Pang Abay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pang-abay: Mga Uri at Halimbawa

April 11, 2023 by admin


Ating pag-uusapan sa araw na ito ang tungkol sa Pang-abay.

Ano ang Pang-abay?

Ang pang-abay o tinatawag na adverb sa ingles ay bahagi ng panalitang


nagbibigay turing o salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.

17 na Uri ng Pang-abay
Ang pang-abay ay maaari ring mauri sa mga sumusunod: pamaraan, pamanahon,
at panlunan, pang-
agam, ingklitik, benepaktibo, kusatibo, kondisyonal, pamitagan, panulad, panang
gi, panggaano, panang-ayon, panturing, pananong, panunuran, at pangkaukulan.

1. Pang-abay na Pamaraan
Pamaraan – nagsasad kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o -ng.

Halimbawa:

 Naglakad si Eman nang marahan palabas ng silid.


 Umiyak siya nang malakas.
 Lumabas siya na nakangiti.
 Nagbihis ako nang mabilis.
2. Pang-abay na Pamanahon
Pamanahon – nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
May tatlong uri ang pang-abay na pamanahon: ang may pananda, ang walang
pananda, at ang nagsasaad ng dalas.
A. Pamanahong may Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga
panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
o hanggang.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda

 Ako ay mag-eehersisyo umpisa bukas.


 Tuwing bakasyon ay namamasyal kaming magpamilya.
 Buhat ng akoy magkaisip ay nagtitinda na ako ng bulaklak.
 Kapag biyernes ay naglilinis ako ng kwarto.
 Kung Iba ang panahon noon.
 Umpisa bukas ay mag-aaral ako ng mabuti.
B. Pamanahong Walang Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga
panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang Pananda

 Mamaya ay mag-iikot kame.


 Kahapon ay pumunta kame sa kasal ni Lina.
 Bukas ay mamamasyal kame sa Parke.
 SI luisa ay kanina pa naghihintay kay Luis.
 Ngayon ang laban ni Pacquaio.
C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas
Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang
mga salitang araw-araw, taun-taon, tuwing, oras-oras, linggo-linggo, atbp.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng Dalas

 Maligo ka araw-araw.
 Binibisita namin ang aking lola taun-taon.
 Oras-oras niya tinitingnan ang kanyang celphone.
 Tuwing linggo ay pumupunta siya sa simbahan.
3. Pang-abay na Panlunan
3. Panlunan – Nagsasaad kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos. Ilan
sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay.

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o


isang panghalip.

Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na


pangalan ng isang tao.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan sa


Pangungusap
Halimbawa:

 Makikipagkita ako kay Edwin sa simbahan.


 Dinala namin ang mga lutong pagkain kina Fraudelin.
 May nakita akong magandang damit sa mall.
 Bibisita kame kina Loisa bukas.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakan o pag-aalinlangan
sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, o parang.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam sa


Pangungusap
 Parang nagbago ang ugali ni Leni.
 Siguro ay pupunta kame sa palengke bukas.
 Marami na marahil ang nascam ni Toto.
 Baka sa susunod na linggo kame ikakasal.
5. Pang-abay na Ingklitik o Kataga
Ang pang-abay na ingklitik ay mga kataga na karaniwang nakikita pagkatapos ng
unang salita sa pangungusap.

Ang mga ito ay


ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, p
ala, na, naman, at daw/raw.

*ba – nagsasaad ng pagtatanong na nagbibigay- diin sa pangungusap

*daw o raw – ginagamit sa di-tuwirang pahayag

*din o rin – nagsasaad ng pagsang-ayon

*kasi – nagpapahayag ng pagdaramdam, pagsisisi, o paninisi

*kaya – nagpapahiwatig ng pag-aagam-agam

*lamang o lang – nagsasaad ng pagtatangi, ng pangyayaring katatapos kani-


kanina

*man – nagsasaad ng pinakamaliit na aksyon

*muna – nagsasaad na may gawain pa o ng paghihintay

*na – nagsasaad ng natapos na o nagawa na

*nga – nagsasaad ng pagpapatunay o pagsang-ayon

*pa – nagsasaad ng karagdagan

*pala – nagsasaad ng pangyayaring hindi inaasahan

*sana – nagpapahiwatig ng nais mangyari

*yata – nagsasaad ng pag-aalinlangan o walang katiyakan


Mga Halimbawa ng Pang-abay na Ingklitik o Kataga sa
Pangungusap
 Sana ay gumaling na ang aking tita.
 Hindi yata kaya ni Teller ang trabaho sa Pabrika.
 Alam pala ni Tonyo ang lihim ni Rea.
 Saan pa kayo pupunta?
 Siya naman ang pag-igibin mo ng tubig.
 Paano kaya kung lumipat ako ng tahanan.
6. Pang-abay na Benepaktibo
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng
pandiwa o layunin ng pandiwa.

Ginagamitan ito ng panandang para sa.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Benepaktibo sa


Pangungusap
 Kumain ka ng gulay para sa kalusugan mo.
 Naghahanapbuhay si Man Kanor para sa kanyang pamilya.
 Nagbebenta ng bulaklak si Trina para sa kanyang pag-aaral.
 Ang mga sundalo ay nakikipaglaban para sa bayan.
7. Png-abay na Kusatibo o Kawsatibo
Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Ginagamitan ito
ng parirala na pinangungunahan ng dahil sa.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kusatibo o Kawsatibo sa


Pangungusap
 Bumagsak ako sa Math dahil sa katamaran ko.
 Nagkasakit ako dahil sa pagligo sa ulan.
 Dahil sa kanya ay napariwara ang buhay ko.
 Dahil sa katarantaduhan ni Eloy ay nakulong siya sa Presinto.
8. Pang-abay na Kondisyonal
Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ito ay may pariralang kung, kapag/pag, o pagka.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kondisyonal sa


Pangungusap
 Matututo kang magsalita ng ingles kung ikaw ay magsasanay parati.
 Hindi ka maghihirap kapag ikaw ay masipag.
 Bibili tayo ng iyong laruan kung naubos mo ang iyong pagkain.
 Magiging masaya kayong mag-asawa kung di kayo mag-aaway.
 Hindi ka magkakasakit kung iingatan mo ang iyong katawan.
9. Pang-abay na Pamitagan
Ito ay nagsasad ng paggalang. Ginagamitan ito ng mga salitang po, opo, ho,
o oho.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamitagan sa


Pangungusap
 Ano po ang bibilhin nyo?
 Naglalaro po kame ng Chess.
 Opo, bababa na po ako.
 Bakit ho kayo nag-away?
10. Pang-abay na Panulad
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Ito ay ginagamitan ng
salitang kaysa.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panulad sa Pangungusap


 Mas matalino si Karen kaysa kay Jason.
 Mabilis tumakbo si James kaysa kay Tony.
 Ang gusto ko ay matulog kaysa kumain.
 Ang kalusugan ay mahalaga kaysa sa kayamanan.
11. Pang-abay na Pananggi
Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay ginagamitan ng mga
pariralang hindi, di at ayaw.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi sa Pangungusap


 Ayow ni Freddy matulog ng maaga.
 Hindi na ako magpapautang.
 Ayaw kong pumunta sa sinehan.
 Di na ako kakain ng Maaala na pagkain.
12. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
Nagsasaad ang pang-abay na panggaano ng timbang, bigat, o sukat. Ito ay
sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano sa


Pangungusap
 Bumili ka ng tatlong kilong bigas.
 Inabot ako ng dalawang oras sa paggawa ng aking proyekto sa
Math.
 Nabawasan ang timbang ko ng dalwang kilo.
 Bibigyan kita ng limang kilong saging.
13. Pang-abay na Panang-ayon
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panang-ayon sa


Pangungusap
 Oo, manonod ako ng laro niyo bukas.
 Tunay ngang tama ang kutob mo sa kanya.
 Talaga palang mamahalin ang kwintas nya.
 Sadyang napakabait na bata ni Ronie.
14. Pang-abay na Panturing
Ito ay nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panturing sa


Pangungusap
 Mabuti na lang at pinautang mo ako kung hindi ay kukunin nila
itong bahay ko.
 Nang dahil sayo ay nabigyan ako ng parangal.
 Mabuti na lang at nadala mo agad siya sa Ospital.
15. Pang-abay na Pananong
Ito ay ginagamit sa pagtatanong hinggil sa pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananong sa


Pangungusap
 Pano kaya sumali sa kompetisyon?
 Gaano karami ang sumalubong kay Senador Chiz?
 Saan ang daan patungong Baguio?
 Kanino nanggaling ang bago mong bag?
16. Pang-abay na Panunuran
Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod sa panahon o pagkakalagay.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panunuran sa


Pangungusap
 Sunud-sunod ang pila ng mga tao para makakuha ng ayuda.
 Kahuli-hulihan si Kelly sa pila.
17. Pang-abay na Pangkaukulan
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol, hinggil, o ukol.

Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pangkaukulan sa


Pangungusap
 Ang plano niya tungkol sa kanilang proyekto ay napakaganda.
 Hinggil saan ang napag-usapan nyo sa pagpupulong kahapon?
 Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Manny.

You might also like