Stay Awake, Agatha

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Stay awake, Agatha

Ang nobelang Stay Awake, Agatha ay isinulat ni Maureen Apdian o mas kilala sa pangalang
Serialsleeper sa isang aplikasyon na kung tawagin ay wattpad. Ito ay tungkol sa isang
babaeng nag ngangalang Agatha Faye Tanya na may kakaibang karamdaman na tinawag nila
bilang Sleeping Beauty Syndrome. Ang syndrome na ito ay isang pambihirang sakit kung saan
bigla na lamang siyang makakatulog nang mahabang panahoon. Isa rin sa pangunahing
karakter sa kwento si Cooper Alvarez na mayroong sakit na Lukemia o cancer sa dugo. Si
Cooper rin ang dahilan kung bakit pinili ni Agatha na manatiling gising hanggang sa
makakaya niya.

Unang nag krus ang landas nina Cooper at Agatha noong sinusubukan si Cooper na takasan
ang kaniyang nurse. Habng tumakbo palayo sa kanyang nurse ay nakakita si Cooper ng isang
silid na kung saan ay pwede siyang magtago. Nang pumasok siya dito ay Nakita nya ang isang
batang babae na mahimbing na natutulog, sinabihan nya ito na wag siyang ituturo sa
kanyang nurse bago pumunta sa ilalim ng kama nito. Makalipas ang ilang minuto ay umalis
sa ilalim ng kama si Cooper at umupo sa paanan ng batang babae, nagtaka ito sapagkat tulog
pa rin ang bata kaya naman sinubukan niya itong gisingin. Nang hindi gumising ang batang
babae ay naisipan niyang guhitan ang mukha nito gamit ang marker at patuloy paring
pinipilit na gisingin. Habang pinipilit pa rin ni Cooper na gisingin ang bat ay nagtagpuan na
siya ng kaniyang nurse. Habang nagtatalo ang dalawa sa loob ng silid ng batang babae ay
nagising ito, agad itong kinagulat ng nurse at nagmadaling tumawag ng doctor. Nagtaka
naman si Cooper kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga nurse at doctor noong magising
ang bata kaya ikwenento sa kanya ng kanyang nurse ang nangyayari. Doon ay nalaman niya
ang pangalan ng batang babae at gayundin ang sakit nito. Nainggit si Cooper sa batang
babae sapagkat nagising na ito at makakaalis na ang bata sa lugar na iyon habang siya ay
mananatili doon dahil sa sakit niya.

Makalipas ang pitong taon ay muling nag krus ang landas ni Agatha at Cooper sa parehong
sitwasyon nila noon. Habang tumatakas si Cooper sa kanyang nurse ay natagpuan niya ang
sarili sa sa silid ng isang dalagang mahimbing na natutulog. ‘De javu,’ bulong ni Cooper sa
sarili niya. Inilapit niya ang mukha niya sa dalaga at ilang saglit lang ay nagkagulatan sila
noong nagising na ang dalaga. Agad na tumakbo si Cooper palabas at ang dalaga naman ay
agad na bumangon at sinarhan ang kanyang silid.

Pitong taon na mula noong huling tumapak si Agatha sa hospital na iyon, hindi niya lunos
akalain na muli siyang mananali sa lugar na iyon dahil sa pambihira niyang sakit. Labag man
sa loob niya na manatili sa hospital ay pinili niyang dumito muna para sa ikapapanatag ng
loob ng mga magulang niya.

You might also like