2nd Modyul 6.1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa

Pagtuturo ng Araling Panlipunan VII


I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy ng Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(Ika-16 hanggang Ika-20 Siglo).
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
- Ang mag–aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong panahon
(ika-16 hanggang ika -20 Siglo).
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
- Napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Layunin:
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala ang mga nangunang nasyonalista sa mga bansa sa Timog Asya at
Kanlurang Asya,
B. Natatalakay ang paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya; at
C. Naipapahayag ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa
imperyalismo sa Timog Asya at Kanlurang Asya.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Bahaging Ginagampanan ng Nasyonalismo
b. Sanggunian: MELC 7
c. Kagamitan: Pisara, Tisa, Larawan, Manila paper, marker

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga klas!
Magandang umaga rin po, Guro!
2. Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating


bagong talakayan tayo muna (Isinagawa ang panalangin)
ay tumayo at manalangin.

3. Pamamahala ng Silid-aralan
Bago tayo umupo maaari bang
pulutin ang mga kalat na (Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
inyong makikita at itapon sa mga upuan at pupulutin ang mga kalat)
tamang basurahan.
4. Pagtatala ng Lumiban sa
Klasse
May lumiban ba sa klase natin,
klas? Wala po, Guro.

Mabuti kung ganoon

5. Paglalahat ng mga Layunin


Pagkatapos ng 60 minutong
talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

A. Nakikilala ang mga nangunang


nasyonalista sa mga bansa sa
Timog Asya at Kanlurang Asya,
B. Natatalakay ang paglaya ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang
Asya; at
C. Naipapahayag ang kahalagahan
ng nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa
Timog Asya at Kanlurang Asya.

IV. PAGTATALAKAY SA ARALIN


1. Balik-aral
Sa araw na ito ay may bago tayong paksang
tatalakayin ngunit bago ang lahat magbalik-
tanaw muna tayo sa ating pinag-aralan. Ano
ba ang inyong natatandaan hinggil sa ating
tinalakay?

Ang huli po nating tinalakay ay tungkol po


sa Karanasan at Bahaging Ginampanan ng
Tama! Kababaihan tungo sa Pagkakapantay-
pantay, Pagkakataong Pang-ekonomiya at
Anu-ano ang mga bansa sa Timog at Karapatang Pampolitika, Guro.
Kanlurang Asya na ating tinalakay?

Magaling! Ang mga banasa sa Timog Asya ay India,


Pakistan, Sri-Lanka, Bangladesh at sa
Magbigay ng mga Sangguniang Kababaihan Kanlurang Asya ay ang Arab Region, Guro.
ng India, Pakistan, Sri-Lanka, Bangladesh at
sa Arab Region,
National Council of Indian Women (1925) sa
India, United Front for Women’s Right sa
Pakistan, Convention on the Elimination of
All Forms of Discrimination Against Women
Mahuasay! (CEDAW) ng Sri-Lanka, Platform Against
Sexual Harassment sa Bangladesh at Isha
2. Pagganyak L’Isha-Haifa Feminist Center naman sa Arab
Ngayon bago tayo dumako sa ating Region.
talakayan sa araw na ito magkakaroon muna
tayo ng isang gawain na aking inihanda
upang magkaroon kayo ng ideya kung ano
ang ating tatalakayin.
PICTURE PUZZLE
Panuto: Hahatiin sa limang pangkat ang
klase at ang bawat pangkat ay bibigyan ng
isang envelop na naglalaman ng “jumbled
picture” at mag-uunahan sa pagbuo nito, ang (Unang grupo)
unang makabubuo ay may makukuhang 5
puntos.

(Pangalawang grupo)

(Pangatlong grupo)

(Pang-apat na grupo)

(Panglimang grupo)

3. Paglalahad
Ngayon klas sa ating natapos na gawain, ano
sa tingin ninyo ang ating bagong
Sa aking palagay ito po ay may kinalaman sa
tatalakayin?
nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.
Magaling!
Sino pa ang may ideya kung ano ang ating
tatalakayin ngayong araw? Sa aking ideya ito po ay tungkol sa
pamumuno na kung saan ipinaglalaban ang
kanilang kalayaan at ipinakita ang
pagmamahal sa bansa o bayan
Mahusay!
Lahat ng inyong ideya o nabanggit ay tama.

Ngayon ang ating tatalakayin ay tungkol sa


Bahaging Ginagampanan ng Nasyonalismo
sa Timog at Kanlarang Asya.

4. Pagtalakay
Ano nga ba ang ibig sabihin ng Ang ibig sabihin po ng nasyonalismo ay ang
Nasyonalismo? pagmamahal sa bansa.

Tumpak!

Ang unang bansa na ating tatalakayin ay ang


bansang India. Ang nasyonalistang
namumuno sa India ay si Mohandas  Hindu na namuno upang ipaglaban ang
Karamchad Gandhi. Ano sa tingin nyo ang hinaing ng mga Indian laban sa
kanyang ambag sa kanyang bansa upang mananakop na Ingles.
makamit ang kalayaan?   Kilala bilang “Mahatma” o “Dakilang
Kaluluwa”.
  Inspirasyon ng marami dahil sa
tahimik na pamamaraan upang matamo
ng India ang kalayaan.
  Tinuruan ang mga mamamayan na
itaguyod ang kalayaan na hindi
gumagamit ng karahasan sapagkat
naniniwala siya sa ahimsa (lakas ng
kaluluwa) at satyagraha.
  Ipinakilala ang “civil disobedience”
kung saan hinihikayat ang mga Indian
na magboykot o huwag bumili ng
kalakal o produktong Ingles.
  Isinagawa ang pag-aayuno o hunger
strike upang makuha ang atensiyon ng
mga Ingles at upang mabigyang-pansin
ang kanilang kahilingang lumaya.

 Enero 30, 1948 – siya ay nabaril at


namatay.
Kailan nabaril at namatay si Gandhi? Sige
nga Jonas?

Tama!
 Agosto 15, 1947 – nakamit ng India ang
Kailan naman nakamit ng India ang kalayaan sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru.
kalayaan sa pamumuno ni Jawaharlal
Nehru?
Dahil ayaw po niya na magbuwis ng buhay
ang mga tao upang makamit lamang ang
Mahusay!
kalayaan.
Bakit nais ni Gandhi na hindi gumamit ng
dahas?
Maraming buhay ang mawawala at
maraming pamilya ang mawawalan ng
Tama! Ano ba ang mangyayari kung gagamit mahal sa buhay.
ka ng dahas sa pakikipaglaban?

Tama!
December 25, 1876 – isinilang sa Karachi,
Ngayon naman dumako tayo sa bansang Pakistan
Pakistan na pinamumunuan ni Mohamed Ali
Kilala bilang “Ama ng Pakistan”
Jinnah, ano naman ang kayang ambag?
Namuno sa Muslim League noong 1905, na
ang layunin ay ang magkaroon ng hiwalay
na estado para sa mga Muslim

Mohamed Ali Jinnah

Sino ang kauna-unahang itinanghal bilang


gebernador heneral ng Pakistan?
Agosto 14, 1947 – ipinagkaloob ang
Tumpak! kalayaan ng Pakistan

Kailan ipinagkaloob ang kalayaan ng


Pakistan?
Setyembre 11, 1948 – siya ay namatay
Magaling!

Kailan namatay si Mohamed Ali Jinnah?

Upang mapanatili ang paraan ng kanilang


pamumuhay na nakabatay sa relihiyong
Magaling!Bakit kaya ninais ni Jinnah na Islam.
magkaroon ng sariling bansa ang mga
Muslim?

Hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at


Ang ikatlong nasyonalista naman ay ang France na hatiin ang Imperyong Ottoman
ating kikilalanin, siya ay namumuno sa nang matapos ang kanilang digmaan noong
bansang Turkey at siya si Mustafa Kemal, 1912
ano naman ang kanyang iniambag?

Salonika, bahagi ng Imperyong Ottoman


siya ay ipinanganak.

Kailan ipinanganak Mustafa Kemal?

Tumpak! May 200 Turko at Arabong militar ang


lumaban sa 2000 Italyano na kanilang
Ilang militar ang mayroon ang Turko at
naitaboy at 200 ang nahuli at napatay
Arabo upang pakipaglaban sa mga Italyano?

Nagbigay-daan sa kalayaan ng Turkey sa


Mahusay!
kabila ng pagnanais ng mga bansang France,
Great Britain, Greece at Armenia na
paghatihatian ang kanilang bansa

Si Mustafa Kemal, Guro.

Sino ang tumawag ng halalang pambansa at


hiwalay na parliament at nagsilbi siyang
Tagapagsalita.
Dahil may mga pamamaraan o sistema na
Magaling! hindi akma sa kasalukuyang panahon sa
kanilang bansa o kaya naman po ay labag sa
Mahusay!! Bakit nagsagawa ng maraming kagustuhan ng nakararami.
pagbabago si Mustafa Kemal sa kanyang
bansa?
Dahil kailangan po ng pagbabago upang
makasabay ang kanilang bansa sa takbo ng
iba pang bansa.
Tama, sino ang may ideya?

Hindi po! Dahil kailangan po ng maraming


tao na nagkakaisa upang makamit ang
hangarin mo na mapalaya ang iyong bansa
Tama! Kung ikaw ay mag-isa lamang posible
tulad po ng nangyari sa Turkey na
ba na ikaw ay magtagumpay na palayain ang
sinuportahan po si Mustafa Kemal ng
iyong bansa?
militar.
Magaling!

Ang ika apat na nasyonalista naman ay si Setyembre 24, 1902 – siya ay isinilang
Ayatollah Khomeinina namumuno sa
iran,ngayon.

Kailan isinilang si Ayatollah Khomeinina? Nagsimulang maging aktibo sa politika


noong 1962
Tama!

Anong taong nagsimulang pagiging aktibo


ng politika?

Magaling!

Binatikos ba ang mga karahasan sa mga Oo po, Guro.


mamamayan na ginagawa ng Shah at
pagpanig ng mga ito sa interes ng mga
dayuhan tulad ng United States? Oo o Hindi

Tama!. Gumawa sila ng makasaysayang talumpati.

Ano ang ginawa nilang makasaysayan noong


Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling
ng Shah sa mga dayuhan?

Tama!

Nagpalabas ng isang fatwa sa Tehran radio


na nagbigay ng isang parusang kamatayan
sa isang manunulat na Ingles na si Salman
Rushdie at sa kanyang tagapagpalimbag ng Hunyo 3, 1989 – siya ay namatay
aklat na may titulong Satanic Verses

Ngayon, kailan namatay si Ayatollah


Khomeinina?

Tumpak!
Nobyembre 24, 1880 – siya ay isinilang
Ngayon ang panghuli naman ay si Ibn Saud
nanamumuno sa bansang Saudi Arabia.

Kailan ipinanganak si Ibn Saud? Ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia ay


si Ayatollah Khomeinina.
Magaling!

Sino ang kauna-unahang hari ng Saudi


Arabia?
Mahusay! Napasakamay nila ang Riyadh noong 1902

Anong taon napasakamay nila ang Riyadh?

Tama!

Nasakop ang Najd noong 1912 at dito


bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo

Taong 1924 – 1925 napabagsak niya si


Husayn Ibn Ali ng Hejaz at iprinoklama ang
sariling hari ng Hejaz at Nejd

Ano ang ipinangalan ni Ibn Saud sa kanyang Ipinangalanang Saudi Arabia ang kanyang
kaharian? kaharian noong 1932

Tagumpay na nahimok ang mga


nomadikong tribo na mapaayos ang
kanilang pamumuhay at iwasan ang
panggugulo at paghihiganti

Nawala sa kanyang pamumuno ang


Binigyan nang pahintulot ang United States
nakawan at pangingikil sa mga dumadalo sa
na magkaroon ng oil concession sa Saudi
pilgrimage sa Mecca at Medina
Arabia noong 1936 at 1939

Prince Saud – kanyang anak na pumalit sa


kanya.

Sino ang pumalit kay Ibn Saud?

Tama! Gumamit po siya ng pakikidigma upang


mabawi ang mga lupain na dating sakop ng
Magaling! Paano naman nabawi ni Saud ang kanilang pamilya
mga lupaing sakop ng kanyang pamilya?

Opo, Guro.
Tumpak!

Nauunawaan po ba natin ang ating aralin Wala po, Guro.


ngayon?

May katanungan ba o nais liwanagin sa ating


talakayan?

Bilang isang mag aaral, maipapakita ko ang


5. Pagapapahalaga
pagiging nasyonalista sa pamamagitan ng
Sa puntong ito na nakilala na natin ang mga pagmamahal at pagpapakita ng katapatan sa
nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya. bansa. Ang simpleng pakikilahok sa flag
Paano mo naman maipapakita ang raising at pagkanta ng Pambansang awit at
pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng Panatang Makabayan ay nagpapakita ng
nasyonalismo? Ipaliwanag ang iyong sagot. nasyonalismo. Bukod pa rito, ay ang
pagpapahalaga sa mga aspeto o
asignaturang bumubuo sa ating bansa at ang
mula sa pusong pakikipag partipasyon sa
mga aktibidad sa paaralan tulad ng Buwan
ng Wika at iba pa.

Bilang mag-aaral, maisasabuhay ko ang mga


aral at turo ni Mohandas Gandhi sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng
pagpapakumbaba at pag iwas sa karasahan.
Bilang isang kabataan, paano mo
maisasabuhay ang mga aral at turo ni
Mohandas Gandhi sa kasalukuyan?

Mga Nasyonalista po sa Timog at Kanlurang


Asya
6. Paglalahat
Ayatollah Khomeini
Sulyapan natin muli ang tinalakaynatin sa Mohandas Karamchad Gandhi
araw na ito. Ano nga uli ang ating paksa ? Mustafa Kemal Ataturk
Ibn Saud
Mohamed Ali Jinnah
Tama! Sino- sino ang mga nasyonalista?

Gumamit po siya ng ahimsa at satyagraha sa


pakikipaglaban
Tama! Ano ang bagay ang ginamit ni
Mohandas Karamchad Gandhi? Nakilala po siya sa pangunguna niya na
magkaroon ng hiwalay na bansa para sa mga
Muslim sa Indiaat tianawag siyang ama ng
Pakistan.
Mahusay! Saang bagay naman nakilala si
Mohamed Ali Jinnah?
Guro! Siya po ang nagbigay daan upang
lumaya ang Turkey

Tama! Ano naman ang nagawa ni Mustafa Ipinaglaban po niya ang kapakanan ng
Kemal? kanyang mga kababayan laban sa karahasan
ng Shah at pagpanig nito sa mga dayuhan
po, Guro.
Mahusay! Paano naman ipinakita ni
Ayatollah Roullah Mousari Khomeini? Guro! pinagbuklod at pinaunlad po niya ang
ekonomiya ng Saudi Arabia.

Mahusay! Paano naman nakilala si Ibn Saud?

Magaling!

V. PAGTATAYA
A. Panuto: Itambal ang tinutukoy ng mga pangungusap sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. Siya ay isang Hindu na namuno upang. A. Setyembre 24, 1902
Ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa
B. Enero 30, 1948
mga mananakop na Ingles.
C. Agosto 15, 1948
_____2. Ito ang kahulugan sa ibang katawagan kay
Gandhi na Mahatma. D. Dakilang Kaluluwa
_____3. Isang salitang nangangahulugang “lakas ng E. Gandhi
kaluluwa”.
F. 1904
_____4. Petsa kung kailan nakamit ng India ang
G. 1905
kalayaan.
H. 1906
_____5. Nabaril at napatay si Gandhi sa petsang ito.
I. Ibn Saud
_____6. Siya ay nasyonalistang ipinanganak sa
Salonika, bahagi ng Imperyong Ottoman. J. Mohamed Ali Jinnah
_____7.Ang naging kauna-uanahang hari ng Saudi K. Mustafa Kemal
Arabia.
L. Ahimsa
_____8. Nasyonalistang kilala bilang “Ama ng
Pakistan”.
_____9. Sa taong ito pinamunuan ni Ali Jinnah ang
Muslim League.
_____10. Petsa ng kapanganakan ng
nasyonalistang si Ayatollah Khomeini.

B. Panuto: Lagyan ng (√) kung ang pangungusap ay TAMA at (X) naman kung

MALI. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______1. Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.

______2. Naging tanyag si Gandhi sa katawagan na Ahimsa.


______3. Ang Ahimsa ay nangangahulugang “Dakilang Kaluluwa”.

______4. Ang layunin ng Muslim League sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah ay ang magkaroon
ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

______5. Si Ayatollah Khomeini ay tumawag ng halalang pambansa sa Turkey.

VI. TAKDANG ARALIN


Sa isang buong papel, gumawa ng collage na naglalarawan ng sariling pangkahulugan sa
Nasyonalismo.

Inihanda ni: JOY C. AGUSTIN

Practice Teacher

Iwinasto ni: CHERRY B. CABADDU

Cooperating Teacher

You might also like