Professional Documents
Culture Documents
Espq1 W1
Espq1 W1
Unang Bahagi
Asignatura: ESP Linggo: 1 Tagal: 1-5 Araw Petsa: 10/05/2020-10/12/2020
Mga Mag-aaral,
Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.
Nagmamahal,
Ikalawang Bahagi
Ang mga sumusunod na gawain ay sadyang ginawa para sa batang katulad mo na nasa ikaapat na
baitang upang lalo pang mahasa ang iyong mga kasanayan sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga gawain ay
iyong gagawin sa bahay sa tulong ng iyong magulang kapatid o sinumang may kaalaman na aalalay sa iyo.
Pagbutihin mo upang maging bihasa sa kompetensi upang mabilis ang iyong pagsulong. Mag-enjoy sa mga
gawain. May mga lakip na babasahin upang kaaya aya ang iyong pag-aaral. Kung mayroon kang hindi
maintindihan ay maaring magtext sa guro.
Ang araling iyong matutunan ay ang pagsasabi ng katotohanan anuman ang maging bunga nito. Ang
pagsasabi ng katotohanan ay isang pagpapakita ng pagtitiwala sa kapwa na dapat nating taglayin para sa
ikabubuti ng lahat. Ang katotohanan na iyong nakikita ay iyong ibahagi sa kapwa para sa katiwasayan ng bawat
ng mamayan.
Gawain: 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad ng pagiging tapat
sa kapwa at Mali kung hindi nagsasaad ng katapatan.
_______ 1. Ang aking kapatid ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, Itatama ko ang kamalian ng aking
kapatid sa pamamagitan ng pagsusumbong sa awtoridad.
_______ __2. Ako’y mananahimik na lamang para walang away sa nakita kong pangongopya ng aking kaklase
sa katabi.
_________ 3. Naiwan ng inyong bisita ang kanyang selpon, itatago mo na lang ito para may bago kang gamit.
_________4. Nawala ng kaibigan mo ang kanyang pera at ito ay iyong nakita, kaya dali-dali mo itong ibinalik
sa kanya.
_______ __5. Nasira mo ang laruan ng kaibigan mo ngunit hindi niya alam, kaya inilihim mo na lang sa kanya.
Gawain: 2
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin ang mga bagay na nararapat gawin. Lagyan ng tsek (/) sa hanay na
naaangkop na gawain sa bawat sitwasyon.
Gawain: 3
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at Sagutin ang bawat katanungan.
1. May nakita kang pera na hindi naman saiyo, ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Nakita mong may nagnanakaw sa kapitbahay ninyo. Sasabihin mo ba o mananahimik ka nalang? Bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Alam mong lumabag sa batas ang iyong kaibigan. Anong payo ang nararapat mong sasabihin sa kanya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
I- Bahagi
Unang Bahagi
Asignatura: ESP Linggo: 1 Tagal: 1-5 Araw Petsa : 10/05/2020-10/12/2020
Pangalan: ______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang
II- Bahagi
To be checked by parent/s
____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga
Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)