Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
MERCEDES DISTRICT
MERCEDES CENTRAL SCHOOL
PANGALAN: ________________________________________________ LEBEL at SEKSYON:
___________________

Si Mahistrado Kuwago

Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop. Kabilang dito
ang Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang maparusahan ang
kriminal, napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang Kuwago.
“Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa kasong ito, pakikinggan
ko kayo sa inyong mga sasabihin.”

Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.


“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat malakas at mabilis ang kokak ni Palaka.”
“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.
“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako ng bahay ni
Pagong.”
Tinawag ng Hurado si Pagong.
“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.
“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot po kasi ako sa
alitaptap na laging may baon na napaka-liwanag na apoy sa likuran.”
“E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?” pag-uusisa ng Hurado sa Alitaptap.
“Lagi po kasing may dala-dalang sibat si Lamok. Para po hindi ako masundot, proteksiyon ko po
ang apoy.”
Tinawag ng Huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.
“Totoo bang may dala-dala kang sibat?”

Hindi maipaliwanag ni Lamok kung bakit kailangan dal-dal niya lagi ang sibat. Hindi
nagkamali ang lahat nang ibunton kay lalaking Lamok ang parusang mabilanggo. Nang akmang
ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad. Kaagad siyang pumunta sa Lamuklandia.
Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang malupit daw na Mahistrado.
“Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang parusahan?” galit na
reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.
“Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!” malakas na sigaw ng mga Lalaking Lamok.
Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga malalakas na businang panggalugad at mga matutulis na
sibat na panundot ng kanilang mga asawa.
Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga Lamok.

Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga Lamok ay ikinampay


na nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at pumasok sa kuweba sa kagubatan.
Hindi nag-aksaya ng oras ang mga lalaking Lamok. Upang masigurong bihagin ang Mahistrado ay
pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid. Pati na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at
binubusinahan sa pag-aakalang kuweba rin itong mapagtataguan.
Bigo ang mga Lamok sa paghahanap nila sa Mahistrado.
Hanggang ngayon ay patuloy ang mga lamok sa pagsilip at pagbusina sa ating mga tenga.
Panuto: Ilaan ang inyong sagot sa nakalaang sagutang papel.
Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang salitang angkop sa kahulugan ng kilos sa
bawat sitwasyon.

1. Pagkatapos ng maraming taon ay hindi pa rin nakalimutan ng mga lamok ang


nagawang hatol ni Mahistradong Kuwago.

A. Takot B. Tuwa C. Galit D. Gulat

2. Nagmumukmok si Lamok dahil sa hatol ng mahistrado

A. Galit B. Gulat C. Tuwa D. Lungkot

3. Namangha ang iba pang mga hayop dahil sa dami ng lamok na lumilipad sa paligid.

A. Takot B. Tuwa C. Takot D. Gulat

You might also like