Summative 3rd Quarer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST

FILIPINO 9
Ikatlong Markahan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

______1. “Kailangang manatiling may langis ang ating mga ilawan sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras ng kanyang
muling pagparito”. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
a. kahandaan sa sarili at pag-iisip sa di inaasahang pangyayari
b. paghahanda sa lahat ng gamit
c. punuin lahat ng ilawan
d. kawalan ng pag-asa sa buhay
*para sa bilang 2-4:
Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dalang ilawan ang itinalagang
maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay matatalino. Inasahan na
nilang maaaring maantala ang pagdating ng ikakasal kaya’t nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong
pangyayari.
Ang Parabula ng Sampung Dalaga

______2. Bakit ganoon na lamang ang paghahanda ng mga matatalinong dalaga para sa binatang ikakasal?
a. upang sila ay di mahuli
b. upang matuwa sa kanila ang ikakasal
c. upang masiguro na hindi maubusan ng langis
d. upang may laman ang ilawan

______3. Batay sa parabulang binasa, anong kulturang Pilipino ang masasalamin dito?
a. pagkaroon ng dalaga
b. pagpapakasal
c. paghintay sa ikakasal
d. pagdala ng ilawan

______4. Ano ang mensaheng nais iparating ng may-akda batay sa pahayag na salungguhitan?
a. pagwawalang- bahala sa anumang mangyayari
b. pagkamalikhain sa bawat pangyayari
c. pagiging abala sa isang pangyayari
d. pagiging handa sa mga bagay na maaaring mangyari

______5. Ayon sa parabula, alin sa mga sumusunod na kaganapan ang nangyayari sa kasalukuyan?
a. Ang pagsundo sa ikakasal na lalaki.
b. Ang pagdala ng ilawan sa ikakasal.
c. Ang pagpapaalam na ang ikakasal ay may dalang langis.
d. Ang paghahanda sa nalalapit na kasal at ang mga plano nito.

Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga. “Panginoon,
panginoon, papasukin po ninyo kami!” sigaw nila. Hindi na sila pinapasok at sa halip ay tumugon ang
binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon nang ganito: “Hindi ko kayo nakikilala. “Walang nagawa ang
mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi nila paghahanda para sa
pangyayaring ito.

______6. Batay sa pahayag sa itaas, anong aral ang masasalamin dito?


a. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
b. Ang pagsisisi ay nauuna.
c. Ang kanilang kakulangan sa paghahanda.
d. Ang kanilang pagkukulang sa preparasyon.
______7. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na nakasalungguhit sa nabasang sitwasyon?
a. Ang pagtawag sa kanilang Panginoon.
b. Nais nilang sila’y buksan ng pinto.
c. Ang kanilang ginawang pagmamakaawa.
d. Ang Kanilang ginawang pagsigaw.
______8. Ano ang naging reaksyon ng mga dalaga nang sila ay di nakapasok sa kasalang nangyayari?
a. Sila ay nagwala sa bulwagan.
b. Sila ay nagpapasalamat sa mga panauhin.
c. Sila ay nagalit sa ikakasal.
d. Sila ay nagsisisi sa hindi paghahanda.
______9. Naghintay nang naghintay ang mga dalaga subalit gabi na’y wala pa ang ikakasal kaya’t sila ‘y nakatulog sa kahihintay.
Anong damdamin ang nais ipakita sa pangungusap na ito?
a. pagiging mapaghintay kung kailan ito darating
b. pagiging determinado na ito’y mangyari
c. pagsukat sa kanilang tiyaga
d. pagsukat sa kanilang pasensya
______10. Ano ang mangyayari kung tayo ay naging handa sa mga pagsubok o mga pangyayari sa buhay?
a. Tayo ay magkaroon ng kanapatagan sa sarili.
b. Tayo ay nagiging positibo at mapamaraang makahanap ng solusyon.
c. Magkakaroon tayo ng determinasyon sa buhay.
d. Hindi tayo mawawalan ng pag-asa.

" Totoy makinig ka, ‘wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka"t humandusy dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos na kaguluhang ito.

___11. Ano ang pinag-usapan sa teksto ?


a. Totoy b. kaguluhan c. kapayapaan d. patayan
___12. Ano ang tono o dating ng binasang bahagi ng awit?
a. nangangaral b. nagbabala c. natutuwa d. nagmamalaki
___13. Ano ang kasingkahulugan ng salitang humandusay ?
a. humiga b. natumba c. nakatulog d. bumulagta
___14. Alin sa mga sumusunod ang nakatagong kahulugan bilang pantawag sa isang tao na Totoy.
a.sanggol na lalaki c. musmos na batang babae
b.binatang matipuno d. musmos na batang lalaki
___15. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagtataglay ng di -lantad na kahulugan?
a. mapagkamalan b. kaguluhan c. humandusay d. tabi
___16. Ano ang tawag sa mga salita o pahayag na nagtataglay ng di-lantad o nakatagong kahulugan?
a. matalinghagang salita/pahayag c. magkasalungat na pahayag
b. matalinghagang kaisipan d. makatutuhanang pahayag
___17. "Baka mapagkamalan ka't humandusay sa tabi". Ayon sa pahayag, ano ang tinutukoy ng salitang humandusay?
a. maaksidente b. mapatay c. makatulog d. mabuhay

Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban


Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan
Hangga’t maraming lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

__18. Ayon sa bahagi ng awit, sino ang tinutukoy na nasa tuktok ng tatsulok sa ating lipunan?
a. mayayaman b. mahihirap c. dilawan d. mag-aaral
__19. Kung susuriin ang salitang tatsulok, ano ang ibig sabihin nito?
a. aralin sa geometry
b. di -pagkakapantay-pantay ng antas ng tao sa lipunan
c. hindi nakamit n mga mahihirap ang hustisya
d. pagiging magkalaban ng mga kulay na pula at dilaw
__20. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang gumamit ng tayutay?
a. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban.
b. Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan.
c. Hangga't maraming lugmok sa kahirapan.
d. Ang hustisya ay para lang sa mayaman

You might also like