Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Ano ang Pangngalan (Meaning)?

Ang pangngalan ay salita o isang bahagi ng pangungusap na


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pook at
pangyayari. Ito rin ay maaring nagpapakilala ng isang kaisipan o
konsepto.

Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.

Ito ay bahagi ng pananalita na maaaring makita sa unahan,


gitna, or dulo ng pangungusap. Mayroon itong dalawang (2) uri.

Tara at kilalanin natin ang mga ito at ang iba pang dapat mong
malaman tungkol sa pangngalan.

Mga Uri ng Pangngalan

Ang dalawang uri ng pangngalan ay pangngalang pantangi


(proper noun) at pangngalang pambalana (common noun).

Pantangi

Ang pangngalang pantangi o proper noun sa Ingles ay


tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, bagay, pook, hayop,
lugar, pangyayari, o kathang-isip na ibinubukod sa kauri nito. Ito
ay nagsisimula sa malaking titik.

Tinitiyak nito na hindi maipagkamali ang tinutukoy na


pangngalan sa iba.

Halimbawa ng Pangngalang Pantangi

Narito ang mga halimbawa ng pangngalang pantangi:

1. Si Agnes ay may dalawang tuta na binili nya sa Pawrent


Pet Store.
2. Kumuha si Robert ng apat na garapon ng Strawberry
Jam mula sa kanilang palamigan.
3. Kinain ni Bantay, na aso ni Maria, ang kanilang ulam sa
lamesa.
4. Ang World War II ay isa sa mga makasaysayang
pangyayari, di lamang sa Pilipinas, kundi sa buong
mundo.
5. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan
lamang sa mga sikat na libro na isinulat ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
6. Si Juan Luna, na isang tanyag na pintor, ang gumawa
ng Spoliarium.

Pambalana

Ang pangngalang pambalana o common noun sa Ingles ay ang


pangngalan na ginagamit sa pagtukoy sa pangkalahatang
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar, pangyayari, at iba pa.

Hindi gaya ng pangngalang pantangi, ang pangngalang


pambalana ay nagsisimula laman sa maliit na titik. Ito ay may
dalawang (2) uri.

Mga Uri ng Pambalana

Konkreto

Ang konkretong pambalana ay ang mga pangngalan na nakikita,


nahahawakan, nalalasahan at iba pang nagagamitan ng
pandama. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng
mga pangungusap na may konkretong pambalana.

1. Si Maricris ay mahilig kumain ng iba’t-ibang gulay at


prutas.
2. Kumuha siya ng halaman para sa kanyang hardin.
3. Ang kanyang yaya kay labinlimang taong nang
naninilbihan sa kanila.
4. Sa parke daw makikita ang rebulto ng ating
pambansang bayani.
5. Nag-iisang anak na lalaki ang kanyang pamangkin
kaya’t nasa kanya ang lahat ng atensyon.

Di-Konkreto

Ang di-konkretong pambalana naman ay ang mga pangngalan


na hindi nahahawakan, nakikita, o nahihipo, at nararamdaman
lamang. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o kondisyon.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng mga


pangungusap na may di-konkretong pambalana.

1. Isang pandemya na naman ang pume-perwisyo sa atin.


2. Ang gyera sa Ukraine at Russia ay labis na nakaka-
apekto sa ating mundo.
3. Makulimlim na naman ang panahon kaya hindi na
naman ako makakapaglaba.
4. Labis ang kanyang kasiyahan noong nakita niyang muli
ang kanyang mga alaga.
5. Gutom ang kanyang inabot dahil tanghali na siya
nagising.

Kayarian ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may apat (4) na kayarian o anyo. Ito ay payak,


maylapi, inuulit at tamblan. Halina’t tuklasin natin ang mga ito.

Payak

Ito ang pangngalan na binubuo ng salitang-ugat laman at hindi


nilalagyan o ginagamitan ng panlapi. Ang mga sumusunod ay
mga pangungusap na may payak na pangngalan.

1. Ang bunga ng kanilang mangga ay matamis.


2. Sa panahon ngayon, mas mabuti yung malusog tayo.
3. Ilang taon na din ang nakalipas simula noong nangyari
ang kanilang away.
4. Ang mga mata niya ay nanliliksik sa galit.
5. Muntik ng makawala ang kanilang ibon noong
napabayaan nila ang hawla nito.

Maylapi

Ito ay pangngalan na binubuo rin ng salitang-ugat ngunit may


panlapi na madalas makikita sa unahan, gitna, at hulihan ng
salita.

Ang mga sumusunod ay mga pangungusap na may pangngalang


maylapi.

1. Isang makamandag na ahas ang gumulat sa kanya


noong naglalakad siya pauwi.
2. Pagtitinda ng gulay at isda ang kabuhayan ng mga
residente sa kanilang lugar.
3. Pauwi na siya noong nakasalamuha niya ang kanilang
kapitbahay.
4. Dapat na pagtuonan ng pansin ang edukasyon ng
ating mga kabataan.
5. Makikita mo ang kanyang kasiyahan noong sinurpresa
siya ng kanyang mga anak.

Inuulit

Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng isang salitang-


ugat (na mayroon o walang dagdag na panlapi) o ng unang
dalawang pantig ng salitang-ugat.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga pangungusap na may


inuulit na pangngalan.

1. Gabi-gabi silang naglalaro ng basketball sa kanilang


bakuran.
2. Ang sabi-sabi raw ay may kasal na siya noong isang
taon pa.ng sabi-sabi raw ay may kasal na siya noong
isang taon pa.
3. Araw-araw siya namimitas ng mga bulaklak sa kaniyang
hardin.
4. Pana-panahon talaga ang swerte sa ating buhay.
5. Bali-balita sa amin na tumaas raw ang baha sa
kabilang baryo.

Tambalan

Ito naman ang pangngalan na binubuo ng dalawang


magkakaibang salita na pinagsama. Ang sumusunod ay
halimbawa ng mga pangungusap na may pangngalang tambalan.

1. Ang kanilang kapitbahay ay may nilulutong adobo.


2. Agaw-eksina ang kanyang suot noong pumunta siya sa
rally.
3. Hatinggabi na siya nakauwi mula sa kanyang trabaho.
4. Mahirap maglakad kung nakasunod ka sa isang lakad-
pagong.
5. Huwag niyo siyang biruin kasi siya ay isang balat-
sibuyas.

Kailanan ng Pangngalan
Ang kailanan ng pangngalan ay tumutukoy kung ilan ang
tinutukoy na pangngalan. Mayroon itong tatlong klase: isahan,
dalawahan, at lansakan o maramihan.

1. Isahan – ito ay mga salita o pangngalan na likas na


nag-iisa lang ang bilang.
2. Dalawahan – ito naman ay mga salita o pangngalan na
may dalawang bilang o kadalasan na magka-pares.
3. Maramihan o Lansakan – ito naman ay mga salita na
may tatlo o higit pang bilang. Ito ay kadalasang may
ka-grupo o nabibilang sa isang grupo.

Narito ang ilang halimbawa ng mga pangungusap na nagsasaad


ng kailanan ng pangngalan.

1. Ang kwaderno ni Matt ay ipinasa niya sa kanyang guro.


2. Kumuha si Andrew ng niyog mula sa puno sa kanilang
lupain.
3. Sina Anthony at Karl ay sabay na nakarating sa finish
line sa isang karera sa kanilang baryo.
4. Ang magkaklase na sina Lexi at Nicole ay parehong
nakakuha ng pinakamataas na marka sa pagsusulit.
5. Sumali sina Robert, Angel, at Jade sa grupo ng mga
kabataan na naglalayong isulong ang kanilang
karapatan sa wastong edukasyon.
6. May kumuha sa tatlong bulig ng saging sa kanilang
kapitbahay.

Kasarian ng Pangngalan

Ang kasarian ng pangngalana ay nagbibigay ng kasarian sa


pangngalan na tinutukoy sa pangungusap. Mayroong apat (4)
kasarian ang pangngalan. Patuloy na magbasa at sabay-sabay
nating alamin ang mga ito.

1. Panlalaki – ito ang pangngalan na tumutukoy o


ginagamit sa mga lalaking tao o hayop.
2. Pambabae – ito naman ang pangngalan na tumutukoy
o ginagamit sa mga babaeng tao o hayop.
3. Di Tiyak – ito naman ang pangngalan na tumutukoy o
ginagamit sa mga pangngalan na hindi tiyak ang
kasarian.
4. Walang Kasarian – ito naman ang pangngalan na
tumutukoy o ginagamit sa mga pangngalan na walang
kasarian tulad ng bagay, pook o lugar, at pangyayari.
Basahin ang mga sumusunod na halimbawa upang mas lalo
ninyong maintindihan ang kasarian ng pangngalan.

1. Ang hari sa Thailand ang isa sa mga mayaman at


makapangyarihan na tao sa buong mundo.
2. Si Mang Tomas ang tatay ni Maria.
3. Ang binibini na yun ang isa sa mga pinakamaganda sa
barangay nila.
4. Nakita niya ang mga litrato ng kanyang lola noon ito’y
dalaga pa lang.
5. Matalik na kaibigan ni Jose si Pedro kaya lagi silang
magkasama.
6. Isang mag-aaral ng Silliman University ang nakakuha
sa pinakamataas na marka sa kakatapos lang na
Nursing Board Exam.

Kaukulan ng Pangngalan

Mayroong tatlong kaukulan ang pangngalan. Ito ay ang palagyo,


palayon at paari.

Palagyo

Sa kaukulang ito masasabi ng isang mambabasa kung ang


pangngalan ay ginagamit bilang simuno ng pangungusap,
pantawag, kaganapang pansimuno, o pangngalang simuno.

Upang mas lalo nating maiintindihan ang mga ito, narito ang
kahulugan at mga halimbawang pangungusap na may palagyo
na kaukulang pangngalan

Simuno ng Pangungusap

Ang pangngalan na pinag-uusapan ay makikita sa simula o


bandang unahan ng pangungusap.

Halimbawa:

● Si Michaela ang kumuha ng mga labahan sa sampayan


noong biglang umulan sa kanila.

Pantawag
Ang pangngalan sa pangungusap ay ginagamit bilang pantawag
sa taong tinutukoy.

Halimbawa:

● Angel, ilang pirasong mansanas ang kinuha mo mula sa


lamesa?

Kaganapang Pansimuno

Ito naman ang salitang nasa bahagi ng panag-uri at may


kaugnayan sa simuno ng pangungusap.

Halimbawa:

● Si Lexi ay isang mabait at matalinong bata.

Pangngalang Simuno

Ito ay ang pangngalan na nakaugnay sa simuno ng


pangungusap.

Halimbawa:

● Si Lexi, na isang mabait at matalinong bata, ay


nakatanggap ng medalya sa kanilang paaralan.

Palayon

Ang pangngalang palayon ay ginagamit bilang layon ng pang-


ukol at layon ng pandiwa.

Layon ng Pang-ukol

Ang pangngalan na ito ay pinaglalaanan ng salitang kilos na


ginawa at sumusunod sa isang pang-ukol.

Halimbawa:

● Ang prutas na pinitas niya ang para sa kanyang nanay.

Layon ng Pandiwa
Ito naman ang pangngalan na tumatanggap sa salitang kilos sa
isang pangungusap.

Halimbawa:

● Kumuha ng bulaklak si Anton para kay Maria.

Paari

Nagiging paari lamang ang isang pangngalan kung ang salitang


sinundan nito ay isa ring pangngalan. Ito ay nagpapakita na ang
pangalawang pangngalan ang siyang may-ari ng unang
pangngalan.

Halimbawa:

● Ang bahay nila Samantha ay muntik nang masira dahil


sa malakas na hangin dala ng bagyo.

Katuturan ng Pangngalan

Tahas

Ito ay tiyakang tumutukoy sa pinangngalanan. Ang mga


pangngalan na tinutukoy ay nararanasan ng isa sa mga limang
pandamdam (paningin, pang-amoy, pandinig, panglasa, at
pandamdam) at may pisikal na pandamdam.

Halimbawa:

● Ang mga laruan ni Anton ay nagkalat sa kanilang sala.

Lansak

Ito ay pangngalang tumutukoy sa isang karamihan o kalipunan,


maaring maylapi o wala.

Halimbawa:

● Isang pangkat ng mag-aaral ang pumunta sa Baguio


para sa kanilang field trip.

Basal
Ito ay pangngalang laging nasa anyong payak at tumutukoy sa
mga kaisipan o konsepto ng hindi nararanasan ng limang
pandamdam at walang pisikal na katangian.

Halimbawa:

● Nasa isip lamang niya ang kanyang mga gagawin at


hindi pa niya sinimulang gawin.

Hango

Ito ay nakabatay o nakabase sa isang salitang basal o hango sa


dayuhang salita.

Halimbawa:

● Isang palaisipan pa rin hanggang ngayon kung ano


ang tunay na nangyari sa kanyang nawawalang
kapatid.

Patalinghaga

Ito ay pangngalan na di-tuwirang tumutukoy sa pinag-uukulan ng


salita kundi sa katulad o halimbawa nito.

Halimbawa:

● Ang ilaw sa kanilang kinabukasan ay ang kanilang mga


guro.

Mga Gamit ng Pangngalan

Ang pangngalan ay ginanagamit sa pangungusap bilang simuno,


pantawag, pamuno, kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa at
layon ng pang-ukol.

Simuno

Ginagamit laman ang pangngalan bilang simuno kung ang


pangngalan na tinutukoy ay paksa sa pangungusap.

Halimbawa:
● Ang aso ni Geraldine ay isang Shih Tzu.

Pantawag

Ito ay nangyayari kung ang pangngalan ay tinatawag o


binabanggit sa pangungusap.

Halimbawa:

● Angel, kailan ka pala pupunta ng bayan?

Pamuno

Tinatawag lamang itong pangngalang pamuno kung iisa lamang


ang simuno at isa lang ang pangngalang parte ng paksa.

Halimbawa:

● Ang Calachuchi, na isang mabangong bulaklak, ay


madalas makikita sa mga beach resorts.

Kaganapang Pansimuno

Tinatawag laman itong kaganapang pansimuno kung iisa lamang


ang simuno at isa pang pangngalang parte ng panaguri.

Halimbawa:

● Ang Victoria Secret ay isang sikat na tatak sa buong


mundo.

Layon ng Pandiwa

Tinatawag din itong tuwirang layon. Ito ay pangngalang


tumatanggap ng kilos.

Halimbawa:

● Nagluluto siya ng champorado dahil angkop itong


kainin sa malamig na panahon.

Layon ng Pang-ukol
Ito ay ang pangngalan na kasunod ng pang-ukol at kinukumpleto
nito ang kahulugan ng pang-ukol.

Halimbawa:

● Tungkol sa Pangngalan ang artikulo na ito.

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng


kilos, aksyon, o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga
pandiwa ang nagbibigay kahulugan o buhay sa loob ng isang
pangungusap.

Ang pandiwa ay binubuo ng salitang ugat na kalaunan ay


pinupunan o dinudugtungan ng isa o higit pa na bilang ng mga
panlapi.

Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na verb.

PAGBABALIK ARAL!

Alam naman natin na ang panlapi ay isang kataga o mga kataga


na kinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng isang salitang ugat
upang makabuo ng isang panibagong salita.

Ang mga panlaping ginagamit sa mga pandiwa ay tinatawag na


magkadiwang panlapi. Dahil sa paggamit ng mga makadiwang
panlapi nagkakaroon rin ng bagong diwa ang mga payak na
salitang pandiwa.

Layunin tungkol sa mga iba’t ibang uri ng gamit sa Pandiwa

Bilang bahagi ng pag-aaral sa paksa na ito, ikaw ay inaasahang


matuto sa mga sumusunod na layunin;

1. Malalaman mo kung ano ang pagkakaiba ng tatlong


gamit ng pandiwa.
2. Matutukoy mo ang angkop na gamit ng pandiwang
gagamitin sa mga pangungusap.
3. Maaari mong magamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay ang mga aralin na matutunan mo tungkol
sa tatlong angkop na gamit ng pandiwa.
Gamit ng Pandiwa

Bukod sa pagsasaad at paglalarawan nito ng mga kilos o aksyon,


ito rin ay nagpapahayag ng mga karanasan at mga pangyayari
na puwede nating mailarawan gamit ang mga salitang pandiwa.

1. Pandiwa bilang Aksyon


2. Pandiwa bilang Karanasan
3. Pandiwa bilang Pangyayari

Pandiwa bilang Aksyon

Nagpapahayag ito ng aksyon kung ito’y may tagaganap ng


askyon. Mayroong aksiyon ang pandiwa kung may elemento ng
pangunahing tagaganap, tagagawa o tinatawag na aktor ng
isang kilos o galaw.

Ang simuno o ang paksa ng pangungusap ang pangunahing


tagaganap o tagagawa. Ang actor ng mga pandiwa ay maaaring
tao, bagay o hayop.

Ito ay mabubuo sa tulong ng mga panlaping um, mag, ma-,


mang-, maki-, at mag-an.

Mga Halimbawa:

● Tumahan ang bunsong kapatid sa pag-iiyak nang


dumating ang kanyang ama. (Ang tumahan ay ang
salitang pandiwa habang ang bunsong kapatid ang
aktor o tagaganap.)
● Kahit hindi maganda ang bungad ng panahon
naglakbay parin ang mga magsasaka patungong
bukid. (Ang naglakbay ay ang salitang pandiwa habang
ang mga magsasaka ay ang tagaganap.)
● Tumalima si Khyle sa mga hinihingi ni Jam. (Tumalima
ay ang salitang pandiwa habang si Khyle ay ang
tagaganap.)
● Tumalon ang pusa sa kariton na sinasakyan nito.
(Tumalon ay ang salitang pandiwa habang ang pusa ay
ang tagaganap.)
● Tinalon ni Christian ang mahabang pader para
masilayan ang minamahal na dalaga. (Tinalon ay ang
salitang pandiwa habang si Christian ay ang
tagaganap.)
● Hiniwalayan ni Mary ang kanyang pinakamamahal na
kasintahan. (Hiniwalayan ay ang salitang pandiwa
habang si Mary ay ang tagaganap.)

Pandiwa bilang Karanasan

Ang pandiwa bilang karanasan naman ay kadalasang


naipapahayag kapag may damdamin ang pangungusap. Dahil
dito, may nakakaranas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.

Maaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin at


emosyon. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o
saloobin. Ang mga salitang ito ang nagsisilbing pandiwa ng isang
pangungusap.

Mga Halimbawa:

● Dahil sa malakas na hagupit ng bagyong Odette sa


Central Visayas, marami sa mga tao dito ay napilitan
ng lumikas sa ibang lugar. (Ang pandiwa na ginamit ay
lumikas at ang aktor ay ang mga tao.)
● Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang
pangyayari sa Luzon. (Ang pandiwa na ginamit ay
nalungkot at ang aktor ay ang lahat.)
● Naghihinagpis si Joseph sa pagkawala ng kanyang
pinakamamahal na alagang aso. (Ang pandiwa na
ginamit ay naghihinagpis at ang aktor ay si Joseph.)
● Umiyak si Jherico matapos siyang iwan ng kanyang
kasintahan. (Ang pandiwa na ginamit ay umiyak at ang
aktor ay si Jherico.)
● Nagalak ang mga mag-aaral sa lahat ng antas dahil sa
pagsususpende ng klase bungsod ng covid 19 noong
nakaraang Lunes at Martes. (Ang karanasang pandiwa
na ginamit ay nagalak, at ang aktor o tagaganapa ay
ang mga mag-aaral.)
● Ang aming alaga na si Palgas ay naglalambing sa akin
dahil gusto niyang lumabas ng bahay. (Ang karanasang
pandiwa na ginamit ay naglalambing, at ang
tagaganap ay ang aso na si Palgas.)

Pandiwa bilang Pangyayari

Ang pandiwa bilang pangyayari ay ginagamit upang matukoy


ang isang pandiwa ayon sa resulta ng isang pangyayari o
kaganapan na nakapaloob sa isang pangungusap.
Sinasalamin at inilalarawan ng mga pandiwang ito na sa bawat
aksyon na nangyayari ay may kaakibat na reaksyon na maaring
mangyari. Sa madaling salita, ang pandiwang ito ay ang resulta
ng isang pangyayari.

Mga Halimbawa:

● Tumawid ang matandang babae sa maling tawiran


kaya siya ay nahagip ng mabilis na sasakyan. (Ang
pandiwa na ginamit ay tumawid at ang pangyayari ay
nahagip.)
● Dahil sa malakas na hagupit ng bagyong Odette sa
iba’t – ibang parte ng Visayas at mindanao, marami sa
nga tao dito ay napilitan ng lumikas sa ibang lugar.
(Ang pandiwa na ginamit ay lumikas at ang pangyayari
ay pag hagupit.)
● Nahulog sa puno si Brendo dahil sa malakas na
pagyanig ng lindol. (Ang pandiwa na ginamit ay
nahulog at ang pangyayari ay ang pagyanig.)

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang gamit ng pandiwa bilang


aksyon, karanasan at pangyayari, simulan na nating pag-aral ang
pokus ng pandiwa at ang mga halimbawa nito.

Pokus ng Pandiwa at mga Halimbawa

Ang pokus ng pandiwa ay tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa


o simuno ng pangungusap. Ito ay naipapakita sa pamamagitan
ng taglay na panlapi ng pandiwa. Sa pagbabago ng panlapi ng
pandiwa, nagbabago rin ang Pokus ng Pandiwa ng pangungusap
ayun sa pandiwang ginagamit.

Ang Pokus ng Pandiwa ay may pitong (7) pokus:

1. Aktor-Pokus (Pokus sa tagaganap)


2. Pokus sa Layon
3. Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)
4. Benepaktibong Pokus (Pokus sa tagatanggap)
5. Instrumentong Pokus (Pokus sa Gamit)
6. Kosatibong Pokus (Pokus sa Sanhi)
7. Pokus sa Direksyon

Aktor-Pokus (Pokus sa tagaganap)


Ang Pandiwa ng Aktor-Pokus ay nasa pokus ng tagaganap kapag
ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad
sa paksa. Sa Aktor-Pokus na pandiwa, ang paksa o simuno ang
gumaganap ng kilos sa pangungusap. Sa pokus na ito, sinasagot
nito ang tanong na “sino?”.

Ginagamitan ito ng mga panlaping mag, um, mang, maka, ma,


makapag, maki, o magpa.

Mga Halimbawa:

● Maglilinis ng bahay si Cassandra dahil may dadating


na bisita ngayong linggo.
● Magbebenta si Lorane ng maja blanca sa eskwelahan.
● Umalis ng bahay si Tatay Emilio para bumili ng pagkain
para sa hapunan.
● Bumili si Khyle ng kagamitan para sa kanyang proyekto
sa paaralan.
● Manonod kami ng teleserye ni Mysie mamaya.

Pokus sa Layon

Ang pokus ng pandiwang ito ay kung ang layon ay ang paksa o


ang binibigyan diin sa sa pangungusap. Sa madaling salita, ang
paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “ano?”.

Ginagamitan ito ng mga panlaping in, i, ipa, ma, na, o an.

Mga Halimbawa:

● Inuwi ni John ang natirang pagkain galing sa piesta.


● Huwag mong kalimutan ipakain ang panghimagas na
nasa pridyeder.
● Ibigay mo nalang ang bayad sa aking kapatid.
● Lutuin mo ang natitirang karne sa ref.
● Inabot ni Tina ang libro sa itaas ng cabinet.

Lokatibong Pokus (Pokus sa Kaganapan)

Sa pokus ng pandiwang ito, ang paksa o simuno ng pangungusap


ay ang pinangyarihan ng kilos. Sa madaling salita, ang pandiwa
ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o
ganapan ng kilos. Sinasagot nito ang tanong na “saan?”
Karaniwang panlapi na ginagamit dito ay pag/ an, an/ han, ma/
an, pang/ an, mapag/ an, pinag/ an, o in/ an.

Mga Halimbawa:

● Malayo ang ospital na pinagdalhan sa naaksidente.


● Iyon ang plaza na pagdarausan ng kasal nila.
● Sa ilog naganap ang paglaban ni Datu Kadeo kay
Sultan Barak.
● Marahan niyang inihatid si Bella sa kwarto para ito’y
makatulog nang mahimbing.
● Iniwan ni Christian ang kanyang kapatid na nag-iisa sa
bahay.
● Sa labas ng unibersidad, pinagprotestahan ng mga
kabataan ang kanilang mga karapatan.

Benepaktibong Pokus (Pokus sa Tagatanggap)

Ginagamit ang pokus sa tagatanggap kung ang pinaglaanan ng


kilos ang siyang pokus sa pangungusap. Ito rin ay tumutuon sa
tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na “para
kanino?”

Karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping i, in, ipang, o ipag.

Mga Halimbawa:

● Ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Rita.


● Ibinili ni Samuel ng bibingka ang kanyang
pinakamamahal na ina.
● Inihain ni Ryan ang lechon baboy para sa graduation ni
Kyla.
● Maaga akong umuwi para ipaghain ng pagkain si tatay.
● Kami ang ipinagluto ni Sebastian ng masarap na
umagahan.

Instrumentong Pokus (Pokus sa Gamit)

Sa pokus na ito ang paksa ng pangungusap ay ginagamit na


kasangkapan sa pagsasagawa ng aksiyon. Sa madaling salita, ito
ay tumutukoy sa bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos
o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?”

Karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ipang o maipang.

Mga Halimbawa:

● Ipinanghampas ng matanda sa mga makukulit na bata


ang mahabang stick.
● Posporo ang ipinansindi ni Anna sa kahoy na gagamitin
sa pagluluto.
● Ipinanghiwa ni Patrick sa karne ang bagong kutsilyo.
● Ipinampalo ni tatay sa aking bunsong kapatid ang belt
na hawak nya.
● Ipinahid ni Senyang ang lumang panyo sa kanyang
sugat.

Kosatibong Pokus (Pokus sa Sanhi)

Sa pokus na ito ang paksa ng pangungusap ay ang sanhi o


dahilan ng aksyon. Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang
paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Kadalasang
sinasagot nito ang katanungan na “bakit?”.

Karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping i, ika, o ikina.

Mga Halimbawa:

● Ikinalungkot ng buong pamilya ang pagkatalo ni Lysa


sa sinalihang paligsahan.
● Ikinatuwa ni nanay ang natanggap na balita tungkol sa
aking pagpasa ng scholarship sa isang malaking
unibersidad.
● Iniyakan ni Silya ang pagkamatay ng pinakamamahal
niyang aso.
● Matigas ang ulo ni Pedro kaya siya iniwan ng kanyang
ina sa bahay.
● Ikagagalak ng kanyang ina kung makapagtatapos ng
pag-aaral si Lindo.

Pokus sa Direksyon

Sa pokus na ito, pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o


tinutongo ng kilos. Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “tungo saan o kanino?”

Karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping an, han, in, o hin.

Mga Halimbawa:

● Pinuntahan ni Bryan ang hospital kung saan naconfine


ang kanyang kasintahan.
● Sinulatan ni Cheska ng liham ang kanyang ina na nasa
abroad.
● Tinulungan ni Sam buhatin ang mga libro ni Patricia
papuntang silid aklatan.
● Pinasyalan namin ni Karen ang parke.
● Pinunasan ko ang kalat sa lamesa.

Ngayong alam na natin ang pitong uri ng Pokus sa pandiwa,


dumako na tayo sa susunod na parte ng pandiwa at ito ay ang
mga kaganapan ng pandiwa.

Ano ang Kaganapan ng Pandiwa?

Ang kaganapan ng pandiwa ay ang relasyon ng pandiwa sa


panaguri ng pangungusap. Isang paraan upang maipakita ang
maliwanag na ugnayan ng simuno at panguri ay ang paggamit
nito. Ang kaganapan ng pandiwa ay bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng ganap na kahulugan ng pandiwa.

PAGBABALIK ARAL!

Sa hindi pa alam kung ano ang panaguri, ang panguri ay ang


bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng detalye tungkol sa
simuno.

May pitong (7) Kaganapan ng Pandiwa:

1. Kaganapang tagaganap
2. Kaganapang layon
3. Kaganapang tagatanggap
4. Kaganapang ganap
5. Kaganapang kagamitan
6. Kaganapang direksyunal
7. Kaganapang sanhi
Kaganapang Tagaganap

Ito ang bahagi ng panaguri na gumaganap ng kilos na isinasaad


ng pandiwa. Ang pananda na ginagamit dito ay ni at ng.

Mga Halimbawa:

● Ikinatuwa ng mga taga Cebu ang pagkapanalo ni


Nicole Borromeo sa Binibining Pilipinas 2022.
● Kinakain ni Meranda ang champorado na luto ng
kanyang ama.
● Ikinalungkot ng buong pamilya ang pagtatapos ng ang
probinsyano.
● Pinuntahan ni Paul ang magandang dilag.
● Kinausap ni tatay ang matandang pulubi.

Kaganapang Layon

Ito ang bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o


mga bagay na tinutukoy ng pandiwa. Karaniwang ginagamit dito
ang panandang ng.

Mga Halimbawa:

● Tumanggap ng parangal sa unibersidad ang aking


kapatid.
● Namigay ng pera sa kalya si Manny Pacquiao.
● Si Jasmine ay bibili ng bagong cellphone ngayong
lunes.
● Kumain ng hipon na may kasamang mais si anna.
● Nagbigay ng pagkain si mayor sa mga pulubi.

Kaganapang Tagatanggap

Bahagi ito ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang


tumatanggap ng kilos ng pandiwa. Kalimitan ditong ginagamit
ang panandang para sa o para kay.

Mga Halimbawa:

● Nagbigay ng donasyon ang ABS CBN para sa mga


nasalanta ng malakas na lindol sa luzon.
● Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal para sa mga Pilipino.
● Inalay ng mga sundalo ang kanilang buhay para sa
kalayan ng mga Pilipino.
● Nagbenta ng kakanin si Nanay para sa aming pag-
aaral.
● Kumanta si Jeff para sa kanyang minamahal na
kasintahan.

Kaganapang Ganapan

Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na


ginaganapan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamit na
panandang sa.

Mga Halimbawa:

● Nagpunta kami ni lara sa Mall.


● Binisita namin si Kara sa Cebu.
● Maraming dayuhan ang pumunta sa Baguio.
● Namasyal sina Joseph at ang kanyang pamilya sa
Parke.
● Naligo sa ilog ang pamilya ni Ella.

Kaganapang Kagamitan

Nagsasaad ang bahaging ito ng panaguri ng bagay o


instrumentong ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng panandang sa pamamagitan ng.

Mga Halimbawa:

● Nilinis niya ang mga kalat sa pamamagitan ng walis.


● Inabot niya ang manga sa puno sa pamamagitan ng
sungkit.
● Nakuha ni Daniela ang nakasabit na tsinelas sa
pamamagitan ng bato.
● Iniligtas ni Franko ang nalulunod na bata sa
pamamagitan ng salbabida.
● Sa pamamagitan ng posposo, napailaw ni Anna ang
kandila.

Kaganapang Direksyunal
Bahagi ito ng panaguri na nagtuturo sa direksyon ng kilos na
taglay ng pandiwa. Karaniwang ginagamit na pananda ang pang-
ukol na sa.

Mga Halimbawa:

● Ang telepono ni Jan ay naiwan sa loob ng sasakyan.


● Nahulog ni Kyla ang panyo sa kalsada.
● Para sa mga bata sa kalye ang pagkain na niluto ni
nanay.
● Pupunta si Petra sa Baguio bukas.
● Naglinis kami sa plaza.

Kaganapang Sanhi

Ang bahaging ito ng panaguri ay nagsasaad ng dahilan ng


pagkakaganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamit na pananda ang
pariralang dahil sa.

Mga Halimbawa:

● Napaiyak si Jose dahil sa matinding kasiyahan.


● Nagtagumpay si Via dahil sa kasipagan at diskarte niya
sa buhay.
● Hindi makapaniwala si Alex na tumalon si Barbie dahil
sa palaka.
● Naligo ng buong araw si Lloyd dahil sa init ng panahon.
● Tumakbo nang mabilis si Miguel dahil sa nakalimutan
niya ang sinaing.

Ngayong alam na natin ang pitong kaganapan ng pandiwa,


dumako na tayo sa susunod na parte ng pandiwa at ito ay ang
mga Aspekto ng pandiwa.

Ano ang Aspekto ng Pandiwa?

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap


o nangyari ang isang kilos o galaw. Inilalarawan nito kung ang
kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o kung
ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang ginagawa.

May apat (4) na aspekto ang pandiwa:

1. Aspektong Naganap o Perpektibo


2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan
3. Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)
4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)

Aspektong Naganap o Perpektibo

Ang aspekto na ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na


ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na
panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong
katatapos.

Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina,


noong isang taon, nakaraan at iba pa. Ginagamitan din ito ng
mga panlaping na, nag, um, at in.

Mga Halimbawa:

● Inayos ko na noong nakaraang araw ang mga dadalhin


ng kapatid ko para sa kanilang camping.
● Nakaalis na ang aking tatay papunta sa kanyang
trabaho.
● Kumain ako kahapon ng Hawaiian Pizza sa isang sikat
na restaurant.
● Noong 2005 ipinanganak ang aking kapatid na si
Jamilla.
● Dumating kanina ang aking pinsan galing Korea.

Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan

Ang aspekto na ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging


ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa
panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay
ginagamitan ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.

Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o


nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at
in.

Mga Halimbawa:

● Mamaya na tayo mag-usap dahil nagmamaneho ako


ngayon ng kotse sa CCLEX.
● Naglilinis ng kwarto si Jasmine para paghandaan ang
pagdating ng kanyang ina.
● Maganda ang bungad ng panahon ngayon, kaya ako
ay lalabas at mamamasyal.
● Wala si tatay nang ako dumating sa bahay. Ayon kay
nanay siya raw ay namamalengke.
● Iluluto ko ang paboritong pagkain ni tatay bilang
pasasalamat sa mga nagawa niya para sa aming
pamilya.

Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)

Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos o galaw ay hindi


pa nagagawa o nangyari. Ito ay plano pa lamang na gawin.
Tinatawag itong pandiwa ng panahunang panghinaharap o
aspektong magaganap pa lamang. Ito ay ginagamit ng mga
salitang tumutukoy sa panahon na darating pa lamang.
Halimbawa ng mga salitang ginagamit bago ang pandiwang ito
ay sa susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng panahon,
balang araw at iba pa.

Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.

Mga Halimbawa:

● Sa darating na linggo, walang makakapigil sakin


lumangoy buong araw sa swimming pool.
● Kapag dumami na ang miyembro ng ating klase,
seseryosohin na nila ang pag-aaral natin.
● Pagkatapos ko sa pag aaral ay makakabili rin ako ng
mga bagay na gusto ko balang araw.
● Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng adobo at
nilagang baboy.
● Kapag maganda ang sikat ng araw bukas ay susubukan
kong magjogging.

Perpektibong Katatapos (Kagaganap)

Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali


lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng
paggamit ng unlaping ka at pag-uulit ng unang katinig-patinig o
patinig ng salitang ugat.

Mga Halimbawa:

● Kalalabas ko lang ng mga libro galing sa silid aklatan.


● Kakanood ko lang ng bagong teleserye sa Netflix.
● Kabibili ko lang ng sapatos sa mall.
● Kakapanganak lang ng kaibigan kong si Maja.
● Katatapos lang iligpit ni Moira ang kalat sa kusina.

Tapos na tayong talakayin ang Apat na aspekto ng pandiwa.


Ngayon ay pag-aralan naman natin kung ano ang dalawang uri
ng pandiwa at tinig ng pandiwa bago mo tapusin ang artikulong
ito.

Mga Uri ng Pandiwa

May dalawang uri ng pandiwa ang Palipat at katawanin. Alamin


kung anong pagkakaiba ng mga ito sa bawat isa at mga
halimbawa nito.

Palipat

Ang pandiwang palipat ay hindi ganap o buo at


nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na tinatawag na
tuwirang layon.

Kailan nagiging palipat ang pandiwa?

Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon na tumatanggap ng


kilos. Ang mga salitang ng, mga, kay at kina ang kadalasang
tuwirang panlayon na ginagamit sa ganitong uri ng pandiwa.

Mga Halimbawa:

● Nagsabit ng babala sa harap ng kanyang kotse si


Analiza. (Ang pandiwa ay nagsabit habang ang
tuwirang layon naman ay ang babala).
● Sinulat ni Mary ang mga napag-usapan sa pulong.
(Ang palipat na pandiwa ay sinulat at ang mga salitang
sinulat ni Mary ang tinutukoy ng pandiwa.)
● Papunta kina Aling Ading ang kolektor ng buwis. (Ang
palipat na pandiwa ay papunta at ang mga salitang
kina Aling Ading ang tinutukoy ng pandiwa.)

Katawanin

Kailan nagiging katawanin ang pandiwa? Kabaliktaran ng palipat


ang katawanin. Ang pandiwang ito ay walang tuwirang layon na
tumatanggap nito. Ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang
ipinahahayag sa ganang sarili.

Mga Halimbawa:

Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o isang


pangyayari

● Nabuhay si Jesus.
● Si Christian ay ikinasal kay Maikha.
● Mga pandiwang likas na walang simuno
● Umuulan!
● Bumabaha!

Mga Tinig ng Pandiwa

Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung


simuno ang siyang gumaganap o bagay na ginaganap.

Dalawang Uri ng Tinig ng Pandiwa

Tahasan

Tinatawag itong tahasan kung ang simuno ay siyang tagaganap


ng pandiwa. Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may
isang tagatanggap ng kilos o galaw na tintatawag na tuwirang
layon.

Ang mga um, mag, mang, magpa, maki, at iba pa, ay karaniwang
ginagamit sa tinig na tukuyan.

Ma Halimbawa:

● Sinulat ni Bun Lakuza ang kwento ng mga bulak.


● Si Ana ang nagluto ng aming pananghalian.
● Si Jericho Silvers ang may akda ng paborito kong libro.
● Si Jed Madela ay umawit sa ASAP kanina.
● Pumunta si kuya sa mall para mamili ng mga gamit sa
paaralan.

Balintiyak
Ito ang kasalungat ng aspektong tahasan kung saan ang simuno
ay hindi gumaganap ng kilos o galaw. Kapag ang salitang
tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na
simuno at ang nasabing tagagaganap ay nasa hulihan ng
pandiwa.

Ang karaniwang pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na


balintiyak ay ang pangungusap na ang dating tuwirang layon ay
ang ginagamit na simuno.

Mga Halimbawa:

● Maayos kong ginawa ang proyekto ko sa paaralan.


● Ang magandang dokumentaryo sa telebisyon ay gawa
ni Atom Araullo.
● Ibinato ni tatay ang unan sa akin.
● Gumawa ng magandang komposisyon ng awit si ate
Moira.
● Masarap ang nilutong pagkain ni Aling Maris.

Buod sa Aralin Tungkol sa Pandiwa

Bilang isang pagbabalik aral sa ating sinimulan, ano nga ang


pandiwa?

Ang pandiwa ay parte ng pananalita o wika na nagsasaad ng


kilos, aksyon, o galaw ng isang tao, bagay o hayop. Ang mga
salitang pandiwa ang siyang nagbibigay kahulugan o buhay sa
loob ng isang pangungusap.

Ano ang Panghalip

Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang uri ng salita na


inihahalip o pamalit sa isang pangngalan na nagamit na sa isang
pangungusap o talata. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit
upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang
pangngalan. Mayroong pitong (7) uri ang panghalip.

Uri ng Panghalip

Ang pitong uri ng panhalip ay panghalip na panao, pananong,


panaklaw, pamatlig, pamanggit, paari at panghalip na patulad.

Panghalip na Panao
Ang panghalip na panao o personal pronoun sa Ingles ay
ginagamit na pamalit sa mga pangngalan na pangtao. Ito ay may
tatlong anyo at tatlong panauhan. Ang tatlong panauhan ay ang
mga sumusunod:

Mga Panauhan sa Panghalip na Panao

Ang mga panauhan sa panghalip na panao ay unang panauhan,


ikalawang panauhan at ikatlong panauhan.

Unang Panauhan

Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita.


Halimbawa nito ang mga salitang ako, ko, kita, tayo, natin, atin,
kami, at namin .

Ikalawang Panauhan

Ang pangalawang panuhan naman ay tumutokoy sa taong


kinakausap. Halimbawa nito ang mga salitang ikaw, ng, mo, iyo,
kayo, ninyo, at inyo.

Ikatlong Panauhan

Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan.


Halimbawa nito ang mga salitang niya, kanya, sila, nila at kanila.

Kailanan ng Panghalip na Panao

Mayroong tatlong kailanan ang panghalip na panao. Ito ay


isahan, dalawahan at maramihan.

Isahan

Ito ay ginagamit kung ang pangngalang pangtao na binabanggit


ay isa lang. Ang ako, ko, akin ay para sa unang panauhan. Ikaw,
ka, mo, at iyo naman para sa pangalawang panauhan. Siya, niya,
at kanya naman para sa pangatlong panauhan.

Dalawahan

Ito naman ay ginagamit kung ang binabanggit na pangngalan ay


dalawang tao lamang. Ito ay ang kita at tayo para sa unang
panauhan. Kayo at inyo para sa pangalawang panauhan. At sila
at nila/kanila para sa pangatlong panauhan.
Maramihan

Ito naman ay ginagamit para sa maramihan o grupo ng tao. Tayo,


kami, amin, atin, natin ay para sa unang panauhan. Kayo, inyo,
ninyo naman para sa pangalawang panauhan. Sila, nila, kanila
naman para sa pangatlong panauhan.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Panao

Upang mas lalo mong maintindihan ang ating aralin, narito ang
mga halimbawa ng panghalip na panao na ginagamit sa mga
pangungusap.

1. Si Anna ay may kapatid na tatlong babae at dalawang


lalaki. Siya ay may kapatid na tatlong babae at
dalawang lalaki.
2. Si Christopher at Richard ay kabilang sa stage play sa
kanilang paaralan. Sila ay kabilang sa stage play sa
kanilang paaralan.
3. Para sa atin naman itong ginagawa natin kaya tapusin
nalang natin ito.
4. Hindi ko naman siya pinabayaan habang siya ay
lumalaki.
5. Sa akin nalang muna siya titira habang inaayos pa ang
kanilang bahay.
6. Nakikita ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata.
7. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito.
8. Huwag mo naman akong iwan dito.
9. Hindi niya inalintana ang init ng panahon.
10. Sa kanya pa rin daw siya uuwi kahit pagkatapos ng
nangyari sa kanila noong isang linggo.
11. Sa iyo nakasalalay ang buhay ng kanyang anak.
12. Kami na ang bahala sa bahay habang wala kayo.
13. Tayo nalang ang magsabi sa kanya sa nangyari.
14. Kayo na ang bahala sa mga gamit dito sa paaralan.
15. Ibinibigay ko na sa inyo itong sasakyan ko.
16. Huwag ninyo akong alalahanin sapagkat malakas pa
naman ako.

Panghalip na Pananong

Ang panghalip na pananong ay ginagamit na panghalili sa


pangngalan sa patanong na paraan. Ito din ay tinatawag na
interrogative pronoun sa Ingles. Ito ay madalas makikita sa simula
ng tanong.
Dalawang Uri ng Panghalip na Pananong

Ang panghalip na pananong ay may maaaring isahan o


maramihan.

Isahan

Ito ay kinabibilangan ng mga salitang ano, alin, kanino, sino,


magkano, kailan, at saan.

Maramihan

Sa maramihan naman, ito ay inuulit-ulit laman tulad ng anu-ano,


alin-alin, ilan-ilan, kani-kanino, sinu-sino, magka-magkano, kai-
kailan, at saan-saan.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Pananong

Upang mas lalo mong maintindihan ang ating aralin, narito ang
mga halimbawa ng panghalip na pananong na ginagamit sa mga
pangungusap.

1. Alin sa mga prutas ang pinakamatamis?


2. Saan kaya pumunta ang kanyang nanay?
3. Magkano kaya ang kanyang sasakyan?
4. Kanino mo sinasabi ang iyong mga hinanakit sa
mundo?
5. Ano kaya ang kanyang kurso?
6. Sino ang kumuha ng saging sa lamesa?
7. Kailan kaya titigil ang ulan?
8. Anu-ano ang mga subject na kinuha mo ngayong
semester?
9. Alin-alin sa mga tanim ang gusto mong ilagay sa iyang
hardin?
10. Ilan-ilan kaya kanyang kukuning prutas?
11. Kani-kanino ka ba sasama kung pupunta kayo sa
dagat?
12. Sinu-sino sa inyo ang may mataas na marka?
13. Magka-magkano kaya ang binebenta nya sa kanyang
tindahan?
14. Kai-kailan kaya siya pupunta sa lungsod sa susunod na
buwan?
15. Saan-saan kaya sila pumunta noong nandito pa ang
anak niya?
Panghalip na Panaklaw

Ito naman ang panghalip na hindi tiyak o walang katiyakan.


Tinatawag itong indefinite pronoun sa wikang Ingles. Ito ay may
pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop sa kaisahan, dami o
kalahatan ng pangngalan na tinutukoy.

Ito ay mula sa salitang ‘saklaw’ na ibig sabihin ay pangsakop


kaya’t ito ay may pahiwatig na pangsaklaw. Ang mga halimbawa
ng salitang nagpapahiwatig ng pangsaklaw ay: bawat isa,
sinuman, alinman, saanman, anuman, ilan, at lahat.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Panaklaw

Upang mas lalo mong maintindihan ang ating aralin, narito ang
mga halimbawa ng panghalip na panaklaw na ginagamit sa mga
pangungusap.

1. Bawat isa sa kanila ay mayroong sekretong tinatago.


2. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.
3. Alinman sa mga aso ay pwede mong dalhin basta ito ay
bakunado.
4. Saanman kayo dadalhin ng panahon ay babalik pa rin
kayo sa inyong pinanggalingan.
5. Anumang gawin ninyo ay nakatingin ang Diyos sa inyo.
6. Ilan lang sa kanila ay may libro para sa kanilang klase
kaya hindi rin makakapagturo ng maayos ang kanilang
guro.
7. Lahat ng estudyante ay may dalang kwaderno para sa
kanilang pagsusulit.

Panghalip na Pamatlig

Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit na panghalili sa ngalan


ng tao, bagay at iba pa na tinuturo. Tinatawag itong
demonstrative pronoun sa wikang Ingles.

Uri ng Panghalip na Pamatlig

May apat na uri ang panghalip na pamatlig. Ito ay pronominal,


pahimaton, patulad at panlunan.

Pronominal
Ito ay pamalit laman sa mga pangngalan na ayaw nang ulit ulitin
pa. Kabilang sa pronominal na panghalip na pamatlig ay ang ito,
nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon.

Pahimaton

Ito ay humahalili sa mga pangngalan na itinuturo o tinatawag ng


pansin. Kabilang dito ay ang eto o heto, ayan o hayan, at ayun o
hayun.

Patulad

Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakatulad. Kabilang


dito ay ang mga salitang ganito, ganyan o ganiyan, at gayon o
ganoon.

Panlunan

Ito naman ay panghalili sa pook na kinaroroonan. Kabilang dito


ay ang mga salitang nandito o narito, nandiyan o nandyan,
nariyan, naroon, at nandoon.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Pamatlig

Narito ang mga halimbawa ng mga pangungusap na may


panghalip na pamatlig:

1. Ang pagsusulit na ito ay para sa mga estudyante ng


Filipino 4A.
2. Dito ninyo pwede kunin ang inyong marka para sa
semester na ito.
3. Iyan na pala ang hinihintay mong mga kaklase.
4. Kinukuha na nito ang kaniyang anak mula sa paaralan.
5. Ikaw ba ang kumuha niyan?
6. Diyan niya kinuha ang halaman para sa kanyang
hardin.
7. Iyon ang nararapat gawin para sa kanila.
8. Pupunta kami roon sa makalawa.
9. Doon nalang tayo umupo para walang disturbo.
10. Eto na naman yung lalaki sa kanto.
11. Ayan ka na naman sa iyong mga dahilan.
12. Ayun yung tao na kumuha ng mangga sa kanilang
bakuran.
13. Ganito katahimik kung walang batang naglalaro sa
labas.
14. Ganyan talaga kapag mayroon kang problema.
15. Ganoon lamang kanyang pagkadismaya noong
nalaman nya ang nangyari sa kaniyang pamilya.
16. Nandito na ang mga bagahe ngunit wala pa rin ang
aking pinsan.
17. Nandyan na ang eroplano na kanyang sinakyan galing
Manila.
18. Nariyan na ang tao na iyong hinihintay.
19. Naroon lamang siya noong may pera pa sila.
20. Nandoon lang pala ang gulay na kanyang hinahanap.

Panghalip na Pamanggit

Mula sa salitang ‘banggit’, ang panghalip na pamanggit ay


ginagamit na tagapag-ugnay ng dalawang pananalita o kaisipan.
Ito ay tinatawag na relative pronoun sa wikang Ingles. Ang mga
sumusunod ay ang mga panghalip na pamanggit: umano o
diumano, ani, daw, at raw.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Pamanggit

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pangungusap na may


panghalip na pamanggit.

1. Ang sabi niya umano sa kaniyang mga kasama ay


pwede silang magdaldalan habang nasa trabaho.
2. Diumano’y nakuha na nila ang kanilang bonus.
3. Ani niya’y nakuha laman siya dahil may tumulong sa
kaniya.
4. Sabi daw ni Aurora na siya ay matutulog muna.
5. Siya na raw ang bahala sa lahat ng kanilang bayarin sa
bahay.

Panghalip na Paari

Ang panghalip na paari ay nagsasaad ng pag-aari at inihahalili


sa pangngalan ng nagmamay-ari ng bagay. Ito ay tinatawag na
possessive pronoun sa wikang Ingles.

Sa panghalip na ito, may mga bagay na dapat mong tandaan.


Una, wala dapat itong ‘sa’ sa unahan. Halimbawa, huwag mong
sabihin na “Ang pluma na ito ay sa , kanya.” Sa halip ay sabihin
mong, “Ang pluma na ito ay kanya.”
Pangalawa, hindi dapat ito sinusundan ng pangngalan. At
pangatlo, dapat lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o
pagkatapos ng panandang ‘ay’ at sa unahan ng pangungusap
kung walang ‘ay’.

Uri ng Panghalip na Paari

May dalawang uri ang panghalip na paari. Una ay ang isahan. Ito
ay kinabibilangan mga salitang iyo, akin, at kanya. At ang
pangalawa ay ang maramihan. Ito naman ay kinabibilangan ng
mga salitang amin, atin, inyo, at kanila.

Halimbawa ng Panghalip na Paari

Ang sumusunod na mga pangungusap ay may halimbawa ng


panghalip na paari.

1. Iyo na ang papel na iyan.


2. Akin na ang libro na hindi mo na ginamit dahil
kailanganin ko.
3. Sa kanya sila kumukuha ng lakas para sa kanilang
araw-araw na gawain.
4. Sa amin sila nagsasabi ng kanilang mga hinanakit sa
buhay.
5. Ang puno ng mangga na nasa lupain na iyan ay atin.
6. Nasa inyo na ang desisyon kung kukuha kayo o hindi.
7. Sinabi ko na sa kanila ang mga bagay na gusto kong
sabihin.

Panghalip na Patulad

Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa paghahambing,


pagkukumpara, at pagtukoy ng mga salita, gawain, bagay, o
kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ganoon, ganito, at ganyan.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Patulad

Basahin ang mga halimbawa ng mga pangungusap na may


panghalip na patulad.

1. Ganoon lamang ang kanyang pagkalungkot noong


sinabihan siya sa tunay na nangyari.
2. Ganito dapit ang ginawa niya at hindi sana siya
nasama sa gulo.
3. Ganyan din ang ginawa ko noong ako’y estudyante pa
lang.

Mga Natutunan Natin Tungkol sa Panghalip

Sa pagkakataong ito, alam mo na ang mga iba’t-ibang uri ng


panghalip, paano at kailan ito gagamitin. Natutunan mo rin ang
mga halimbawa nito.

Sabay-sabay nating alalahanin ang ating mga natutunan tungkol


sa paksa.

Ang panghalip ay isang salita o mga salita na ginagamit upang


ipanghalili sa pangngalang tinutukoy. Mayroon itong pitong uri.

Ito ay ang panghalip na panao, panghalip na pananong,


panghalip na panaklaw, panghalip na pamatlig, panghalip na
pamanggit, panghalip na paari, at panghalip na patulad. Ang
panghalip na panao ay ginagamit sa paghalili sa pangngalang
pangtao.

Ito ay may tatlong anyo; ang isahan, dalawahan, at maramihan.


Meron din itong tatlong panauhan. Ang unang panauhan ay
tumutukoy sa nagsasalita. Ang pangalawang panauhan naman ay
tumutukoy sa kinakausap. At ang pangatlong panauhan ay
tumutukoy sa pinag-uusapan.

Ang panghalip na pananong naman ay ginagamit na panghalili


sa pangngalan sa patanong na paraan. Ito naman ay may
dalawang klase. Ang pananong na isahan at ang pananong na
maramihan.

Ang panghalip na panaklaw naman ay ang uri ng panghalip na


hindi tiyak o walang katiyakan.

Ang panghalip na pamatlig naman ay ginagamit na panghalili sa


pangngalan na tinuturo. Ito naman ay may apat na uri. Ang
pamatlig na pronominal, pahimaton o panawag pansin, patulad,
at panlunan.

You might also like