Lesson Plan Template Group1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480


Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Petsa:
I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, 100 porsyento ng mga mag-aaral na may 75 porsyento ng antas ng
kaalaman ay inaasahang:
1 Nailalahad ang katuturan ng sanaysay;
2 Natutukoy ang mga sangkap at bahagi ng sanaysay; at
3 Nakasusulat ng isang sanaysay.

II. Nilalaman
Paksa: Sanaysay
Sanggunian:
Kagamitan: Ppt, Laptop, Cartolina at Tv Monitor
Pagpapahalaga:
Integrasyon ng Literasiya:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain

1. Panalangin at pagbati sa klase

(Sabay-sabay na tumayo)
“Magsitayo ang lahat para
sa panalangin.Pangunahan mo ang panalangin,
____”

“Magandang araw sa inyong lahat!” “Magandang araw din po, Ginoong Allain”

“Bago umupo ay pulutin muna ang mgakalat sa sahig (Pinulot nila ang mga kalat at isinaayos ang mga
at pagkatapos ay ihanay itong maayos.” upuan)

2. Pagtala ng liban

“Bago natin simulan ang panibagong aralin nais


“Lahat po ay naririto”
kong malaman kung mayroon bang lumiban sa
klase?”

“Magaling!”

3. Balik-aral at balitaan

“Maayos naman po”


“Kumusta naman ang mga araw n’yo?”
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

“Mabuti naman kung ganoon.”

“Bago natin simulan ang bagong paksang ating “ Sir, Si Nemo ang batang Papel po!”
tatalakayin nais ko munang malaman kung
natatandaan niyo pa ba ang paksang tinalakay
natin kahapon?”

“Tama! Sino naman ang may likha ng istoryang “Si Rene O. Villanueva po, ma’am”
ito?”

“Mahusay! Maaari niyo bang ibuod ang “Si Nemo ay isang papel na pinaggupit-gupit
kwento?” para sa proyekto ng mga estudyante. Naisip ni
Nemo na gusto niya rin maging isang tunay na
bata kaya’t humiling siya sa bulalakaw at
nagkatotoo ngang naging isang tunay na bata
siya. Ngunit napunta siya sa isang mahirap na
pamilya kaya’t hindi siya naging masaya dito.
Kaya naisip niya na gusto niyang bumalik sa
pagiging batang papel at isama ang mga kaibigan
niya. At silang lahat ay naging mga batang
papel.”

“Mahusay! Bigyan natin siya ng (3) tatlong (Binigyan ng tatlong palakpak)

palakpak”

B. Pagganyak

“Nangangahulugan lamang na kayo’y handa na sa


ating klase. Sa araw na ito ay may bago tayong paksa
ngunit bago magsimula ay magkakaroon muna tayo
ng isang pampagising katawang lupa”

“Mayroon akong inihanda na may nakasulat na mga “Opo, ma’am”


numero na may katumbas sa alpabetong Filipino na
kung saan ang A ay 1 hanggang Z na ito ay 26.
Nakuha ba?”

19,1,14,1,25,19,1,25 “SANAYSAY”

16,15,18,13,1,12 “PORMAL”

11,1,20,1,23,1,14 “KATAWAN”

19, 9, 13, 21, 13, 1 “SIMULA’

23, 1, 11, 1, 19 “WAKAS”


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

“Magaling! Palakpakan niyo ang inyong mga sarili”

(Pumalakpak)
C. Presentasyon ng Aralin

“Batay sa ginawa natin


kanina, ano ang inyong
mahihinuha na magiging “Ang magiging paksa natin ngayon ay Sanaysay
paksa natin ngayon?” po ma’am.”

“Magaling!”

“Ano nga ba ang


kahulugan ng Sanaysay?
Pakibasa nga” (binasa ng mag-aaral ang nakalagay sa ppt)

“ Magaling ito ay paglalahad


ng sarilingopinyon o kuru-
kuro ng
mgamanunulat/sumusulat “Ang ibig sabihin po ay sumubok o tangkain.”
tungkol sa isang bagay o
paksa. Ito ay hango sa
salitangPranses na essayer.
Ano nga ba angkahulugan ng
salitang essayer?”

“Tama. At si Michael
Montaigne ang ama ng
sanaysay.”

“Ang sanaysay ay may


dalawang uri. Una ay pormal.
Maaari niyo bang ipaliwang
kung ano ang pormal na “Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang
sanaysay?” paraang maayos at mariin at bunga ngisang
maingat na pagtitimbang-timbang ng mga
“Tama at ang impormal pangyayari at mga kaisipan.”
naman ay mayhimig na parang
nakikipag-usap o nais
magpakilala ng isang
panuntunan sa buhay.”

“Ang sanaysay ay may tatlong


bahagi. Ito ay simula, katawan
at wakas. Ang simula ay ang
nakakatawag pansin o “Ang katawan ay ang pinakalalaman ngakda na
nakapupukaw sa damdamin kinakailangang maging mayamansa kaisipan,
ng mga mambabasa. Ang nagtataglay ng kaisahan angmga detalye nito”
pangalawang bahagi ay ang
katawan, maaari niyo bang
ipaliwanag?”

“Magaling! sa katawan
makikita ang pagtatalakay sa
paksa. Ang wakas naman ay
dito natin karaniwang
nababasa ang pangkahalatang
impresyon ng may-akda. Dito
maaaring ilahad ang buod o
konklusyon ng sumusulat.”
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

“Opo, ma’am”
‘Naunawaan niyo ba nang
husto ang paksang tinalakay
natin ngayon?”
“Wala po.”
“Wala ba kayong mga tanong
na nais niyong linawin?”

“Kung ganoon, ay ako


naman ang magtatanong
sainyo.”

D. Paglinang sa Aralin
“Ang sanaysay ay mahalagang pag-aralan at
“Bilang isang estudyante, malaman sapagkat ito ay isang uri ng
bakit mahalagang pag- komposisyon na pinakagamitin. Bilang isang
estudyante at mamamayan dapat nating isipin ang
aralan at malaman ang
lahat na ating sasabihin at isusulat kung ito ba ay
tungkol sa sanaysay?” makakasakit sa ating kapwa. Dapat tayo ay
maging responsable lalong lalo na sa ating
(nagtawag ang guro) ibinibigay na opinyon sa isang isyu.”

(Binigyan ng isang bagsak)


“Magaling! Bigyan natin siya ng isang bagsak”

E. Paglalahat

“Sa pagsulat ng isang sanaysay


mahalagang isaalang-alang ng
may akda ang kahiligan at
damdamin ng bawat (Maimtim na nakikinig)
mambabasa. At dapat din na
maging mapanuri ang isang
manunulat marapat lamang na
maging kaakit-akit at
mapanghikayat ang
panimulang gagamitin sa
pagsulat upang tangkilikin ng
mga mambabasa ang akdang
nilikha.

Tandaan na sa pagsulat ng
isang pormal na sanaysay
dapat ay nagtataglay ito ng
masusing impormasyon at mga
pormal na salita at hindi na din
kailangan ng masusing
pananaliksik sa ganitong uri ng
suliranin.”
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

F. Paglalapat

“Ngayon naman ay
magkakaroon tayo ng isang
gawain upang lubos kong
malaman kung may
natutunan ba kayo sa ating
paksang tinalakay”
(Kumuha ng papel)
“Kumuha kayo ng isang
buong papel at sagutan ang
mga sumusunod na
tanong.”

1. Ano ang pagkakaiba ng


Salaysay at Sanaysay?

2. Bakit nasabi ni Alejandro


G. Abadilla na ang
Sanaysay ay
“Pagsasalaysay ng sanay?”

3. Ano ang dalawang uri


Sanaysay?

4. Kailan masasabing ang


isang Sanaysay ay Pormal?

5. Sa paanong paraan
naman masasabing di-
pormal ang isang
sanaysay?

6. Anu-ano ang mga bahagi


ng isang Sanaysay?

7. Mahalaga ba na ang
panimula ng bawat
sanaysay ay may nilalaman
at nakahihikayat ng
mambabasa? Bakit?

8. Anu-ano ang dapat


taglayin o maaaring laman
ng gitna o katawan ng
isang sanaysay?

9. Ano naman ang


nilalaman ng isang
pangwakas na slatin?

10. Ano ang Sanaysay?


BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION (047) 237-1480
Don Manuel Banzon Ave., Poblacion
City of Balanga, Bataan
www.bpsu.edu
2100 Philippines

IV. Ebalwasyon

“Sa loob g 15 minuto ay


magsulat ng isang di-
pormal na sanaysay na
pampatungkol sa iyong
sarili”

V. Takdang-Aralin

“Sumulat ng isang pormal na sanaysay na may (Nagsimulang magsulat)


temang tumutukoy sa “Wikang Filipino Ang Wika
Ko”

VI. Repleksyon

A. No. of learners who earned 80% in the evaluation

B. No. of learners who require additional activities for


remediation

C. Did the remedial lesson work? No. of learners who have


caught up with the lesson

D. No. of learners who continue to require remediation

E. Which of my teaching strategies worked well? Why did


this work?

F. What difficulties did I encounter that my principal or


supervisor can help me solve?

G. What innovation or localized materials did I use/discover


that I want to share with other teachers?

Prepared by:

Angeles, Frittzie L.
Dela Cruz, Jammie Lyn
Salas, Katheryn Claire
Sangalang, Myrex
Sevilla, Allain James

BSED Filipino 3A

You might also like