Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10-UNANG MARKAHAN

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: ____________________________________ Seksyon: ____________


Guro: Iskor: _______________

PANUTO: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ang sumusunod ay katangian ng likas na batas moral maliban sa:


A. sukatan ng kilos
B. nauunawaan ng kaisipan
C. pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao

2. Ano ang itinuring na pinakamataas na batayan ng kilos?


A. Batas Positibo
B. Batas ng Diyos
C. Likas na Batas Moral
D. Sampung Utos ng Diyos

3. Bakit kaya maraming tao ang gumagawa ng masama?


A. higit na madaling gawin ang masamang bagay sa Mabuti
B. kahit alam nang tao ang mabuti, pinipili pa rin ang masama
C. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
D. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umusbong na bagong kultura

4. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kamangmangang di madaraig?


A. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
B. pagpapainom ng gamut sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
C. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
D. pagbili ng inaalok na cellphone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama

5. Paano mapalalakas at gawing makapangyarihan ang konsensiya?


A. kung magkasanib ang tama at Mabuti
B. kung magiging kaisa ng konsensiya ang likas na batas moral
C. kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at Mabuti
D. kung mapapaligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya\

6. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?


A. kilos-loob C. pagmamahal
B. Konsensiya D. responsibilidad

7. Paano mapalakas at maging makapangyarihan ang konsensiya?


A. kung magsasanib ang tama at Mabuti
B. kung magiging kaisa ng konsensiya ang likas na batas moral
C. kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at Mabuti
D. kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya

8. Ang konsensiya ay itinuturing na __________.


A. tinig ng anghel C. tinig ng magulang
B. tinig ng Diyos D. tinig ng sarili
9. Ito ay unang elemento ng konsensiya upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama.
A. Paghahatol C. Pagkilos
B. Pag-iisip D. Pagninilay

10. Ano ang tawag sa kawalan ng kaalaman sa isang bagay?


A. Kamangmangan C. kamangmangang madaraig
B. Paghahatol D. kamangmangang di madaraig

11. Ayon kay _____ “Ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan isang paghuhusga ng ating
sariling katuwiran.”
A. Fr. Ferriols C. Manuel Dy
B. Lipio D. Santo Tomas de Aquino

12. Sumali si Kyla sa paligsahan ng pag-awit upang maging sikat siya kaysa kanyang kapatid na mas maganda sa
kanya.
A. Tama ang kanyang pasiya subalit mali ang kaniyang kilos.
B. Mali ang kanyang intensiyon ngunit mali ang kanyang kilos.
C. Mali ang kanyang intensiyon subalit tama ang kanyang kilos.
D. Tama ang kanyang intensiyon subalit mali ang kaniyang pasiya.

13. Ano ang ibig sabihin ng “The end does not justify the means.”
A. Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan.
B. Kung hindi mabuti ang kilos hindi rin mabuti ang pasiya.
C. Ang kabutihan ng layunin ay hindi pagtama ng maling kilos.
D. Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay maging tama

14. Ayon sa uri ng konsensiya, ito ay ang paghusga sa kilos na naaayon sa batas.
A. Di-tiyak C. Mali
B. Mali D. Tama

15. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito?
A. Bahala ang tao sa kanyang kilos.
B. Makabubuti sa tao na kumilos ng tama.
C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos.
D. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos.

PAGPALAIN NAWA KAYO NG PANGINOON!

FIRST QUARTER
ANSWER’S KEY IN ESP 10
FIRST SUMMATIVE TEST
1. B
2. B
3. B
4. A
5. B
6. B
7. C
8. D
9. A
10. C
11. A
12. C
13. B
14. A
15. A

SECOND SUMMATIVE TEST


1. B
2. C
3. C
4. C
5. C
6. B
7. B
8. A
9. A
10. C
11. D
12. C
13. D
14. D
15. D

You might also like