Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

PANIMULA

Ibinaba ni Jose si Hesus sa Krus, ibinalot sa isang malinis na tela, at


inilibing sa Kanyang himlayan

Namumuno: Natitipon tayong lahat upang ipag-adya ang ating kapatid na


si +Ely Banton sa Diyos, ang ating ama at ipag adya ang kanyang katawan
sa lupa. Sa espiritu ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesu Kristo
mula sa kamatayan, ating idalangin ang kaluluwa ni +Ely Banton

PAGBASA
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Filipos
Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula
roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang
ating Tagapagligtas. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa
pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang may kahinaan ay
babaguhin niya upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati.

PAGBABASBAS SA PUNTOD
(kung hindi pa basbas ang puntod)

Namumuno: Panginoong Hesu Kristo, sa pamamagitan ng Iyong tatlong


araw sa libingan, pinabanal mo ang libingan ng sinumang naniniwala sa
Iyo, at Iyong binigyan ng pag asa ang mga libingan na nangangako ng
muling pagkabuhay ng aming mga mortal na katawan
Gawaran mong ang aming kapatid ay mamayapa rito nang mapayapa
hanggang sa Iyo syang gisingin sa kanyang kaluwalhatian, dahil ikaw ang
Kabuhayan at ang buhay. Nang sa gayon ay Makita ka nya, mukha sa
mukha at Makita ang iyong liwanag at Makita ang kadakilaan ng Diyos,
dahil ikaw ay namumuhay at naghahari magpasawalang hanggan

Lahat: AMEN

(babasbasan ang puntod gamit ang banal na tubig)

IMBITASYON SA PAGDARASAL

Namumuno: Sa pagtitiwala sa Diyos, ating sabay-sabay na ipanalangin si


+Ely Banton at ngayon tayo ay nangagkatagpo sa kanyang huling
hantungan. Mayroong kalungkutan sa paghihiwalay, ngunit tayo ay
nakatatagpo ng kanlungan sa pag asa na muli nating makikita si +Ely
Banton at sumiya sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ngunit tayo ay
masasadlak sa dusa, ang awa ng Diyos ay pagtitipunin muling lahat tayo
sa kasiyahan ng Kanyang kaharian. Kaya ating kalingain ang bawat isa sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo

(Ang lahat ay mananalangin nang tahimik)

(AWIT NG PAMAMAALAM)

Mga banal ng Diyos, tulungan ninyo sya,


Magmadali kayo sa pagtungo sa kanya, mga anghel ng Diyos

Tugon: Tanggapin ang kanyang kaluluwa at iharap sa Diyos na


pinakadakila

Nawa si Kristo, na tumawag sayo ay magdala sa iyo sa kanya,


Nawa ang mga anghel ang magdala sa iyo sa dibdib ni Abraham

Tugon: Tanggapin ang kanyang kaluluwa at iharap sa Diyos na


pinakadakila

Walang hanggang kapayapaan ang ibigay Mo sa kanya, Panginoon


At ang walang hanggang kaliwanagan ang sumilay sa kanya

Tugon: Tanggapin ang kanyang kaluluwa at iharap sa Diyos na


pinakadakila

PANALANGIN SA PAGHAHABILIN

Namumuno: Sa Iyong mga kamay, Ama ng Awa, inihahabilin namin ang


aming kapatid na si +Ely Banton sa kasiguraduhan at pag asa na lahat ng
mga namatay kay Kristo ay syang mabubuhay muli pagsapit ng Huling
Araw
Ipinagpapasalamat namin ang mga biyaya na ipinagkaloob mo kay +Ely
Banton. Sa buhay na ito, ito ang naging tanda sa amin ng Iyong kabutihan
at ng aming pakikipagtagpo kasama ng mga banal kay Kristo

Maawaing Panginoon, lumingon ka sa amin at pakinggan mo ang aming


mga dasal: buksan ang pintuan ng paraiso sa iyong lingkod at tulungan
kaming nananatili rito upang aming kalingain ang bawat isa sa
kasiguraduhan ng pananampalataya hanggang sa aming makita si Kristo
kasama mo at kasama ang aming kapatid na si +Ely Banton
magpasawalang hanggan sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon

Lahat: AMEN

(babasbasan ng mga kamag anak ang labi ng yumao gamit ang banal na
tubig)

Itungo natin ang ating mga ulo at manalangin sa biyaya ng Diyos

Namumuno: Maawaing Panginoon, alam mo ang aming hinagpis at


kalungkutan, nakikita mo ang panalangin ng mga mapagkumbaba.
Pakinggan mo ang Iyong bayan na dumadalangin sa Iyo sa kanilang
pangangailangan at pagtibayin ang kanilang pag asa sa iyong walang
hanggang kabutihan, sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon

Namununo: Kapayapaan kalianman ang igawad ng Maykapal sa yumaong


ating mahal
Lahat: Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa kapayapaan
Lahat: Amen

Nawa ang pagmamahal ng Diyos at ang kapayapaan ng Panginoong Hesu


Kristo ay magbasbas at magkalinga sa atin at marahang punasan ang
bawat luha sa ating mga mata. Sa ngalan ng AMA, NG ANAK AT NG
ESPIRITU SANTO

Lahat: AMEN

Namumuno: Humayo tayo sa Kapayapaan ni Kristo


Lahat: SALAMAT SA DIYOS!

You might also like