Professional Documents
Culture Documents
Filipino10 Q1 S1
Filipino10 Q1 S1
Department of Education
FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
PANUTO: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ang _______ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa,
bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
A. alamat B. epiko C. kuwentong bayan D. mitolohiya
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
D. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
10. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
11. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. Dukkha B. mahirap C. marangya D. matiwasay
12. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay”. Ano ang
ipinapahiwatig ng pangungusap.
A. Ibigay ang hindi para sa iyo
B. Huwag maging sakim sa kapwa
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
15. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______, karapat-dapat lamang siya na
mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang
pangungusap?
A. dahil sa B. kung gayon C. tiyak D. tuloy