Impormasyon FIL 113-3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa

MGA MATERYALES NG MODYUL


Talaan ng mga Modyul

Blg. CODE NG
PAMAGAT NG MODYUL
MODYUL
Wika
1. FIL 113 -1

China
2 FIL 113 -2
INDONES
3 FIL 113 -3
Thailand
4 FIL 113-4
India (Bumbay)
5 FIL 113-5
Singapore
6 FIL 113-6
Japan
7 FIL 113-7
Burma
8 FIL 113-8
Malaysia
9 FIL 113-9
Cambodia
10 FIL 113-10
Korea
11 FIL 113-11

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 1 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
INDONES

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 2 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
NILALAMAN NG MODYUL

PAMAGAT NG KURSO: Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa

PAMAGAT NG MODYUL Indones

BILANG NG ORAS: 5

MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PAGKATUTO:


Sa pagtatapos ng kurso, magagawa ng mga mag-aaral ang:

1. Mapahalagahan ang iba’t ibang akda na naisalin sa wikang Filipino


mula sa wikang Indones
2. Mabatid ang mga impluwensiya , kahalagahan, prinsipyo ng mga
panitikan ng Indones
3. Matalos ang mga aral sa bawat panitikan ng Indones

PANGALAWANG PAKSA
Kapaligirang pangkasaysayan
Impluwensiya ng Indones sa Pilipino
Panitikan
Maikling Kwento
Nobela
Sanaysay

PAMAMARAAN NG PAGTATASA:
• Oral naPagsusulit
• Pagsasanay
• Pagradong Talakayan

MGA SANGGUNIAN:
https://www.scribd.com/document/421565012/Paniniwala-Ng-Indonesia
https://www.scribd.com/document/354089328/Panitikan-Ng-Indonesia
https://www.scribd.com/presentation/356193616/Indonesia

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 3 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Mga ImpormasyonFIL 113-3
Indones

Inaaasahang matutunan :
Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. Mapahalagahan ang iba’t ibang akdang naisalin sa Filipino mula sa
wikang Indones

2. Maitala ang mga katangian, kahalagahan, aral ng mga akdang salin


mula sa wikang Indones

Taluntunin natin ang daan patungong Indonesia aing alamin ang ilan
patungkol sa bansang ito at sabay nating pagaralan ang ilan sa kanilang
panitikan na nagkaroon din ng malaking ambag sa sarili nating panitikan.
Ilalahad sa araling ito ang isang sanaysay na tatalakay sa isang babaeng
nagnais na kumawala sa nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at
mamuhay ng naayos sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya at
marunong humarap sa mga pananagutan.
Populasyon: 237,600,000
Kabisera: Jakarta
Klima: Tropikal
Pang-export: Langis ng palma, goma, petrolyo, uling
Wika: Bahasa Indonesia, at daan-daang diyalekto at wikang panrehiyon
Relihiyon: Karamiha’y Muslim (88 porsiyento)

Kasaysayan ng Indones
Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong
pangkalakalan simula pa noong ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at
paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang mga katutubong
mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at
modelong pampulitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap
ang Hinduismo at Budismo sa kapuluan. Naimpluwensiyahan rin ang
kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa likas
yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay
naging dominante sa kapuluan, habang ang mga
makapangyarihang Europeo ang nagdala ng Kristiyanismo at nakipaglaban
para monopolisahin ang kalakalan sa Kapuluang Maluku (Moluccas)
noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng
kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang
kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ang kasaysayan ng
Indonesia noon pa man ay magulo, at sinubok ng maraming kalamidad,
suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng mabilisang pagbabago at
paglago ng ekonomiya.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 4 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at
pananampalataya ang mga iba't-ibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit
ang Habanes ang pinakamalaki – at pinakadominanteng – pangkat etniko.
Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang
pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga
pangkat etniko, pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami
ang mga Muslim, at isang kasaysayan ng kolonyalismo at rebelyon laban dito.
Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka tunggal
ika" ("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na
nagsasabi na ang pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon
sektarya at separatismo ay nagdulot ng marahas na paghaharap na gumimbal
sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng populasyon at
dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa
bilang pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat
kay lawak ng mga parang nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yaman,
subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa kasalukuyan.

Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na


nangangahulugang "India", at salitang Griyego na nesos, na
nangangahululgang "pulo", kaparehas ng pangalan ng India.Ang pangalan ay
halaw pa noong ika-18 dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya ang
Indonesia.Noong 1850, Si George Earl, isang Ingles na etnologo, ay
iminungkahi ang salitang Indunesians — dahil sa paggamit
ng Malayunesians — para sa mga taong nakatira sa "Kapuluang Indiyan" o
"Kapuluang Malay".sa publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si
James Richardson Logan, ay ginamit ang Indonesia bilang kasingkahulugan
ng Kapuluan ng Indiya. Subalit ang mga sulat akademiko ng mga Olandes sa
mga nilimbag sa Silangang Indies ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay
ginamit nila ang salitang "Kapuluang Malay" (Maleische Archipel);
ang Netherlands East Indies (Nederlandsch Oost Indië), ang tanyag Indië; ang
silangang (de Oost); at pati na ang Insulinde
Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng "Indonesia" bilang
pantukoy sa bansa ng akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga
nasyonalistang Indones para sa kanilang mga pampolitikang
pamamahayag.Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng
Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des
Malayischen Archipels, 1884–1894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit
ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki Hajar Dewantara), nang siya ay
magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may pangalang Indonesisch Pers-
bureau noong 1913.
Noong ika-7 dantaon CE umusbong ang makapangyarhing kahariang
pandagat ng Srivijaya.

 Ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang dinastiyang agrikultural na


Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad. 
Ika- 13 dantaon, ang kahariang Hindu na Madyapahit ay nabuo sa silangang
Java.

 Ika- 16 dantaon ay lubusan ng niyakap ang paniniwalang Islam, at naging


dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra.
Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:
June 2020
Office Management Polytechnic Page 5 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
 Ika-20 dantaon naging dominante ang mga Olandes

 Sinakop ng Japan ang Indonesia- ikalawang digmaang pandaigdig

 Mohammad Hatta at Sukarno

 Prinoklama ang kasarinlan noong Aug. 17,1945

 Ang bansang Indonesia ay binubuo ng 17,508 na pulo, 34 probinsiya, 238


milyong katao at pangapat sa mga pinakamataong bansa sa mundo at ang
pinakamataong bansa ng Muslim.

Media Source: https://factsofindonesia.com/flag-of-indonesia

Bandila ng Indones
2 kulay: pula, puti.
Kahulugan ng bandila ng Indonesia: Ang Red ay para sa katapangan; puti ay
para sa kadalisayan. Ang Red ay maaari ring tumayo para sa pisikal na buhay,
habang ang puting simbolo ng espirituwal na buhay. Ang dalawang kulay na
ito ay pinagsama ang mga tao. Ang bandila ng Indonesia ay pinangalanang
"Sang Saka Merah-Putih", ibig sabihin ang "Banal na Pula at Puti".

KULTURA
Ang kultura ng Indonesia ay nanggagaling at nag-uugat sa kanilang
mga paniniwala, mga relihiyon, tradisyon, kultura, mga nakasanayan ng mga
katutubo at sining.

Ang mga tao sa Indonesia ay magagaling sa sining. Pati


pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan ay kanilang pinagbibigyang
pansin. Lahat ng bagay ay may kinalaman sa mga diyos at diyosa.
Bukod sa turismo, pinagkukunan kabuhayan din nila ang pagsasaka
dahil sa matabang lupa at mainam na klima dito. Kinuha mula sa iba’t ibang
rehiyon ang kanilang kultura.
Sa kabila ng impluwensya ng mga dayuhan na mananakop, may mga katutubo
o tribo na pinagyayaman pa rin ang kanilang kinagisnan tulad ng mga ritwal,
mga paniniwala at mga pangkakatutubong kasuotan.

Tradisyonal na sayaw ng Indonesian


Ang tradisyonal na sayaw ng mga Indonesian ay
ang Balinese.Ang Balinese ay isang sayaw na mayroong
mabilis na tempo.Ang tugtug na ginagamit sa sayaw na
Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:
June 2020
Office Management Polytechnic Page 6 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
ito ay Javanese Gamellan na sinamahan ng mga gongs
at mga cymbals upang makapaghandog ng isang magandang musika.
(Media Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Dance_in_Indonesia)

Tradisyonal na Suot ng Indonesia


May mga tradisyonal na paraan ng pagsusuot,
pagtitiklop, at paggawa ng batik na batay sa lokal na
mga paniniwala at pamahiin. Marami sa mga probinsiya
sa Indonesia ang may tipikal na kulay at disenyo ng
batik. Halimbawa, ang batik mula sa hilagang baybayin
ng Java ay may matitingkad na kulay at kadalasa’y may
disenyong bulaklak, ibon, at iba pang hayop. Ang batik
naman mula sa gitnang Java ay kadalasan nang
heometriko ang disenyo at iilan lang ang kulay. Mga
3,000 disenyo ng batik ang nakatala.

Ang isang tradisyonal na kasuutang batik ay ang selendang, isang


shawl o telang isinasabit ng mga babae sa kanilang balikat. Madalas, dito nila
inilalagay ang kanilang baby o ang kanilang pinamili. Pero ipinantatakip din
nila ito sa ulo kapag mainit ang panahon.

Ang mga lalaki ay gumagamit ng putong na tinatawag na iket


kepala. Ang parisukat na batik na ito ay itinatali sa ulo gaya ng isang turban
at madalas gamitin sa mga pormal na okasyon.

Ang isa pang popular na kasuutang batik ay ang parihabang tela na


ibinabalot sa katawan, na tinatawag na sarong. Kung minsan, tinatahi ang
magkabilang dulo nito para pagdugtungin na gaya ng malong. Ang karaniwang
sarong ay itinatapis na parang palda. Isinusuot ito ng mga lalaki at babae.

Panitikan

Raden Adjeng Kartini - isang feminist, isinilang siya noong 1879 at


nagkaroon ng pribilehiyong makapag-aral bagaman “nakulong” ayon sa
tradisyong Javanese, nang sapitin niya ang ika-12 taong gulang. Namatay siya
sa gulang na 24, subalit nakapag-iwan ng isang mahabang talaan ng mga
liham na may mga kaisipang magpahanggang ngayo’y nakaukit sa puso’t
damdamin ng kahit karaniwang Javanese.
• Noong Mayo 25, 1899 ay sinulat ni Raden Adjeng Kartini ang liham na ito
kay Stella Zeehandler.
• Si Kartini ay panganay sa tatlong magkakapatid na babaeng anak ng Regent
Japara. Anim silang magkakapatid.
• Ipinaliwanag ni Kartini sa liham na labag sa kanilang kaugalian at tradisyon
na makapag-aral ang mga babae.
• Isinalaysay niya rin na siya’y ikinulong at pinagbawalang makipag-ugnayan
kahit kanino noong siya’y tumuntong ng ikalabindalawang taong gulang.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 7 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
• Ipinagkasundo siya ng kanyang mga magulang.
• Tinulungan siya ng kanyang mga kaibigang Dutch ngunit nabigo rin sila.
• Binanggit din sa liham ang kanyang mga hangarin. Ibig niyang makakilala ng
isang modernong babae.
• Nais din ni Kartini na makapaglingkod sa mga bagong kababaihan sa Europa
ngunit di niya magawa dahil nakatali pa rin sila sa lumang tradisyon.
• Pangarap niya ring sumalungat sa mga lumang tradisyon. Ngunit di niya
kayang isakripisyo ang karangalan ng pamilya.
• Nakalabas ng kulungan si Kartini ng siya ay labing – anim na taong gulang.
Nangyari ito ng maluklok ang Reyna Wilhenmina ng Netherlands.

Kay Estella Zeehandelaar


Salin ni Ruth Elynia S.
Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara, Mayo 25,
1899
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng
malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala
sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon;
totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian,
kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong
ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap
na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang
tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali
at kami’y pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko,
maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na
henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong
ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at
kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang
hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon
namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang
malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y
magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga
buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at
ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay,
mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 8 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi
pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit
at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago
sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na
sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan
ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pangunawa. Gumigising ito para
hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong
mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at
sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking
bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot
sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng
iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol
hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang
magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara.
Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-aunahang regent ng gitnang Java na
nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang
sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European,
at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa
kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila
ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t
nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang
bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong
nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang
dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng
pagkakataong makapagaral dahil na rin sa kahigpitan ng aming lumang
tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga
babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa
eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay
ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung
sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad
namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga
European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa
bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-
uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na
makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang
estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking
ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli,
nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang
pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 9 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga
magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang
tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man
ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging
kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang
pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito
lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang
kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon;
umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit
niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan
ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at
bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-
anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang
Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang
sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga wala
naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang
prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa
amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang
pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at
pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon.
Anong dakila ng tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng
tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang
“mundo” naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang
nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa
amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring
makipamista,o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong
magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-
aral, hindi para mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para
pagasawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang
pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang
pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang
pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang
sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa
lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para
sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa
kanya lang.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 10 of 10
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113

You might also like