Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10-UNANG MARKAHAN

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: ____________________________________ Seksyon: ____________


Guro: Iskor: _______________

PANUTO: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan
ito ng kahulugan?
A. mag-isip B. maghusga C. makaunawa D. mangatwiran
2. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano
ang kahulugan nito?
A. walang sariling paninindigan ang kilos-loob
B. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

3. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

4. Ayon kay Fr. Roque Ferriols, “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang katotohanan ay nakikita ng mga tao.
B. May kasama ako na makakita sa katotohanan.
C. Ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan.
D. Ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung samasamang hinahanap ito.

5. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?


A. kamalayan sa sarili C. Pagmamahal
B. kakayahang mag-abstraksiyon D. Pagmamalasakit

6. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na
dapat tugunan. Ano ang mahalagang kaisipan sa pahayag?
A. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
B. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
C. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
D. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo

7. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. Respeto B. Hustisya C. paglilingkod D. pagmamahal

8. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin
ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang
buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o
kapakanan. Batay sa nabasang pahayag, para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
B. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
C. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
D. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

9. Ito ay itinuturing na pinakamataas na uri ng nilikha ng Diyos na binigyan ng isip at kilos-loob?


A. Tao B. Hayop C. Bagay D. Halaman

10. Ayon sa kanya, ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto?


A. De Torre C. Fr. Roque Ferriols
B. Mannuel Dy D. Santo Tomas de Aquino

11. Ito ay panloob na pandama na may kakayahang kilalanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan?
A. Memorya B. Instinct C. Kamalayan D. Imahinasyon

12. Ano ang kakayahan ng isip ng layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan
ito ng kahulugan?
A. Mag-isip B. Maghusga C. Makaunawa D. Mangatwiran

13. Ibinigay ng isip ang katwiran bilang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang
kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?
A. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob.
B. Naka depende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang
mabuti.
D. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkaugnay ang
mga ito.

14. Ayon kay __________, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t naiintindihan nito ang
kaniyang nauunawaan.
A. Dy C. Fr. Ferriols
B. Max Scheler D. Santo Tomas de Aquino

15. Ayon sa paliwanag ni ________, ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalawak at
inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan?
A. De Torre C. Fr. Ferriols
B. Max Scheler D. Santo Tomas de Aquino

PAGPALAIN NAWA KAYO NG PANGINOON!

You might also like