Ako ay isang negosyante na nagmamay-ari ng TLV Better Roof


Roofing Services (Better Roof), isang hardware store sa Lian,
Batangas na nagbebenta ng mga bubong na yero sa iba’t
ibang bayan sa Batangas at sa mga karatig na probinsya.

2. Noong taong 2000, nagsimula akong maging dealer ng mga


bubong na produkto ng Excel Coil Coating Corporation (Excel
Coil).

3. Ang Better Roof ay isang Class A dealer ng Excel Coil. Bilang


isang Class A dealer, ang Better Roof ay nabibigyan ng
discount na mula forty (40%) hanggang fifty (50%) percent ng
retail price. Naka-depende ang discount na nakukuha ko sa
klase ng produkto at kung magkano ang total na inoorder ko.

4. Bago ang 2022, tuwing ako ay mayroong order na yero sa


Excel Coil, ito ay sinusulat ko sa isang papel at ipinadadala sa
ahente ng Excel Coil na si Jan Mari Cantor. Mayroon din
pagkakataon na itinatawag ko kay Jan Mari Cantor ang aking
order at siya na ang mag-oorder para sa akin.

5. Kapag handa na ang aking mga inorder ay pinapapunta ko ang


aking driver para pick-upin ang aking order sa MBSI Plant, ang
planta ng Excel Coil sa Carmona, Cavite. Ipinadadala ko na rin
sa driver ko ang pera na pambabayad sa order ko.

6. Noong taong 2016 o 2017, sinabihan ako ng manager ng MBSI


Plant na si Henedino Gianan (o mas kilala ko sa tawag na Jun)
na gagamitin nila ang Class A dealer discount ng Better Roof
kapalit ang pag-bigay sa akin ng two percent (2%) na rebate.
Dahil si Jun ang boss sa MBSI Plant, inakala ko na pinayagan
ito ng Excel Coil.

7. Hiningan naman ako nila Fatima Anuran (“Fatima”) at Julie


Mangabat (“Julie”), mga empleyado ng Excel Coil noon, ng
ilang pirasong Official Receipt ng Better Roof. Hindi nila sinabi
bakit nila ito kailangan o kung saan nila ito gagamitin. Hindi na
nila binalik sa akin ang mga resibo na ito.

8. Pagkatapos nito ay wala na akong nabalitaan sa pag-gamit ng


Class A dealer discount ng Better Roof. Paminsan minsan na
lang ay nag-aabot ang driver ko ng pera sa akin mula daw sa
Excel Coil na “rebate” kamo ng Better Roof. Tumigil din ito
simula ng 2020.

9. Noong taong 2022, pumunta sa aking bahay sina Julie at


Fatima. May dala silang dokumento at pinakiusapan akong
isulat ang impormasyon na naaayon sa mga may blanko tulad
ng aking edad at address. Pagkatapos ay pinapirma nila agad
ako dito.

10. Wala akong kinalaman sa pag-gawa ng dokumentong ito. Hindi


rin tinanong o kinumpirma nila Julie at Fatima sa akin kung
tama o totoo ba ang mga impormasyon na nilagay nila dito at
para saan nila ito gagamitin. Hindi rin nila ako binigyan ng
pagkakataon na kausapin muna ang abogado ko bago ito
ipapirma sa akin.

11. Dahil kilala at pinagkatiwalaan ko sila at alam ko na empleyado


sila ng Excel Coil, pinirmahan ko ang nasabing dokumento.

12. Ngunit dahil wala akong alam na notaryo na malapit sa lugar


namin noong araw na iyon, sinabihan na lang ako nila Fatima
at Julie na sila na daw ang magpapanotaryo ng dokumentong
iyon. Hindi nila ako binigyan ng kopya nito pero nakuhaan ko ito
ng picture gamit ang cellphone ng aking anak. Ang print-out ng
litrato ng dokumentong pinapirma sa akin ay nakadikit sa
salaysay na ito bilang Annex “A”.

2
13. Pagkatapos ng ilang araw ay iprinisenta ko sa aking abogado
ang picture ng dokumento na pinapirma nila Julie at Fatima.
Pinayuhan niya ako na huwag pirmahan ang dokumento. Kaya
naman noong sinubukan ulit akong papirmahin nila Fatima at
Julie ay hindi na ako pumayag.

14. Pagkalipas ng ilang buwan, nagulat na lamang ako sa balita na


sina Jun, Fatima, Julie at isang Oliver Gianan pala ay
kinasuhan ng Excel Coil dahil sa akusasyon laban sa kanila na
ginamit ang Class A dealer discount ng Better Roof. Mas lalo
akong nagulat nung nalaman kong ang dokumento pala na
pinapirma sa akin ay isang salaysay na isinumite nila sa piskal.
Hindi ko alam kung paano nakuha nina Jun at Oliver ang kopya
ng nasabing dokumento.

15. Agad kong hiningi ang kopya ng salaysay na ito. Nagulat ako
na iba ito sa dokumentong pinapirma nila sa akin. Bukod nito,
hindi din totoo ang mga nakasaad sa salaysay na isinumite nila.

16. Dahil dito, nagpasya ako na gumawa ng salaysay na ito upang


iklaro at maitama ang mga nakalagay sa mga salaysay na
isinumite nina Fatima, at ipaliwanag na wala akong kinalaman
sa mga nasabing ginawa nina Jun, Oliver, Fatima at Julie sa
Excel Coil.

17. Para malinaw, hindi ko alam at hindi rin sa akin sinabi na hindi
pala alam ng Excel Coil at bawal pala ang ginawa nila Jun,
Oliver, Fatima, at Julie na paggamit Class A dealer discount ng
Better Roof. Lingid ito sa aking kaalaman at hindi sana ako
pumayag dito.

18. Hindi ako regular na nakatatanggap ng nasabing rebate at hindi


ko rin alam kung saan iyon galing o kung pano nila ito na-
compute.

19. Hindi totoo na pagmamay-ari ko o ng Better Roof ang email-


address na betterroof48@gmail.com. Kailanman ay hindi ko
ginamit ang e-mail na ito upang magpadala ng orders ng Better
Roof sa Excel Coil. Hindi ko rin alam ang password nito. Dahil

3
matanda na ako, wala akong kaalam-alam sa pag-gamit ng
computer.

20. Ang mga lehitimong orders lamang ng Better Roof ay ang mga
orders namin na sinulat kamay sa papel at ipinadadala ko kay
Jan Mari Cantor na aking ahente.

21. Simula noong 2021 ay kinukunan ng litrato ng aking anak ang


mga nasabing sulat kamay na purchase orders at ipinadadala
ito sa Facebook Messenger account ng ahente na si Jan Mari
Cantor. Ang mga halimbawa ng screenshot na ipinadala
naming purchase orders gamit ang Facebook Messenger ay
nakadikit sa salaysay na ito bilang Annex "B”. Mula naman
noong 2022 ay ipinadadala ko na ang mga sulat kamay na
purchase orders sa e-mail ng Excel Coil
[excelroof.sales@gmail.com; mbsi.plant@gmail.com;
janmari.cantor@excelroof.com.ph], sa tulong ng aking anak,
gamit ang opisyal na e-mail address ng Better Roof na
betterroofservices@gmail.com. Ito lang ang e-mail address ng
Better Roof at wala ng iba pa. Ang mga halimbawa ng
screenshot ng ipinadala naming purchase orders gamit ang
opisyal na e-mail ng Better Roof ay nakadikit sa salaysay na ito
bilang Annex "C”.

22. Hindi ko kilala ang mga taong nag-order umano mula sa Excel
Coil gamit ang pangalan ng Better Roof at gamit ang mga
typewritten na purchase order. Hindi ito orders ng Better Roof.

23. Sa lahat ng panahon na bumibili ang Better Roof sa Excel Coil,


lagi kong ipinapa-pick-up ang aming mga orders at walang
isang pagkakataong kami ay nagpa-deliver sa aming tindahan
sa Lian, Batangas o sa iba mang lugar. Ang tanging sasakyan
na ginagamit ng aming mga driver ay ang aming jeep na may
plakang DMG 833.

24. Hindi ko kilala ang mga taong tumanggap ng mga order at


nagpanggap na Better Roof.

4
BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan
ngayong ika-_______________.

TEODORO L. VIOLANTE

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayong


___________________. Pinakita ng taga-salaysay ang kanyang
____________ bilang ____________.

Doc. No. ___;


Page No. ___;
Book No. ___;
Series of 2023.

You might also like