KOMUNIKASYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSUSURI

Basahin at suriin ang mga sumusunod na resolusyon, petisyon at introduksisyon ng


mga kilalang institusyon, samahan at indibiduwal tungkol sa wika at edukasyon.

Gumawa ng sariling pagtalakay at pasusuri.(isulat Resolusyon Upang Ituro


sa Filipino Ang Tatlong Asignaturang Pangkolehiyo Sa Level ng Edukasyong
Heneral (O.G.E.) ng National Commission for Culture and Arts

Sinasabi sa resolusyon na dapat nating gamitin ang wikang Filipino sa paaralan at


kolehiyo. Ito ay mahalaga dahil ito ay tumutlong sa atin na malaman ang tungkol sa ating
sariling kultura at makilala ng ibang mga bansa. Nakakatulong din ang resolusyon na ito sa
pagsasama-sama natin bilang mamamayang Pilipino. Ipinararating din nito na mahalagang ituro
sa kolehiyo ang ating wikang Filipino upang mas matuto sila at hindi madama na iba sila sa
kanilang sariling wika.

Filipino, Ang Pambansang Wikang Dapat Ipaglaban

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa higit pa sa hayop at malansang isda."
— Dr. Jose Rizal.

Ito ay isa sa mga linya na iniwan sa atin ng ating Pambansang bayani na kung saan
tinatalakay nya ang tungkol sa di paglingon o pagpahalaga sa ating wikang Filipino. Ang
wika ay isa sa maituturing na mahalagang yaman ng ating bansa. Mahalagang protektahan at
gamitin ang wikang Filipino dahil nakakatulong ito sa ating pag-uugnayan sa isa't isa at pag-
alala kung sino tayo bilang Pilipino. May mga taong nag-aalala na ang paggamit ng Filipino ay
mawawalan tayo ng ating pagkakakilanlan, ngunit hindi iyon totoo. Maipagmamalaki pa rin natin
kung saan tayo nagmula habang nagsasalita ng Filipino.

Posisyong Papel ng Pambansang Samahan sa Lingguwistika at Literaturang Filipino


(PSLLF) Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo

Nais ng PSLLF na tiyakin na ang wikang Filipino ay itinuturo sa kolehiyo bilang kinakailangang
asignatura. Naniniwala sila na mahalagang matutunan ng lahat ng Pilipino ang kanilang sariling wika at handa
silang tumulong sa paglikha ng mga aralin para sa paksang ito. Sa tingin nila, ang pagtuturo ng Filipino ay isang
magandang bagay at mapapakinabangan ng lahat.

Petisyong sa Korte Suprema ng Tanggol Wika


Sa tingin ko, isang maling desisyon ang huminto sa pagtuturo ng ating sariling wika at
panitikan. Ang ating pangunahing wika ay Filipino, kaya bakit hindi natin ito dapat gamitin?
Nagiging mas mahalaga ba ang mga wikang banyaga? Maraming wika ang nawawala dahil
hindi ginagamit o tinuturuan, at nakakalungkot isipin na baka balang araw ay hindi na marunong
magsalita ang mga kabataan ng kanilang sariling wika. Kapag gumawa sila ng mga patakaran
tungkol dito, hindi man lang sila nagtatanong sa mga eksperto na nakakaalam nito. Labag din
sa batas ng bansa ang pagtigil sa pagtuturo ng wika at panitikang Filipino. Ang pagtanggal sa
mga paksang ito ay makakaapekto rin sa mga guro, na marami sa kanila ay maaaring mawalan
ng trabaho dahil dito.
PAGSUSULIT
Gamit ang timetable, isulat sa kahon ang mga mahahalagang pangyayari batay sa isinasaad ng
taon.

You might also like