Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pagbubuod ng "Ang Munting Bariles" ni Guy de Maupassant Ang kwento ay nagsimula sa

pagnanasang maangkin ni Jules Chicot ang lupain ni Nanay Magloire. Si Jules Chicot, isang
matalino at tusong negosyanteng lalaki na nasa edad apatnapu, ay ang tagapamahala ng
Spreville Hotel at may-ari ng mga lupaing katabi ng lupa ni Nanay Magloire, matandang nasa
dad pitumpu't dalawa subalit nagtataglay pa ng lakas ng isang kabataan. Ilang beses na niyang
inalok si Magloire na bilhin ang nasabing lupain ngunit palagi siya nitong tinatanggihan. Isang
hapon, binisita niya ulit ang matandang babe upang malpresenta ang bagong kasunduan. Inalok
niyang bilhin ang lupain sa halagang isang daan at limampung francs at magbibigay ng
tatlumpung crown buwan-buwan. Mananatiling pagmamay-ari ni Magloire ang lupain at patuloy
itong makakatanggap g salapi habang nabubhay pa ngunit lalagda ng isang kasulatang
nagsasaad a mapapasakamay ni Chicot ang lupain sa oras a mamatay si Magloire.Ang
kasunduang ito ay nagdulot ng pagkabalisa sa matanda. Bagamat natutuksong sumang-ayon,
humingi muna siya ng panahon upang pag-isipang mabuti ang kondisyon ng negosyante na
ipinagkaloob naman ng huli. Upang makagpasya ng maayos, siyay nagtungo sa isang abogado
at ipinakonsulta ang alok ni Chicot. Pinayuhan siya nitong tanggapin ang alok ng lalaki subalit
dapat siyang humiling ng limampung crown sa halip na tatlumpu dahil ang tantyang
pinakamababang presyo ng kaniyang lupain ay animnapung libong francs at kung mabubhay pa
siya ng labinlimang taon ay lalabas na apatnapu't limang libong francs lang ang magiging presyo
ng lupain. Bagamat ikinatuwa niya ang isiping makakakuha ng limampung crown buwan-buwan
nang wala man lang ginagawa, hindi pa rin nawala ang kaniyang pagkatakot at pagsususpetsang
baka may gagawing pandaraya o patibong si Chicot kasama ang alok na iyon kaya nagtagal pa
siya sa opisina ng abogado at nagtanong nang nagtanong hanggang sa makuntento. Nang.
muling bumalik si Chicot, kinumbinsi niya ang lalaki na sumang-ayon sa kaniyang naging
desisyon at pinilit pang magdagdag ng sampung crown. Sa hulity pumayag din si Chicot sa
nabuong kasunduan.Mabilis na lumipas ang tationg taon at malakas pa rin si Magloire na
ikinalungkot naman ni Chicot sapagkat naisip niyang baka umabot pa ng limampung taon ang
pagbabayad niya sa matanda. Sa tuwing daraan siya sa bahay nito at nakikita ang tusong ngiti ni
Magloire ay hindi niya maiwasang magngingit sa galit dahil pakiramdam niya ay naisahan siya
nito. Mas lalo pang tumindi ang kaniyang nararamdamang galit hanggang sa puntong nakaisip
siya ng masamang plano. Isang araw, dinalaw niya si Magloire sa tahanan nito upang anyayahan
sa isang hapunan na tinanggap naman ng huli.Kinabukasan, agad itong nagtungo sa kaniyang
bahay pagkatapos mamalengke. Marami siyang inihandang pagkain a hindi masyadong ginalaw
ni Magloire sapagkat hindi Ito malakas kumain. Sa pagkadismaya ay nag-alok na lamang siya ng
alak na hindi naman tinanggihan ng matanda. Agad nga itong nasarapan nang matikman ang
espesyal na Ang "Ang Munting Bariles" ay isinulat ni Guy de Maupassant, siya rin ang
tinaguriang Ama ng modernong maikling kuwento. Isa sa sikat na kwento na isinulat niya ay ang
"Ang Munting Bariles". Ang kwentong ito ay tungkol sa paano kinuha ng mapangahas na
negosyanteng si Jules Chicot ang lupain na inaari ng matandang si Nanay Magliore. Inimbitahan
niya si Nanay Magliore upang uminom ng alak. Nagustuhan ito ng matanda at kalaunan ay
nalulong ito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay

You might also like