Bislig5 Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bislig 5

San Vicente National High School

Katutubong Wika: Sulo ng Matatag na Noon, Ngayon at Bukas


Isinulat ni: Carmela Isabel L. Orohuela

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng napakaraming lengguwaheng

sinasaltik ng dila bunga ng binubuo ito ng maraming kapuluan. Umabot ang bilang

nito sa 120-187 na wika na mukha rin ng magkaibang kultura, tradisyon at

paniniwala na tatak ng pagkakakilanlan ng mga katutubong buhis-buhay na

nagmahal sa ating bansa. Dahil dito, idineklara ang wikang Filipino bilang

Pambansang Wika ng Pilipinas noong Disyembre 30,1937 sa bisa ng Executive

Order No. 134.

Nagkaroon man ng iisang wikang nagbubuklod sa atin, hindi natin isawalang-

bahala ang halaga ng unang wikang nagmahal at naglinang ng ating

pagkakakilanlan. Kalipunan man lamang ito ng mga tunog ngunit ito ang nagsisilbing

sulo o gabay upang magkaroon ng kapayapaan na dulot ng seguridad at

ingklusibong katarungang panlipunan. Nabuo nito ang mahalaga at makabuluhang

kasaysayang inukit ng panahon mula sa ating mga ninuno hanggang sa ating

tinatamasang buhay ngayon.

Paano nga ba naging susi ang unang wika sa pagkamit nito? Wika ang

paraan upang magkaroon ng pagkakaintindihan. Sangkap ito upang mabuo ang mga

kaisipang maghahatid ng seguridad at kapayapaan. Mahalaga rin ito upang

maiangat hindi lamang ang sarili pati narin ang komunidad sa pamamagitan ng

edukasyong hinulma ng wika na magdudulot ng maunlad na lipunan.

Ngunit sa paglipas ng panahon kasabay nitong kumupas ang mabigat na

halaga ng unang wika. Nalilimutan ng mga makabagong henerasyon ang mahalin at


pahalagahan ito. Nariyang mas nauna na nating natutunan ang banyagang wika

kagaya ng Ingles at Korean. Mas inaaral natin ang kanilang baybay na nagdudulot

ng unti-unting pagkakapatay ng unang wika. Nahihiya pa tayong tawaging Bisaya o

di kaya’y Kamayo kung tayo ay nasa karatig na bayan katulad na lamang kung nasa

Luzon. Nagiging katatawanan pa tayo dahil napagsamasama sa iisang

pangungusap ang Bisaya at Tagalog. Nawawalan na tayo ng interes na gamitin at

ipamagmalaki ito. Halimbawa sa silid-aralan, pinagtatawanan natin ang ating kapwa

mag-aaral kung sila’y nagpapaliwanag ng kanilang sagot gamit ang unang wika. Sa

senaryong ito, tila nakalimutan na natin na kung hindi dahil sa unang wika hindi

mabubuo ang pamayanang ugat ng ating pagkakakilanlan.

Nawa’y hindi pa huli ang lahat sa ating wikang katutubong naghihikahos na

mabuhay mula sa pag-apak ng mga dilang nagkukumahog na salitain ang wikang

banyaga. Buhayin natin muli ang katutubong wika! Diligan natin ito sa pamamagitan

ng paggamit nito sa larangan ng komunikasiyon. Bigyang kulay ito sa mga tula at

awiting imahe ng ating kultura at tradisyon. Gamitin natin ang ating dila upang

manatili itong buhay at maging sulo sa ating kapayapaan, seguridad at

makatarungang lipunan.

You might also like