Ap 8 Kan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

1.

Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa


mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.
B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
2. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng
pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
3. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at
hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. Ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. Ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. Napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. Sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig
4. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong
tema ng heograpiya?
A. Interaksiyon C. Lokasyon
B. Paggalaw D. Rehiyon
5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?
A. Anyong lupa C. Anyong tubig
B. Imahinasyong guhit D. Estrukturang gawa ng tao
6. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula
sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar?
A. Lokasyon C. Lugar
B. Paggalaw D. Rehiyon
7. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkatetniko?
A. Klima C. Pinagmulan
B. Relihiyon D. Wika
8. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. Lahi C. Relihiyon
B. Teknolohiya D. Wika
9. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika
10. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban
sa:
A. Naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. Gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. Nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. Marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
11. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga
pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. Disiplinado C. Mapagtimpi
B. Maramot D. Matalino
12. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng
pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
13. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
14. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at
kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong
Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
16. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar
sa panahon ng Neolitiko?
A. Natutunan na ang pagmimina.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.
17. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal
18. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?
A. Nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. Madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
C. Naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
D. Pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan
19. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha
ng ilog.
20. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Egypt?
A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt.
B. Ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan
C. Ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong
daigdig.
D. Kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto.
21. Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan
ng pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?
A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
D. Nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang makapamuhay sa lambak ang
mga magsasaka.
22. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng
Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Egypt?
A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at
gawing pagkain.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o hindi
kaya ay subdivision.
C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang
mapalago ang ekonomiya.
D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng
pangangaso at camping.
23. Ano ang ibinunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago
sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. Nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
B. Nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. Nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
D. Humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakala
24. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?
A. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
B. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
C. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
D. Lahat ng nabanggit.
25. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at
hieroglyphics ng mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
26. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-unlad ng isang pamayanan?
A. Napapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan.
B. Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan.
C. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong
teknolohiya sa produksiyon.
D. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.
27. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong
sa paglinang ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
B. Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat.
C. Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy
ng oras.
D. Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o
komersiyo.
28. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos?
A. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.
B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
C. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at
pagtubo ng mga pananim
D. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at
pagpapatayo ng pook-sambahan.
29. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa
Mesopotamia?
A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.
30. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system
at iba pang uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
B. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
C. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
D. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.
31. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng
mga sinaunang kabihasnan?
A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay.
C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.
32. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang
panahon?
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.
D. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
33. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?
A. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
B. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
C. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.
34. Bakit itinayo ang Great Wall of China?
A. Depensa sa bagyo
B. Pananggalang sa baha
C. Depensa sa mga kalaban
D. Harang sa anumang kalamidad
35. Anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na
mummification?
A. China C. Egypt
B. India D. Mesopotamia

You might also like