Pagtatagpo 1 - Likas Na Yaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY- ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7

Unang Markahan

Pagtatagpo 2 Petsa: October 4 & 6, 2023


I. LAYUNIN
Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya

II. NILALAMAN
A. Paksa : Mga Likas na Yaman ng Asya
B. Sanggunian : Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3
C. Kagamitan: Modyul, Telebisyon, Laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Tumawag ng isang mag-aaral para manguna sa pagdarasal.
b. Tanungin ang buong klase kung sino ang lumiban.
c. Ibigay ang mga panuntunan sa silid-aralan.
d. Balik-aral
Pag-ugnayin ang mga pangungusap mula sa Hanay A na tinutukoy o inilalarawan sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. Ang minsang binansagang Farther Asya India at Little China a. Timog Silangang
dahil sa impluwensya ng mga nasabing kultura at kabihasnan
nito
2. Ang kontinenteng may pinakamalawak na kalupaang sakop b. Klima
sa buong mundo at pinaninirahan ng pinakamaraming tao
3. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner c. Hilagang Asya
Asia
4. Kinapapalooban ito ng mga elemento tulad ng temperature, d. Asya
ulan at hangin
e. Pagganyak
Ipakita nag mga sumusunod na larawan sa klase.

B. PAGLINANG NG GAWAIN
a. Gawain
Basahin at unawain ang konsepto tungkol sa mga Likas na Yaman ng Asya. Isagawa ang ibibigay na
Gawain.
Bumuo ng data retrieval chart na nagpapakita ng mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya.

Mga Bansa Rehiyon Pangunahing Likas na Yaman


Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Timog Asya
Timog Silangang Asya
Silangang Asya
b. Talakayan
1. Talakayin ang mga Likas na Yaman ng Asya.

c. Pagsusuri
1. Patunayang ang lupa ang pinakamahalagang likas na yaman ng India.
2. Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa Silangang Asya ang mga anyong lupa nito?
3. Mayaman ba sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya? Patunayan ang iyong sagot.
4. Patunayang mahalagang kayamanan ang mga ilog ng isang bansa.
5. Paghambingin ang dalawang bansa sa Hilagang Asya ayon sa yamang mineral na taglay nito.

C. PAGWAWAKAS NG GAWAIN
a. Paglalahat
Maaaring tumawag ng isa o dalawang mag-aaral at ipalagom ang natapos na aralin.

Gabay na tanong:
1. Bakit dapat pahalagahan ang mga likas na yaman ng Asya?
2. Paano tayo makahihimok sa ating kapwa sa wastong pangangalaga sa ating mga likas na yaman?

b. Paglalapat/Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at piliin ang pinakaakmang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga yamang-likas ay binubuo ng mga _______________.
a. yamang lupa at tubig
b. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura
c. yamang mineral at kagubatan
d. yamang kagubatan, lupa, mineral, at tubig
2. Ang palay ang pangunahing butil pananim sa maraming bansa sa Timog Silangang Asya. Bakit ito
itinuturing na napakahalagang butil pananim?
a. Maraming panluwas na produkto ang galling sa palay.
b. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim nito.
c. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley, at trigo.
d. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
3. Dahil sa matabang lupaing prairie sa Mongolia, ano ang pinakapangunahing hanapbuhay rito?
a. pag-aalaga ng hayop
b. paggawa ng mga feed para sa mga hayop
c. pagtatanim ng mga pagkaing butil
d. pagtotroso
4. Ang Hilaga o Gitnang Asya ay binubuo ng mga bansa na dati ay kasapi ng Union of Soviet Socialist
Republic o USSR. Anong yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa rehiyong ito?
a. ginto, tanso, at uranium
b. karbon, langis, at natural gas
c.natural gas, tingga, at tungsten
d. tanso, phosphate, at natural gas
5. Ang tanso ang itinuturing na pangunahing mineral n gating bansa. Ano ang dahilan nito?
a. Bagong tuklas ang mineral na ito sa ating bansa.
b. May reserba at may potensyal na mamimili nito.
c. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa ating bansa.
d. May mga yamang mineral sa ating bansa ang nauubos na maliban sa tanso.

V. REMARKS
Bilang ng mga estudyante:
Bilang ng mga estudyante na nakakuha ng pasadong marka:
Class Proficiency Level (CPL):

VI. Repleksiyon

A. Bilang ng mga bata na nakakakuha ng 80% sa pagtataya


B. Bilang ng mga bata na nangangailangan ng karagdagang gawain para maisakatuparan ang kasanayan

Inihandani:

JO ANNE B. MILLADAS, T- I

Iniwastoni:
MARIAN BERNADETTE O. CALAPIS

You might also like