Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region 1V-A CALABARZON


Division of Laguna
PEDRO GUEVARA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
STA.CRUZ, LAGUNA

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


(GRADE 7- AZALEA 11:00-11:50/July 10, 2019)

I LAYUNIN

Mga Pamantayan sa Pagkatuto

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, sa kanyang mga
talent, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na
Inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

Mga Batayang Konsepto:


Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa:
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili
 paghahanda sa susunod na yugto ng buhay (paghahanda sa
paghahanapvuhay at paghahanda sa pag-asawa/pagpapamilya at
 pagiging mabuti at mapanagutang tao.

Mga Layunin sa Gawain

1. Nakikilala ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga,
pagbibinata.
2. Nagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga angkop na
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinat.
3. Naisasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
4. Naisasagawa ng mahusay ang pangkatang gawain.

II. NILALAMAN

A. Paksa: “Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga/Pagbibinata

B. Sanggunian
ESP Learner’s Material
LM – pp.11- 20
TM – PP. 8 – 13

C. Kagamitan sa Pagtuturo
ICT- tv, laptop, usp

III. PAMAMARAAN (4 A’s Teaching Approach)

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagtatala ng liban sa klase

B. Paglinang ng Aralin (ACTIVITY)

1. Balik-aral

2. Pagganyak

a. Pagpapakita ng comic skit tungkol sa tatalakaying aralin.

b. Mula sa kanilang nabasa/nakita magbigay ng reaksiyong tungkol


sa ipinakitang larawan. Tanungin ang kanilang saloobin.

3. Paglalahad
Ano ang naging batayan ninyo sa inyong kasagutan? Tungkol saan
ang paksa?

C. Pagtatalakay (Analysis)
1. Pagpapaliwanag ng ng mga katangian ng isang bata at isang
nagbibinata/nagdadalaga

2. Pagpapaliwanag ng mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata

3. Pagtutukoy ng mga positibo at negatibong katangian ng mga inaasa-


hang kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibingata

D. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat (Abstraction)
Itanong: Anu-ano ang mga malilinang sa mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibi-
nata? Saan papaanong paraan ito makatutulong?

2. Paglalapat (Application)
Itanong: Bilang isang estudyante, maisasabuhay mo ba ang mga
positibong katangian ng mga inaasahang kilos at
kakayahan (developmental tasks)?

IV. PAGTATAYA
(Group Activity) Ang bawat grupo ay naatasang magpakita ng “role playing”
tungkol
sa nga sumusunod:

1. Group 1 – Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad

2. Group 2 – Papel sa lipunan bilang babae o lalaki

3. Group 3 – Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa

4. Group 4 – Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya


V. KASUNDUAN
Sagutan ang inyong “reflexive journal” at ipasa sa susunod na pagkikita.

Prepared by:

CLAUDETTE V. CESARIO
T1

Observed by:

MANUEL G. SAN JUAN


MT 1- OIC- ESP DEPT.

You might also like