Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

4As Banghay Aralin sa Filipino 11: Pagbasa at Pagsusuri

4As Banghay Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN

1. Naidedefayn ang pagbasa at naiuugnay ang pagbasa sa ating pang-araw-araw a buhay sa


pamamagitan ng pagbasa ng mga pahayagan, magazine at polyeto o anunsyo.

2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagbasa ayon sa layunin.

3. Nakapagpapaliwanag ng mga teorya sa pagbasa.

II. PAKSANG-ARALIN

A. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBABASA (PAGTUKLAS)

B. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGBABASA (PAG-ALAM)

C. IBA'T IBANG URI AT PARAAN NG PAGBASA NA MADALAS NATING


KINASASANGKUTAN (PAGYAMANIN)

D. TEORYA SA PAGBASA PAGPAPALALIM

Kagamitan

 Laptop, powerpoint presentation

Sanggunian

 https://philnews.ph/2021/08/12/teorya-ng-pagbasa-ano-ang-limang-teorya-ngpagbasa-sagot/
https://www.slideshare.net/marielbagsic/mga-hakbang-sa-pagbasa https://www.coursehero.com/
file/p4tfau9/Mga-Hakbang-sa-Pagbasa-I-UnangHakbang-Pagkilala-Pagbatid-o-pagtukoy-sa-mga/
https://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/ang-pagbasa

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1) Pagdarasal at Pagbati

2) Pagtatala sa mga lumiban sa klase

3) Pagbibigay ng mga alituntunin sa loob ng klase

B. Balik-Aral
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaaralsa nakaraang talakayan bilang pagbabalik tanaw.

C. Pagganyak (Motivation)

May ipapakita na mga flashcard ang guro na may naka imprintang mga karakter ng mga
kuwento, at paunahan sa paghuhula ang mga mag-aaral. Kung sino ang siyang unang
makahula ay may premyong naghihintay.

B. Panlinang na Gawain

1. Aktibiti

Paglalahad ng Aralin: May babasahing tula ang guro.

Babasahin ng guro sa mga mag-aaral ang tula.

Pagkatapos basahin ang tula, ipapakita naman ang powerpoint presentation na naglalahad sa
kahulugan, kahalagahan at proseso ng pagbasa.

2. Analisis Pamprosesong mga Tanong:

1) Ano ang ibig ipahiwatig ng tula?

2) Bakit importante na marunong tayong magbasa?

3) Ano ang mangyayari kung ang isang tao ay hindi marunong umunawa?

3. Abstrak

Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin base na rin sa naging sagot ng mga mag-aaral sa mga
katanungan.

4. Aplikasyon

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang isang tula at pagkatapos ay sasagutan nila ang mga sumusunod
na katanungan.
Sagutin:

1. Sino ang nagsasalita sat tula?

2. Anong isyung panlipunan ang bibigyang-pansin ng tula?

3. Sa papaanong paraan maaaring maging daan ang tula sa pagmulat ng mamamayang


Pilipino tungkol sa isyung ito?

4. Nakaranas ka ba ng kahirapan sa pag-unawa ng tula? Ano ito at bakit, sa iyong palagay?

IV. PAGTATAYA

PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung ito ay TAMA at M naman kung ito ay MALI.

____1. Ang pagbasa ay isang makrong kasanayang pangwika na kinasasangkutan ng pag-unawa


ng mga nakalimbag na simbolo ng isipan. Ito ay paglikha ng kahulugan mula sa mga tekstong
nakasulat.

____2. Persepsyon/pagkilala sa puntong ito nagaganap ang paghahatol sa kawastuhan, kahusayan


at kahalagahan ng tekstong binabasa.
____3. Ayon sa teoryang iskema, ang lahat ng mga bagong kaalaman na natipon sa pamamagitan
ng pagbabasa ay idinagdag sa naunang iskema. Ang iskema na ito ay kumakatawan sa
kaalamang natatago.

____4. Ang Speed reading koleksyon ito ng mga paraan ng pagpapataas ng tulin sa pagbasa nang
hindi nababawasan ang komprehensyon at retensyon. Mahigpit itong nauugnay sa speed
learning.

____5. Si Harvey at Goudvis, (2000) ay may mungkahing modelo sa proseso ng pagabsa na


kinapapalooban ng apat (4) na hakbang kung saan ikinakapit naman ni Rodacker, (2003) ang
kritikal na pagbasa upang makabuo ng mas higit na kumprehensibong hakbang ng pagbasa.

V. TAKDANG-ARALIN

PANUTO:
 Basahin ang maikling talata at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
1/2 na papel

SAGUTIN:
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto at ilahad ang detalyeng sumusuporta sa kaisipang
ito.
2. Ano ang iyong pananaw kaugnay ng kaisipang nais ipahayag ng manunulat?
3. Anong isyung panlipunan ang binigyang pansin?
4. Sa papaanong paraan maaaring maging daan ang talata sa pagmulat ng mamamayang
Pilipino tungkol sa isyung sinabi?

You might also like