Opinyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ELIPSIS…

Lutasin Natin…
Ni: Jon-Jon Oyales

Nakasanayan na yata ng karamihan ang masanay sa mga bagay at gawaing kinalakhan, gaya ng mga
pamahiin at paniniwalang panatisismo. Yung pagiging sutil at nananatiling nasa ilalim ng paniniwalang
kinasanayan na at kinikilalang kanilang tradisyon na maituturing namang paglalagi sa kanilang “comfort
zone”.

Ang programang pagbabakuna ng bansa laban sa COVID-19 ay kasalukuyan pa ring naghahangad ng


buong suporta at pagtangkilik mula sa mga mamamayan upang maisakatuparan ang mithiing masiguro
ang kaligtasang pangkalusugan sa bansa. Kailangang makompleto ang bakuna hanggang sa booster o
pangatlong turok para sa siguradong proteksyon laban sa virus na ito.

Subalit marami pa rin ang hindi pa nagpapabakuna at ayaw ng magpabooster. Batay sa kasalukuyang
tala ng DOH nitong nakaraang tatlong buwan, nasa mahigit 10M pa lamang ang naturokan sa ikatlong
beses ng bakuna sa bansa kumpara sa mahigit 63M na naturokan ng ikalawang dose.

Marami pa rin ang nasa kanilang comfort zone na malimit gamiting dahilan na tama na ang dalawang
beses ng bakuna. Ang karamihan sa kanila ay biktima ng maling impormasyon tungkolsa bakuna. Ito’y
dahil na rin sa mga lumalaganap na maling impornasyon lalo na sa social media na mas lalo pang
pinalalakas ang maling nakasanayang pangunawa ng mga ito sa anumang bagong kaalaman sa
kaligtasang pangkalusugan.

Ito ay magiging isa sa mabigat na hamon sa Kagawaran ng Edukasyon upang imulat ang karamihan lalo
na ang mga kabataan sa tamang pangunawa sa mga programa ng pamahalaan sa pangkalusugan kagaya
ng pagpapabakuna.

Hindi magiging mabisa ang isang bakuna kung ito’y hindi tatangkilikin at susuportahan ng buong
mamamayan. Walang mabilis na pagbangon mula sa pandemya ang magaganap kung mabagal at
matumal ang pagtanggap ng madla sa kaligtasang hatid ng bakuna para sa kanila.

Kailangan natin silang hikayatin at mabigyan ng tamang pangunawa upang maiahon sa kinikilala nilang
estado ng pansariling paninidigan sa pangkalusugan. Kailangan nilang maunawaan na ang suliranin na ito
ay hindi lamang nakasentro sa pansariling kapakanan kundi sa pangkalahatan at nangangailangan ng
kanilang pakikiisa upang ganap na matupad inaasam na pagbabalik normal ng lahat. Kailangan nilang
malaman ang kahalagahan ng kanilang disisyong magpabakuna ay isang pambansang ambag tungo sa
kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Tulungan natin silang maunawaan at tuluyan nang lumabas sa kanilang pansariling balute sa
pamamagitan ng tamang impormasyon, at ito’y nagsisimula sa bawat silid aralan patungo sa bawat
tahanan na magpapatatag ng buong bansa laban sa anumang uri ng sakuna o pandemya, dahil ang
solusyon lamang ay Edukasyon.

You might also like