Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pag-unlad ng Wikang Pambansa ayon sa Panahon

 Sa panunungkulan ni Corazon C. Aquino


- Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala
bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang
pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay
halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating
pansariling wika.
- Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng
bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa
makabagong alpabetong Pilipino.
- Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan
ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito
ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman
at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.

 Sa panunungkulan ni Fidel V. Ramos


- Ito ang panahon ng globalisasyon kung saan umusbong ang mga
bagong teknolohiya. Nagkonsentreyt ang mga Pilipino lalung-lalo na
ang pamahalaan sa syensya at teknolohiya. Na karaniwan ng ang
wikang Ingles ang wikang ginagamit.

 Sa panunungkulan ni Joseph Estrada


- Iniangat ang kondisyong ekonomiko ng bansa sa pamamagitan ng de-
kalidad na edukasyon para sa mahihirap at gayun din para maihanda
ang mga kabataaan para sa global na kompetisyon subalit
nakapanlulumo dahil walang binabanggit tungkol sa wikang Filipino.

 Sa panunungkulan ni Gloria Macapagal Arroyo


- Hindi maitatago na marami ang sumusuporta sa paggamit ng wikang
Ingles sa pamahalaan at maging sa edukasyon.
- Naniwala silang kapag mahusay magsalita sa banyagang wikang ito,
malamang na magkamit ng mataas na posisyon sa gobyerno ang isang
tao. Kung komersyo naman ang pag-uusapan, inakalang ang
mahuhusay lamang magsalita ng Ingles ang maaaring
makipagnegosyo.

 Sa makabagong panahon
- Ang pag-usbong ng iba’t-ibang klase ng wika.
- Bekimon o Swardspeak. Gumagamit ng ilang salita mula
sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa
pangalan ng mga kilalang tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga
bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.
- Jejemon (Tagalog pagbigkas: [dʒɛdʒɛmon]) ay isang pop
kababalaghan kultura sa Pilipinas. Ayon sa Urban Dictionary ang
Jejemon ay isang tao "na pinamamahalaang upang pasamain ang
wikang Ingles sa punto ng kawalan ng kayang unawain.

RONELYN D. CANTONJOS
IV-15 BEED

You might also like