Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bonifacio:

Ang Unang Pangulo


Tauhan:

Andres Bonifacio (Santiago, Emmanuel) | Gregoria de Jesus (Malto, Andrea) | Jose Rizal (Martin,
Alwyne) | Emilio Jacinto (Manzanares, Enrico) | 3 Gomburza (Enggio, Cadayona, Abrasia) | Emilio Aguinaldo
(Hansley, Carlos) | Tandang Sora (Dauz, Hanna)

Layunin:

Layunin nito na ihatid sa manonood ang mga naging karanasan ni Andres Bonifacio noong siya ay
nabubuhay pa. Ipinakita rin ditto ang pamumuno niya sa himagsikan upang makuha ang kalayaan mula sa mga
kastila na matagal na nilang hinahangad.

Moral Values:

Sa kabila ng nakaambang panganib, dapat lang nating ipaglaban ang sariling atin at ang mga alam
nating tama.

Maging mapagmahal sa sariling bayan gaya ng ginawa ng ating mga bayani, kabilang na si Andres
Bonifacio.

Banghay:

• Simula: Nakita ni Andres Bonifacio ang pagbitay sa tatlong paring Gomburza noong kanyang kabataan.
Pinaratangan sila na nagrerebelde sa mga kastila. Dahil sa pangyayaring iyon, maagang namulat si Andres
Bonifacio sa pang-aalipin ng mga kastila sa bayan ng Pilipinas.

• Suliranin: Nanakop ang mga kastila sa loob ng napakahabang panahon (300 years).

• Saglit na Kasiglahan: Itinatag nila ang La Liga Filipina na may hangaring ipamulat sa lahat ng Pilipino ang
ginawang pang-aalipin ng mga kastila.

• Tunggalian: Tao laban sa Lipunan; Tao laban sa Tao

• Pataas na Pangyayari: Dumating ang balita na namatay na si Dr. Jose Rizal kaya napagpasyahang itatag ang
katipunan upang ipaglaban ang mga Pilipino mula sa pang-aalipin. Sabay-sabay nilang pinunit ang sedula na
humahawak sa kanila simbolo ng pag-aalsa.

• Kasukdulan: Nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga kastila upang makamit ang kalayaan sa pangunguna ni
Andres Bonifacio.

• Kakalasan: Nahuli si Andres Bonifacio at nilitas ng napakatagal na panahon. Hinatulan si Andres Bonifacio na
isang taksil kaya kapasyahan ng hukuman na siya ay lapatan ng parusang kamatayan

• Wakas: Namatay si Andres Bonifacio sa Cavite ngunit naiwan niya ang damdaming may hangad ng kalayaan.

Pananaw: Pangatlong Tauhan - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.

Tema: Kabayanihan ni Andres Bonifacio noong panahon ng pananakop ng mga kastila.


Damdamin: Matapang, damdaming pagrerebelde, at malungkot.

Pananalita: Agresibo na kung minsan ay pabulong at minsan ay pasigaw.

Simbolismo:

• Bolo: Sumisimbolo ito sa himagsikan at tapang ng katipunan noong araw ng pananakop ng mga kastila.

• Sedula: Sumisimbolo ito sa pang-aalipin ng mga kastila sa mga Pilipino

• Pagpunit sa Sedula: Sumisimbolo ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kastila.

Buod:

Nagsimula ang lahat nang makita ng batang Andres Bonifacio ang pagbitay sa tatlong paring Gomburza.
Dahil sa pangyayaring iyon, maagan s’yang namulat at nagkaroon ng hangarin na makuha ang kalayaan mula
sa kamay ng mga kastila.

Nabuo ang La Liga Filipina. Binigyan nila ng dahilan ang bawat Pilipino na naalipin ng hangaring makuha
ang kalayaang matagal na nilang hinahangad. Kabilang na rito si Dr. Jose Rizal. Kalaunan, namatay si dr. Jose
Rizal at doon na nabuo ang katipunan na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Nagsimula ang himagsikan at
dumaan ang digmaan sa pagitan ng mga kastila at mga Pilipino. Nadakip si Andres Bonifacio at nilitis ng
napakatagal na panahon. Sa bandang huli ay nahatulan din siya ng kamatayan. Namatay siya sa Cavite ngunit
iniwan n’ya ang damdamin ng tunay na Pilipino na may hangarin ng kalayaan.

You might also like