Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG MGA PISIKAL NA KATANGIAN NG ATING LALAWIGAN AT REHIYON

at nagpapalaki ng maraming uri ng hayop. Ang Gitnang Luzon ay isang


Ang Heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng ating pisikal na kapaligiran, malawak na kapatagan.
na kinabibilangan ng mga natural na istruktura, topograpiya, at iba pang tampok na 9. Ang TALAMPAS ay isang bundok o bulubundukin na patag ang ibabaw na
katangian ng ating lugar. bahagi. Ang Lungsod ng Baguio sa lalawigan ng Benguet ay halimbawa ng
talampas.
Mga Anyong Lupa
Mga Anyong Tubig
1. PULO (ISLAND) – isang anyong lupa na napalilibutan ng tubig. Ang pangkat
ng mga pulo ay tinatawag na kapuluan. Ang Pilipinas ay isang kapuluan na 1. Pinakamalaki at pinakamalawak na anyong tubig ang KARAGATAN Maalat
binubuo ng 7,641 na pulo. Ang pulo ng Luzon ang pinakamalaki sa mga ang tubig nito. Matatagpuan sa karagatan ang maraming uri ng yamang
pulong bumubuo sa ating bansa. tubig. Ang Karagatang Pasipiko ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at
2. TANGWAY (PENINSULA) ay ang anyong lupa na napalilibutan din ng tubig pinakamalapit sa Pilipinas.
ngunit ang isang dulo nito ay nakaugnay sa isang mas malaking anyong 2. Ang DAGAT ay mas maliit sa karagatan at mas malapit sa mga lupain.
lupa. Ang rehiyon ng Bicol at ang Tangway ng Zamboanga ay mga Maalat din ang tubig sa dagat at matatagpuan din dito ang iba't ibang
halimbawa ng tangway. yamang tubig. Madalas din itong dinadaanan ng mga sasakyang pandagat.
3. BUNDOK (MOUNTAIN) ay isang mataas na bunton ng lupa. Madalas na 3. Ang GOLPO ay anyong tubig na bahagyang napalilibutan ng lupa. Ito ay
matatagpuan sa mga bundok ang makakapal na kagubatan. Ang nakaugnay sa karatig na dagat o karagatan. Ang golpo ay daungan ng mga
pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang Bundok Apo na matatagpuan sasakyang pandagat.
sa Davao. 4. Kahalintulad ng golpo ang LOOK ngunit ito ay mas maliit. Ang look ay
4. BULUBUNDUKIN (MOUNTAIN RANGE) - ito binubuo ng hanay ng mga mainam na pangisdaan at magandang daungan ng mga sasakyang
bundok. Ang Sierra Madre at ang Cordillera ay mga halimbawa ng pandagat.
bulubundukin na matatagpuan sa Luzon. 5. Tinatawag na KIPOT ang makitid na anyong tubig na nasa pagitan ng
5. BUROL (HILL) - isang bunton ng lupa na mas mababa kaysa bundok. Ang dalawang malalaking pulo. Pinag-uugnay nito ang mga dagat at karagatan.
mga pinakatanyag na burol sa ating bansa ay ang Chocolate Hills na Ang Kipot ng San Juanico ay matatagpuan naman sa pagitan ng mga pulo
matatagpuan sa Bohol. ng Samar at Leyte.
6. BULKAN (VOLCANO) ay mataas na anyong lupa tulad ng isang bundok, 6. Ang LAWA ay anyong tubig na napalilibutan ng lupa. Sariwa ang tubig sa
ngunit may bunganga na nilalabasan ng mainit at tunaw na mga bato at lawa at maaari itong inumin. Ang Lawa ng Laguna ang pinakamalaking lawa
kumukulong putik. Ibinubuga ang mga ito ng sumasabog na bulkan, at sa Pilipinas.
nagdudulot ng malawakang pinsala sa kapaligiran. Ang Bulkang Taal ay isa 7. ng ilog ay isang mahabang anyong tubig na dumadaloy sa mga lawa, look, o
sa mga pinakaaktibong bulkan sa ating bansa. dagat. Maaaring magmula ang tubig ng ilog sa ulan, o sa matataas na
7. Ang LAMBAK (VALLEY) ay patag na lupain sa pagitan ng mga burol at lupain tulad ng bundok.
bundok. Maraming mamamayan ang nakatira sa mga lambak. Nagtatanim 8. Ang mga SAPA AT BATIS ay mas maliliit na sanga ng ilog. Dumadaloy naman
sila dito ng iba't ibang produkto tulad ng palay, mais, mga gulay, at mga sa pitong lungsod ng Metro Manila ang Ilog Pasig na nag-uugnay sa Lawa
prutas. Ang Lambak ng Cagayan ay isang malawak na lambak sa Hilagang ng Laguna at Look ng Maynila.
Luzon. 9. Ang BUKAL ay dinadaluyan ng tubig mula sa ilalim ng lupa. Sariwang tubig
8. Ang KAPATAGAN ay isang malawak at patag na lupain. Matatagpuan dito ang dumadaloy sa mga bukal, at ito ay maaaring mainit o malamig. Ang
ang mga pamayanang sakahan. Ang mga naninirahan sa kapatagan ay Bukal ng Tiwi sa lalawigan ng Albay ay naglalabas ng mainit na tubig at
karaniwang nagtatanim ng palay, gulay, punongkahoy, at iba pang pananim singaw, na pinanggagalingan ng enerhiya.
10. Ang talon ay sariwang tubig na bumabagsak mula sa isang mataas na lugar.
Ang puwersa ng tubig sa talon ay kadalasang ginagamit upang makalikha ng
enerhiya. Ang Talon ng Maria Cristina sa lalawigan ng Lanao del Norte ay
nagpagkukunan ng enerhiyang ginagamit sa maraming lungsod at lalawigan
sa Mindanao.

MGA MAPANG TOPOGRAPIKO


Malaking tulong ang mga mapa upang malaman kung paano
nagkakaugnay-ugnay ang mga anyong lupa at anyong tubig. Ipinakikita sa
isang mapang topograpiko ang lahat ng anyong lupa at anyong tubig sa
ating bansa. Sa ganitong mapa, kinukulayan ng asul ang mga anyong tubig,
at kulay berde at kayumanggi naman ang mga anyong lupa. Ang kulay
kayumangging bahagi ng mapa ay nagpapakita ng patag na lupain, at ang
kulay berde na bahagi ay nagpapakita ng matataas na lupain tulad ng mga
bundok, bulubundukin, at talampas.

You might also like