Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Assumption College of Nabunturan

Arellano St. nabunturan, Davao de Oro

Rufo C. dadap Jr.

00366 F. lit 104 Panitikang Rehiyon

Gng. Celestina C. Garces

Oktobre 09, 2023


BUOD NG MARAGTAS (EPIKONG BISAYA)

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si


Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring
pinupugayanng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng
mga Datu na nasa ilalim niya. Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu
Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang Sultan. Nalaman ni Datu
Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na Datu na
manlaban kay Sultan Makatunao. Nag usap-usap silang palihim. Naisipan din nilang
humingi ng tulong kay Datu Sumakwel. Si Datu Sumakwel ay mabait, magalang at
matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami siyang alam
kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si
Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban nan ais nilang gawin. Ayaw ni Datu
Sumakwel sa balak na paglaban. Pinuntahan ni datu Sumakwel si Datu Puti. Si Datu
Puti ay punong Ministro ni Sultan Makatunao. Sinabi ni Datu Sumakwel ang suliranin
ng mga Datu at ang balak na paglaban. Ipinasya nina Datu Sumakwel at Datu Puti
ang palihim na pag-alis nilang sampung Datu sa Borneo.
Hindi nila magagapi si Sultan Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami
ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang
kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring
pamuhayan nila ng Malaya at maunlad. Sila’y mararangal na Datu na mapagmahal
sa Kalayaan. Nagpulong nang palihim ang sampung Datu. Sila’y tatakas sa Borneo.
Palihim silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o
barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong
paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at
banhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain.
Madalas ang pag-uusap ni Datu Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghahanap ng bagong lupain.
Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na pinuno, ang mga Datung hahanap ng
malayang lupain. Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw
at gabi nilang paglalakbay, narrating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang
pangalan nito ay Aninipay. Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad at Nakita niya ang
isang Ati. Siya ay katutubo sa Pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at
sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Putin na marunong ng Wikain ng
Katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa Pulong iyon at kung saan ito
nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay Marukido na silang mga Bisaya mula Borneo ay
nais makipagkaibigan. Si Mariludo ang siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting
pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay.
Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa
pagiging matapat at matulungin sa kapwa.
Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at
ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa
baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinangap ni
Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating.
Ipinaliwanag ni datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sap ulo ng Aninipay.
Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang
kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang
makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.
Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si
Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating
mula sa look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo
na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo
ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog
ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampiti at
insenso. Ang mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay.
Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita ng maraming pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog
ang mga Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol habang ang mga lalaki naman
ay nagsayaw pandigma, ang sinurog. Matapos nito ay binigyan ni Datu Puti si
Marikudo ng gintong salakot at gintong batya. Nakita ni Maniwantiwan ang
mahabang kuwintas ni Pinampangan at gusto niya itong makuha at ibinigay naman
ito ni Pinampangan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang killing (Abril o buwan ng
pagtatanim) ay mababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo
( Oktubre o buwan ng pag-aani). Binigyan ng mga Ati ang mga Bisaya ng lupang
kapatagan at bahay at ang mga Ati ay lumipat sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang
kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at
katulong ay tumira sa aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong
at asawang si Panulanon at kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May
mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng
mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog,
Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman
maninirihan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si
Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti
ang isa at ang dalawa pa ay sa dalawang Datu na sina Datu Domingsel at Datu
Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatalong barangay sa
look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang Datu na dito na sa Taal manirahan kasama
ang mga “Taga-ilog”. Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti at
Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
MGA ARAL NA MAPUPULOT SA EPIKONG MARAGTAS

(ISANG EPIKONG BISAYA)

1. Maging Mabuti sa iyong nasasakupan para ikaw ay kanilang mahalin


bilang pinuno.
2. Igalang ang mga kababaihan katulad ng iyong paggalang sa yong ina,
asawa at anak na babae.
3. Huwag magpadol-dalos sa pagdedesisyon lalo na kung may mga ibang
buhay ang nakasalalay sa iyong magiging desisyon.
4. Maging matulungin sa yong kapwa lalo na sa mga nangangailangan ng
tulong.
5. Huwag mong gawin sa iyong kapwa ang ayaw mong Gawain nila sa iyo.

Ang Epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at


mararangal na datu. Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo
patungo sa Pulo ng Panay ay buong kasiyahan at pagmamalaking isinilaysay
ng mga taga-Panay. Ginawa nila ang paglilipat nilang ito dahil sa kalupitan ng
kanilang pinuno na si sultan Makatunao.
BUOD NG EPIKONG HINILAWOD (ISANG EPIKONG BISAYA)
Noong unang panahon, may isang Diyosa ng kalangitan na nag ngangalang
“Alunsina”, sa takot na hindi na makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga
Diyos na si “Kaptan” na siya ay mag asawa na.
Maraming Diyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang
lahat ay bigo sapagkat ang napili ni alunsina ay isang mortal na nag ngangalang
“Paubari”. Si Paubari ay isang Datu na namumuno sa Halawod.
Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong Diyos.
Napagkasunduan ng ilang Diyos sa pangunguna ni “Maklium-sa-twan” na
magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at Paubari sa
pamamagitan ng isang baha sa Halawod.
Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang
Malayon, ang kapatid ni Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang Diyos
kaya’t sinabi nitong magpunta sa mataas na lugar sina Paubari at Alunsina.
Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa
Halawod.
Matapos ang ilang buwan ay nagsilang si alunsina ng triplets at pinangalanganang
Labaw Dongon, Humadapnon at Dumalapdap.
Pagkatpos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa
para gawin ang ritwal upang maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal
ay nagging malalakas at makisig sina Labang Dongon, Humadapnon at
Dumalapdap.
Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang
pakikipagsapalaran katulad na lamang ni Labaw Dongon na nakipaglaban kay
saragnayan ngunit ito’y nabigo at ibinilanggo ni Sarangayan.
Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labang Dongon at agad na kinalaban si
Saragnayan. Kalauna’y nagtagumpay ang anak ni Labaw Dongon at sila’y parehong
bumalik sa kanilang lugar.
Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Dongon ay lubos na nagalit si Humadapnon
at Dumalapdap. Nangako si Humadapnon na ipaghihiganti niya ang kapatid
hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap
upang makipagsapalaran at pakasalan si “Lubay Lubyok Mahanginunn si
Mahuyokhuyokan”. Nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na may dalawang ulo
na kung tawagin ay “Balanakon”
Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na “Uyutang” na
kawangis ng isang paningi na may malaking mga pangil at makamandag na kuko.
Nilabananni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong buwan.
Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na niyang umuwi si “Lubay-Lubyok
Hanginun si Mahuyokhuyokan” upang pakasalan.

MGA ARAL MULA SA EPIKONG HINILAWOD

(ISANG EPIKONG BISAYA)

Ang buhay ay parang ilog

May simula at katapusan

Minsan payapa, minsan maalon ang agos

Hindi tuwid ang pag-agos, maraming pagdadaanan,

Mga masasakit na alon.

Walang kasiguraduhan na paglalakbayPatuloy lang ang


pakikipagsapalaran sa gitna ng laut

Kahit na may malalaki at maliit na

bato kang maapakan at ika’y masusugatan.

Magtiwala ka lamang at haharapin

ang agos ng buhay

Upang ika’y maging matatag at lumalim ang tiwala sa Diyos.


MGA NAGING PRESIDENTE NG BANSANG PIPILIPINAS

AT ANG KANILANG MGA NAAMBAG SA PANAHON NG


KANILANG PANUNUNGKULAN
1. Emilio Aguinaldo
(1898 – 1901)
 Nagiging pinuno ng pangkat magdalo at
pangkat mansory.
 Si Emilio Aguinaldo ang nagdisenyo ng
bandila ng Pilipinas noon sa Cavite.
 At nagging pangulo ng rebolusyunaryo
noong pagkatapos buuin ang kongreso sa
malolos.
 Si Emilio Aguinaldo rin ay pumayag sa kasunduang Biak na Bato dahil sa
paniniwalang hindi na magtatagumpay ang digmaan.
 Siya rin ang pinakabatang nagging pangulo ng Pilipinas sa edad na 28 na na
nanguna sa digmaan laban sa mga Espanyol.

2. Manuel L. Quezon
(1935 – 1944)
 Sa panunungkulan niya ay nagawa niyang
itaguyod ang ekonomiya ng Bansa sa
panahon ng Amerikanong Komonwelt.
 Siya rin ang nagpasa ng Philippine
Autonomy Act o Jones Law na nagbibigay
ng mas mataas na antas Pamamahala sa
mga Pilipino.
 Pagsulong Ng Pambansang wika, na nagging basehan ng Wikang Filipino.
Pagpapalawak ng Karapatan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng karapatang bumuto. Pagpapalakas ng kasarinlan ng Pilipinas
mulas a Estados Unidos.

3. Jose P. Laurel
(1943 – 1945)
 Sa pananhon ng kanyang
panunungkulan ay nanguna siya sa
Pagjain ng probisyon sa Bill of
Rights ng ating Saligang Batas.
 Bagaman Kilala bilang pangulo,
nagsilbi si Laurel bilang mahistrado
ng Kataas-Taasang Hukuman.
 Sa katunayan, Kinikilala siya na isa
sa pinakamagaling na Supreme
CourtJustices sa kasaysayan ng bansa dahil sa mga desisyong kanyang
ginawa na nagging basihan ng istruktura, limitasyon at kapangyarihan ng
bawat sangay ng Pamahalaan.
 Binuo rin niya ang isang Provisional Government. Ito ang Second Philippine
Republic na kanyang pinamunuan.
4. Sergio Osmeña
(1944 – 1946)
 Sa pagkakatalaga niya sa posisyon
At muling pagkakatatag ng
Commonwealth Government, unang
Binigyang-tuon ni Osmeña ang
pagbangon ng Pilipinas mula sa
sinapit nitong pagkasira mula sa
sinapit nitong pagkasira dahil sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Muli rin niyang isinaayos ang mga
sangay ng gobyerno. Binuo niya ang
kanyang gabinete at binuhay ang
kapangyarihan ng katas-taasang Hukuman.
 Sa utos ni Osmeña, ang kauna-unahang panukalang batas na tinutukan ng
kongreso ay ang rehibilatasyon ng Philippine national Bank. Naaayon ang
panukala niya sap ag-angat mula ng ekonomiya ng bansa.
 Saqa ilalim ng pamahalaang Osmeña, nagging miyembro tayo ng
International Monetary fund at Internatinal Bank for Reconstruction and
Development.
 Itinulak din ni Osmeña sa Us Congress ang pagpapasa ng Bell Trade Act.
Nang maaprubahan ng kongreso ng Estados Unidos, nakutulong ito ng
Malaki sa ating ekonomiya. Sa pamamagitan ng Bell Trade Act, nabigyan ng
pagkakataon ang bans ana makapagluwas ng ating mga pangunahing
produkto sa amerika ng walang kinakailangang bayarang buwis.

5. Manuel A. Roxas
(1946 – 1948)
 Ilang buwan matapos ang pag-umpisa ng
kanyang termino, naiproklama ang
kasarinlan ng pilipinas mula sa Estados
Unidos. Ito ang dahilan kung bakit si
Roxas ay tinaguriang huling pangulo ng
Ikatlong Republika ng Pilipinas.
 Sa pamamagitan ng ayuda mula sa
United Nations at pag-utang sa Estados
Unidos, nasimulan agad ang mga
proyekto para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang istruktura tulad ng
mga kalsada at paaralan.
 Sa administrasyon din ni Roxas nagbuo ang konsepto ng pagtatag ng bangko
Srentral ng Pilipinas upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa.
 Dagdag pa rito, tinutukan din ni Roxas ang Sektor ng Agrikultura. Ipinroklama
niyang gawing epektibo sa buong bansa ang Rice Share tenancy Act of 1933,
na sinusugan ng republic Act 1946 o ang Tenant Act.
 Ang desisyong ito ni pangulong Roxas ay nagbunga ng muling pagkakaisa ng
sambayanang Pilipino.
6. Elpidio Quirino
(1948 – 1953)
 Sa panahon ng kanyang panunungkulan
ay lumago ang ekonomiya ng halos
9.5% sa pangkalahatang pamumuno.
 Sa tulong ng Estados Unidos at
pangung-una ni pangulong Quirino,
umusbong ang maraming pabrika sa
bansa na nagbigay ng oportunidad sa
mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.
 Ipinatayo niya ang mga Hydroelectric
Power Plants sa Maria Christina Falls at sa Bulacan upang maibsan ang
lumalaking problema sa kuryente.
 Karagdagan din na nagpatayo ng mga banko Sentral ng Pilipinas at ang mga
Rural bank. Ang mga ito ang nakapagpapautang sa mga magsasaka para sa
kanilang pinansyal na suporta.
 Itinatag din niya ang Social Security Commission at ang President’s Action
committee on Amelioration na nagbibigay ng ayuda at pautang sa mga
mahihirap na Pilipino.

7. Ramon Magsaysay
(1953 – 1957)
 Kilala sa katawagang “Mambo
Magsaysay”,
Isa siya sa pinaka-hinahangaang dating
Presidente ng bansang Pilipinas.
 Si Magsaysay ang kauna-unahang Punong
Ehekutibo ng bans ana nanumpa suot ang
Barong Tagalog.
 Bilang pagtupad sa kaniyang pangako
Noong panahon ng kanyang
pangangampanya, binuo ni Presidente Magsaysay ang Presidential
Complaints and Action Committee. Ang ahensyang ito ang naatasang
duminig sa mga hinaing ng taumbayan at bigyan ito ng solusyon sa lalong
madaling panahon.
 Sa kabuuan ng pagganap ng komite sa katungkulan nito, umabot sa 60,000
kada taon ang nailapat na hinaing dito. Sa bilang nay an, mahigit 30,000 ang
nabigyan ng agarang kasagutan, habang ang mahigit 25,000 natitira pa na
nangangailangan ng espesyal na pagseserbisyo ay ginagawan naman ng
solusyon ng mga ahensya ng gobyernong mas direktang makakatulong na
maresolba ang naturang mga problema.
 Itinuturing ng kasaysayan ang kanyang administrasyon bilang pinakamalinis
na pamahalaan mula sa kurapsyon. Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas noon
bilang 2nd Cleanest and Well-Governed Country sa buong asya.
 Dahil sa kadalisayan ng Administrasyong Magsaysay, tinaguriang “Golden
Years of the Philippines” ang mga taon na kanyang pinamunuan.
 Tumutok sa pagpapalago ng Sektor ng Agraryo si Magsaysay. Kabilang sa
mga batas na kanyang isinulong upang maisakatuparan ang kanyang mithiin
ay ang pagtatag ng Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA
na nagbigay ng lupa sa mga mamamayang walang lupain. Higit na itinuon
ang proyekto para sa mga rebel returnees na naninirahan sa palawan at
Mindanao.
 Nilagdaan din niya ang Republic Act No. 1199, na nagbigay ng seguridad sa
trabaho sa mga nagsasaka ng lupaing hindi nila pagmamay-ari.
 Sa pamamagitan naman ng Republic Act No. 821, nagawa rin ni Pangulong
Magsaysay na makapagtatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing
Administration na makapagpapahiram ng kinakailangang puhunan sa mga
maliliit na magsasaka.

8. Carlos P. Garcia
(1957 – 1961)
 Bilang Presedente ng bansa, nagging tatak
Ng administrasyong Garcia ang “Filipino
First Policy.”
 Sa polisiyang ito, sinigurado g ng kanyang
Gobyerno na mabibigyan ng higit na pabor
sa aspeto ng oportunidad na makapagpalago
ng negosyo ang mga mamumuhunang Pilipino
kumpara sa mga banyagang mangangalakal.
 Nilaban din ni Pangulong Garcia ang
Komunismo sa bansa noong siya ang pangulo. Sa bisa ng Republic Act No.
1700, ipinagbawal ang pagsapi sa rebolusyonaryong organisasyon na
sumusuporta sa komunismo.
 Sa kanyang administrasyon, pinaigsi rin ang panahon pagpaparenta ng mga
base military ng amerikano sa bansa ng hanggang 25 taon na lamang, mula
sa orihinal na 99.

9. Diosdado Macapagal
(1961 – 1965)
 Ipinatupad ni pangulong Macapagal ang
Agricultural Land Reform o Republic Act No.
3844, nagbukas ng oportunidad na
magkaroon ng sariling lupaing sakahan ang
Mga maliliit na magsasaka.
 Upang pasiglahin pa ang ekonomiya,
ibinukas ng kaniyang administrasyon ang
Mercado sa mga pribadong mangangalakal.
 Itinatag din niya ang Philippine Veterans’ Bank, ang paglilipat ng paggunita ng
ating araw ng kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo.
10. Ferdinand Marcos
(1965 – 1989)
 Sa kansang unang State of the Nation
Address o
SONA, inilatag niya ang kaniyang mga Plano
Upang i-angat ang ekonomiya ng bansa.

 Pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente,


tubig, pagpapatatag ng Sistema ng hudikatura at ng
sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan
niyang mga proyekto.
 Naging maganda ang bunga ng plano niyang ito kung kaya’t sa muli niyang
pagtakbo sa ikalawang termino ay nagawa niyang muling Manalo. Si Marcos
ang kauna-unahang pangulo ng bans ana Nakagawa nito.
 Itinayo ni Pangulong Marcos ang lansangan, tulay, paaralan, at mga health
center na sinasabing nagbigay ng mga benepisyong pork barrel para sa
kanyang mga kaibigan.
 Itinaguyod ni Pangulong Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan
para sa pagpaparami ng pagkain. Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle
rice na kayang magbunga ng mahigit 100 na kaban ng palay sa bawat
ektarya ng lupa.

11. Corazon Aquino


(1986-1992)
 Ang kauna-unahang babeng nagging pangulo
ng bansa. Tinawag na “Tita Cory” ng ordinaryong
Pilipino, binansagan din siyang ‘Mother of Philippine
Democracy” at ang “Joan of Arc” modernong
panahon.
 Malaki ang ang inasahan ng Sambayanang Pilipino
kay Cory Aquino, kahit pa nga simpleng maybahay lang siya bago maihalal
bilang pangulo.
 Nang maupo sa kanyang posisyon, itinatag niya ang rebolusyonaryong
gobyerno, habang hinihintay na maratipikahan ang 1987 Constitution.
 Kabilang pa sa mga ginawa niya na nagging tatak ng kanyang administrasyon
ang pagrereporma sa Family Code of the Philippines at ang pagbabago ng
istruktura ng Ehekutibong Sangay ng Gobyerno sa pamamagitan ng
Administrative Code of 1987. Ganito rin ang kanyang ginawa sa Korte
Suprema upang mapanumbalik ang pagiging independiyente nito.
 Pinagtuunan niya ng pansin ang pagbabayad sa noo’y 26 na bilyong dolyar
na utang ng bansa. Bagama’t hindi ito nagging isang popular na desisyon ,
para kay Aquino, ang pagbabayad ng mga utang na ito ang pagpapanumbalik
ng magandang reputasyon ng Pilipinas sa mga mamumunuhan sa buong
mundo.
12. Fedil V. Ramos
(1992 – 1998)
 Si Ramos ang kaisa-isang opisyal ng military
ng Pilipinas na tinanganan ang lahat ng
posisyon mula sa Second Lieutenant
hanggang sa Commander-in-Chief.
 Ang unang problemang hinarap ni Ramos ay
ang kakulangan sa supply ng kuryente sa
bansa. Sa pagbaba sa pwesto ni dating
Pangulong Cory Aquino, 4 hanggang 12 oras
na blackout ang nararanasan ng ating mga
kababayan.
 Sa kanyang State of the Nation Address noong July 27, 1992, humuling siya
sa Kongreso na lumikha ng batas na magtatag ng isang kagawaran ng
Enerhiya. Subalit, labis pa riyan ang kaniyang nakuha, pinagkalooban siya ng
kongreso ng dagdag na kapangyarihan upang magbigay-lunas ang ebergy
crisis sa bansa.
 Ang unang taon ng panunungkulan ni Ramos ay nagging maganda. Sumigla
ang ekonomiya, nagging tahimik ang mundo ng pulitika at nagkaroon ng
positibong pagbabago ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa
publiko.
 Dahil isa pinakamatatag ang stock market ng Pilipinas sa buong mundo
noong kalagitnaan ng dekada nobenta, maliit ang naging epikto ng financial
crisis sa ating bansa. Mas mabilis nakabangon ang Pilipinas sa crisis na ating
dinanas at tinagurian pa ang Pilipinas noon bilang susunod na Economic tiger
ng Asya.

13. Joseph Estrada


(1998-2001)
 Si pangulong Estrada ang kauna-unahang
Presidente ng bans ana nagmula sa industriya ng
pelikula. Sa halalan noong 1998 na pinanalunan
niya, Malaki ang nagging lamang sa boto ni Estrada
sa kanyang mga nagging katunggali.
 Bumagsak ang ekonomiya sa unang taon ng
kanyang panunungkulan. Bumulusok sa negative
zero point six (-0.6%) ang economic growth ng
bansa noon, nakabawi naman sa sumunod na taon
ng kanyang pamumuno.
 Natatandaan ng mga Pilipino ang Administrasyong Estrada sa pagdedeklara
niya ng all-out war laban sa grupong Moro Islamic Liberation Front o MILF
kung saan matapos ang tatlong buwan mula nang idineklara ang giyera laban
sa naturang grupo ay muling napasakamay ng military ang camp Abubakar
na nagsisilbing headquarters ng MILf. Kabilang din sa napasakamay ng mga
sundalo ang 13 malalaking kampo 43 maliliit pang kampo ng MILF.
 Hindi pa man nangangalahati ang termino ni Estrada, kabi-kabilang
kontrobersya na ang kaniyang kinakaharap. Humantong ito sa paghahain ng
impeacement complaint laban sa popular na pangulo. Kinabibilangan ng
pagbubulsa ng daan-daang milyong piso mula sa iligal na sugal na jueteng at
maling paggastos ng pundo ng bayan ang mga inihaing akusasyon laban sa
kanya.

14. Gloria Macapagal Arroyo


(2001-2010)
 Sa pamumuno ni dating Pangulong Arroyo, umabot
sa 4.5% ang average economic growth ng bansa,
mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory
Aquino, ramos at Estrada. Sa katunayan,
napabilang ang Pilipinas sa mga kakaunting
ekonomiya sa timog-silangang Asya na hindi
nagbago ang takbo sa kabila ng naganap na global
financial crisis noong taong 2008.
 Sa administrasyong Arroyo, naisabatas ang kontrobersyal na Expanded
Value Added Tax Law na nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic
Reform Agenda.

15. Benigno Aquino III


(2010-2016)
 Sa ilalim ng kanyang pamamahala, lumago ang
ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-uulat ito ng
pangulo sa kanyang mga isinagawang Stae of the
nation Address o SONA. Katulad na lamang ng
pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sector
ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho
sa taumbayan.
 Ayon sa datos ng pamahalaan, bumaba ang bilang
ng walang trabaho at ng mga nagugutom, tumaas
ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal
sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng
Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
 Bukod pa riyan, sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng minimithing rice selt-
sufficiency, Malaki naman ang itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga
proyektong isinagawa ng kagawaran ng agrikultura.
 Naniniwala rin anf Adminsitrasyong Noynoy Aquino na maitataas ang antas
ng edukasyon sa bansa sa pagpapatupad ng K to 12 Program.
 Kung susuriin, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong
Aquino lang Nakita ang bunga ng AFP Monernization Program.
16. Rodrigo R. Duterte
(2016-2022)
 Ayon kay Calilung medyo kulang nga
naman ang panahon ng panunungkulan
ni Duterte dahil marami pa sana siyang
gusting gawin o maisakatuparan pero
kulang ang anim na taon niya.
 Inihalimbawa ni Calilung ang mga
nalagdaang mga bagong batas tulad ng
Unevirsal healthcare law, free tertiary
education, pagtatayo ng malasakit
center, Build build build program at
marami pang iba.
 Isa umano sa pinakamahalagang aspeto
ng mga nagawa ni Duterte ay ang pagsugpo sa kriminalidad at War on
Drugs na umani ng mga kritisismo.
 Inilarawan din niya ang kalakasan at kahinaan ni Duterte. Sinabi ni
Calilung, na kung ang pag-uusapan ang strength o kalakasan ni PRRD,
sinabi niya na siya lamang ang nagging pangulo ng bans ana may tapang
na harapin ang mga sindikato at corrupt sa lipunan at sa kanyang
pamahalaan.
 Samantala, kahinaan naman ni PRRD ay sa panahon ng pandemya.
Aniya kung hindi lang dumaan sa pandemya ang Pilipinas sa panahon ni
Duterte ay nagging maganda na rin sana ang galaw ng ating ekonomiya
dahil isa ang bansa sa best performing economies sa buong Asia pero
dahil sa pandemya ay natigil ang mga proyekto o magandang nasimulan
ni Duterte. Malaking savings umano ng pamahalaan ay napunta sa
pagkakaloob ng subsidy o ayuda sa mga apektadong mamamayan.

You might also like