Demograpiya Hard Copy Zac

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Araling Panlipunan 3

Talakayan

Demogr
apiya o
Pag-
aaral
Ng
Populas
Iniulat ni:
yonZacjary M. Genove
Haedan
Grade 3- SSC Matapat
(Kahalag
ahan at
Kahulug
an)
Ano ang Demograpiya?
 Ito ay nagmula sa salitang Griyego demos (demo-) na ang ibig sabihin ay
“ang mga mamamayan o tao” at graphō (-grapiya) na nagpapahiwatig ng
pagsusulat, paglalarawan o pagsusukat.
 Ang demograpiya ay ang pang-estadistika na pag-aaral ng populasyon,
kabilang dito ang populasyon ng tao.

Sino ang tinatawag na ama ng demograpiya?


Si John Graunt (1620-1674) na ipinanganak sa
England noong 1620 ang kinikilala bilang “Ama ng
Demograpiya” para sa kanyang sistematiko ngunit
kritikal na paggamit ng data ng populasyon.

Ating Balikan
Ano ang Populasyon?
Ito ay tawag sa bilang ng kabuuang dami ng tao na naninirahan sa isang partikular
na lugar sa isang takdang panahon
Ayon sa Commission on Population (POPCOM), ang kabuuang bilang ng
populasyon sa Pilipinas batay sa datos ng 2023 ay nasa 114.2 milyon at tinatayang
nasa ika-labintatlo sa pinakamaraming bilang ng tao sa buong mundo.

Paano isinasagawa ang bilang ng populasyon?


Sa pamamagitan ng Census ng Populasyon
 Ito ay isang paraan upang matukoy ang kabuuang bilang ng dami ng
populasyon. Nalalaman din kung magkano ang buwis na makokolekta mula
sa mga mamamayan na pinagmulan ng badyet ng pamahalaan.
Ito ay Ginagamit sa:
 Paglaan ng badyet para sa serbisyo pampubliko Halimbawa: edukasyon-para
makapaglaan ang gobyerno ng sapat na paaralan, aklat , silid-aralan o mga
guro. Pangkalusugan, Panlipunan, pantrabaho at panindustriya
 Pagtukoy ng mga lugar na paglalagyan ng Negosyo
 Pagpapalagay ng dami ng kailangang produkto , serbisyo, at manggagawa

Mga Ahensya ng Gobyerno sa Pilipinas na tumutulong sa


pag-aaral ng populasyon:

1. PSA o Philippine Statistical Authority

 Ito ay ahensiyang nangangasiwa sa pagtatala ng kabuuang bilang o


populasyon ng bansa

2. Commission on Population and Development (POPCOM)


 Isang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas na nagpapakilos at tumutulong sa
pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon.
 Sila rin ang nagbibigay ng programa para sa pagpaplano ng pamilya,
Karapatan sa reproductive at pagpapalawak ng kaalaman sa kalusugan at
tungkol sa populasyon.

Mapa ng Populasyon

Ito ay ginagamit upang tukuyin ang kapal at dami


ng populasyon sa isang lugar batay sa pananda nito
Mga Salik sa pagsusuri ng populasyon na mga
naninirahan sa bansa:
1. Antas ng paglaki ng Populasyon ( Population Growth Rate)
 Sinusuri rito ang pagtaas at pagbaba ng populasyon ng bansa ayon sa
 bilang ng ipinapanganak (birth rate),
 bilang ng mga namamatay (death rate)
 migrasyon o paglipat ng tao o grupo ng tao mula sa isang lugar
papunta sa ibang lugar. Ito ay dala ng globalisasyon. Dahil dito,
madaling nagkakaugnay ang ekonomiya ng mga bansa. Sa
pagdasa ng mga migrante, napapaunlad nila ang lokal na
ekonomiya.

Panloob at Panlabas na migrasyon:


Immigration – tumutukoy sa pagdating ng mga tao sa isang bansa na
hindi nila orihinal na pinanggalingan
Emigration – tumutukoy sa pag-alis o pangingibang bansa mula sa
orihinal na bansa.

2. Komposisyon ng Populasyon
 Sinusuri rito ang populasyon sa bansa ayon sa edad at kasarian

Ang komposisyon ng populasyon ayon sa gulang ay binubuo ng


BATANG POPULASYON kung saan mas mataas ang bahagdan ng
mga nasa 0 hanggang 14 taong gulang.

Mga dulot ng pagkakaroon ng batang populasyon:


 Dadami ang lakas-paggawa sa mga darating na panahon.
 Mayroong hamon sa pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng
kabataan.

Binubuo naman ang komposisyon ng populasyon ayon sa gulang ng


MATANDANG POPULASYON kung mataas ang bilang ng
populasyon ng isang bans ana umaabot sa 60 gulang pataas.

 Dito, magkakaroon ng pagtaas ng gastusin sa pangangailangang


medical at benepisyo.

Ayon sa Philippine age breakdown ng taong 2020: Mas madami ang


bilang ng mga bata mula 0 hanggang 14 taong gulang

Ang mga bansang may maraming batang populasyon tulad ng


Pilipinas ay may mataas na CHILD DEPENDENCY RATIO.
Nangangahulugan na maraming bata ang umaasa sa mga
nagtatrabaho.

Ayon naman sa balangkas ng populasyon makikita ang mga datos


mula taong 2000 hanggang taon 2040 batay sa gulang at kasarian.

3. Distribusyon ng populasyon
 Ito ang tawag sa pagkakahati-hati ng populasyong naninirahan sa
isang pook

Ayon sa Total Population of Philippines by Region, ipinapahiwatig na


ang Region IV-A na kinabibilangan ng CALABARZON ang rehiyon
na may pinakamaraming bilang ng tao.

4. Densidad ng Populasyon
 Tinutukoy nito ang dami o kapal ng tao sa bawat kilometro
kuwadrado
Pormula sa pagkuha ng na kabuuang densidad:

 Napakahalaga ang makukuhang datos mula dito dahil malalaman


natin kung kaya pa ba suportahan ng isang bahagi ng Pilipinas ang
bilang ng dami ng tao na naninirahan dito.

Ano ang kahalagahan ng demograpiya?


 ito ang basehan sa mga plano ng pamahalaan tulad ng badyet na
ilalaan para sa mga pangangailangan ng mamamayan sa pamamagitan
ng pagtukoy ng bilang ng nanganganak at namamatay, tamang
pagkontrol sa pagdami ng tao at tamang pagtugon sa suliraning
angkop dito.

Iba pang salik sa pagtataya ng populasyon ng bansa:


1. Wika
2. Edukasyon
3. Pangkat-etniko
4. Relihiyon

You might also like