Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa

MGA MATERYALES NG MODYUL


Talaan ng mga Modyul

Blg. CODE NG
PAMAGAT NG MODYUL
MODYUL
Wika
1. FIL 113 -1

China
2 FIL 113-2
Indones
3 FIL 113-3
Thailand
4 FIL 113-4
India (Bumbay)
5 FIL 113-5
Singapore
6 FIL 113-6
Japan
7 FIL 113-7
BURMA
8 FIL 113 -8
Malaysia
9 FIL 113-9
Cambodia
10 FIL 113-10
Korea
11 FIL 113-11

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 1 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
BURMA

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 2 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
NILALAMAN NG MODYUL

PAMAGAT NG KURSO: Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa

PAMAGAT NG MODYUL Burma

BILANG NG ORAS: 4

MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PAGKATUTO:


Sa pagtatapos ng kurso, magagawa ng mga mag-aaral ang:
1. Mapag-uri-uri ang mga panitikan mula sa Burma
2. Makikilala ang mga prinsipyo, aral, katangian ng mga panitikan mula
sa Burma
3. Matalos ang mga aral sa bawat panitikan ng mga umuunlad na bansa

PANGALAWANG PAKSA
Kapaligirang pangkasaysayan
Panitikan
Maikling kwento
Nobela
Manunulat

PAMAMARAAN NG PAGTATASA/S:
• Oral naPagsusulit
• Pagsasanay
• Pagradong Talakayan

MGA SANGGUNIAN:
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/myanmar-63177149

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 3 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Mga ImpormasyonFIL 113-7
Burma

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL:


Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. Matalos ang mga impluwensiya, kahalagahan, mga aral ng panitikang
galing sa Burma
2. Mapag-uri-uri ang mga panitikan mula sa Burma
3. Makikilala ang mga prinsipyo, aral, katangian ng mga panitikan mula sa
Burma

Media Source:
https://www.worldatlas.com/webimage/countrys/asia/bu
rma/mmflags.htm

MYANMAR Ang “Ginintuang Lupain”

HEOGRAPIYA
∞ Matatagpuan sa pagitan ng mga hanay ng bundok na bumubuo ng isang
likas na hangganan kasama ng katabing mga bansa nito sa Asia ang
“Ginintuang Lupain.” Sa timog-kanluran, ang Bay of Bengal at ang
Andaman Sea ay humahampas sa halos mahigit na 2,000 kilometro ng
dalampasigan nito. Sa kanluran masusumpungan ang Bangladesh at India;
sa hilaga, ang Tsina; at sa silangan, ang Laos at Thailand. Ito’y mas malaki
nang kaunti sa Madagascar at mas maliit sa estado ng Texas sa Hilagang

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 4 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Amerika. Ang pangalan ng lupaing ito Myanmar, ang dating Burma.

∞ Tinatawag na Ginintuang Lupain ng unang mga nanirahan dito, maraming


kayamanan ang Myanmar: langis at gas, tanso, lata, pilak, tungsten, at iba
pang mineral, at gayundin ang mahahalagang bato, tulad ng mga sapiro,
esmeralda, rubi, at jade. Kabilang sa iba pang mga kayamanan nito ang
tropikal na maulang mga kagubatan na may mga kahoy na bihirang
makita, tulad ng teak, rosewood, at nara. Ang mga kagubatang ito ay
tahanan din ng maraming hayop sa ilang—mga unggoy, tigre, oso, kalabaw,
at elepante ang ilan sa mga ito. Ngunit ang tunay na kayamanan ng
Ginintuang Lupain ay ang mga mamamayan nito.

KASAYSAYAN NG MYANMAR
∞ Hindi gayon kaliwanag ang pinakamaagang kasaysayan ng Myanmar,
ngunit tila ilang tribo ang nandayuhan doon mula sa katabing mga lupain.
Ang Mon ang malamang na nagbigay sa lupain ng pangalang
Suvannabhumi—na nangangahulugang “Ginintuang Lupain.” Ang mga
Tibeto-Burman ay nagmula sa silangang Himalayas, at ang Tai ay
nanggaling naman sa lugar na ngayon ay timog-kanlurang Tsina. Ang baku-
bakong kalupaan ng Myanmar ang nagpapanatili sa mga tribo na
magkakabukod—na siyang dahilan ng pagkakaroon ng maraming tribo at
wika.

∞ Noong unang mga taon ng ika-19 na siglo, nagsimulang dumating ang mga
Britano mula sa kasasakop na India. Nanirahan muna sila sa katimugang
rehiyon at nang dakong huli, sinakop ang buong bansa. Pagsapit ng 1886,
ang Burma, na tawag noon sa Myanmar, ay naging bahagi ng Britanong
India.

∞ Noong Digmaang Pandaigdig II, ang lupaing ito ay naging sentro ng


malulupit na alitan, at sa ilang buwan lamang noong 1942, napalayas ng
mga hukbong Hapon ang mga Britano. Kasunod nito, itinayo ang
kasuklam-suklam na “Riles ng Kamatayan.” Ang 400-kilometrong riles na
ito na bumabagtas sa di-kaayaayang kalupaan ng mga kagubatan at mga
bundok ang nagdurugtong sa Thanbyuzayat, sa Burma, at sa Nong Pladuk,
sa Thailand. Dahil sa kakapusan sa metal, ang karamihan sa linya ng tren
ay nagmula sa mga riles na kinuha sa gitnang Malaya (Malaysia ngayon).
Isang maliit na bahagi ng proyekto—pagtatayo ng isang tulay sa River
Kwai—ang nang maglaon ay naging basehan ng isang tanyag na pelikula.
∞ Sa tulong ng 400 elepante, mahigit na 300,000 lalaki—mga bihag ng
digmaan at mga sibilyang taga-India at taga-Burma—ang gumawa ng riles.
Sampu-sampung libo ang namatay sa konstruksiyon. Yamang madalas na
sinasalakay ng mga eroplanong pambomba ng Alyado, ang linya ng tren ay
Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:
June 2020
Office Management Polytechnic Page 5 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
hindi gaanong napakinabangan at nang dakong huli ay inabandona ito.
Nang maglaon, binunot ang karamihan sa mga riles at ginamit ito sa ibang
lugar.

∞ Sa wakas, gumanti ang Britanya, at nagtagumpay sa pagbawi sa bansa


mula sa Hapon noong 1945. Ngunit sandali lamang ang pamamahala ng
Britanya, yamang nakamit ng Burma ang kasarinlan nito mula sa Britanya
noong Enero 4, 1948. Noong Hunyo 22, 1989, tinanggap ng United Nations
ang bagong pangalan ng bansa na Myanmar.

ANG WATAWAT NG MYANMAR


∞ Ang 14 na mga bituin at 14 cogs sa bandila ay kumakatawan sa 14 na
administratibong dibisyon ng Burma, Ang ngipin ng gulong ay sumisimbolo
sa industriya, at ang palay ay sumisimbolo sa agrikultura. Ang pulang
kulay naman ay sumisimbolo sa katapangan, ang puting kulay naman ay
kumakatawan sa kadalisayan, at ang asul.

ANG MGA MAMAMAYAN NG MYANMAR


∞ Likas na mahihinahon at mapapayapa, ang mga mamamayan ng Myanmar
ay may mabuting pag-uugali at mapagpatuloy. Pinakikitunguhan nila ang
mga panauhin nang may paggalang at dignidad. Karaniwan nang tinatawag
ng mga bata ang nakatatandang mga lalaki na tiyo at ang nakatatandang
mga babae na tiya.

∞ Ang mga nagpupunta sa Myanmar ay madalas na nagkokomento sa


makikinis na kutis ng mga may-edad na. Ang isang dahilan ng malasutlang
kutis na ito, halimbawa sa mga babae, ay ang popular at mapusyaw-na-
gintong kosmetiko sa mukha—ang thanaka—mula sa puno ng thanaka. Sa
pamamagitan ng paggiling ng isang piraso ng sanga sa isang matigas at
lapád na bato at pagdagdag ng kaunting tubig, nakagagawa ang mga babae
ng isang pinong balsamo, na kanilang ipinapahid nang may artistikong mga
disenyo sa kanilang mukha. Bukod sa ito ay nakababawas ng mga kulubot
at nakapagpapalamig, ipinagsasanggalang din ng thanaka ang balat mula
sa masakit na tama ng tropikal na araw.

∞ Ang karaniwang pananamit para sa lalaki’t babae sa Myanmar ay ang lungi,


na madaling ginagawa sa pamamagitan ng pagtatahi sa isang piraso ng tela,
na may dalawang metro ang haba, sa magkabilang dulo nito upang bumuo
ng isang bilog. Pagkatapos na isuot ito, ibinabalot ng isang babae ang lungi
sa kaniyang puson, kagaya ng palda, at isinusuksok ang nakakalag na dulo
nito sa kaniyang baywang. Sa kabilang dako naman, kinukuha ng lalaki

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 6 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
ang dalawang dulo at may-kaluwagang itinatali ang mga ito sa baywang sa
harapan. Mahinhin at presko sa katawan, angkop na angkop ang lungi para
sa mga tropikong lugar.

∞ Ipinakikita ng isang pagdalaw sa mga pamilihan na ang mga mamamayan


ng Myanmar ay nagtataglay ng maraming kakayahan—dalubhasa sa
paghahabi ng seda, paggawa ng alahas sa pamamagitan ng kamay, at pag-
ukit ng kahoy. Ang teak, nara, at iba pang kahoy ay nagiging
nakapupukaw-pansing mga pigura ng mga tao, tigre, kabayo, kalabaw, at
elepante. Maging ang pang-araw-araw na mga bagay tulad ng mga pang-
ibabaw ng mesa, dibisyon ng kuwarto, at upuan ay pinapalamutian ng
masasalimuot na ukit. Ngunit kung ikaw ay seryoso sa pagbili nito, dapat
na handa kang makipagtawaran!

∞ Ang mga mamamayan ng Myanmar ay magaling din sa paggawa ng


maririkit na pinalamutiang mga bagay na binarnisan—mga mangkok,
bandehado, at kahon na may takip. Pero ang nagpapangyari sa mga
paninda nila na maging kakaiba ay ang kanilang uwidong disenyo at mga
inukit na padron. Ang pangunahing anyo ay nagsisimula sa tulad-gasang
habi ng pinong mga piraso ng kawayan. (Ang mas mataas na kalidad na
mga produkto ay nagsisimula sa pinagsamang habi ng kawayan at buhok
ng kabayo.) Sa balangkas na ito, ang bihasang manggagawa ay
nagdaragdag ng pitong pahid ng barnis, na ginawa sa pamamagitan ng
paghahalo ng langis ng thisei, o puno ng barnis, at ng sinunog na buto ng
hayop na giniling nang pino.

∞ Kapag tuyo na ang barnis, inuukit ng dalubhasa ang isang disenyo sa


ibabaw ng produkto sa pamamagitan ng isang aserong pluma. Pagkatapos,
pagkapahid ng kaunting pintura at pampakintab, ang resulta ay hindi
lamang isang mainam na likha ng sining kundi isa ring bagay na
magagamit sa tahanan.

LAGANAP ANG IMPLUWENSIYA NG RELIHIYON

∞ Mga 85 porsiyento ng mga mamamayan sa Myanmar ay Budista; ang


natitirang bahagi ay pangunahin nang nag-aangking Muslim at Kristiyano.
Kagaya ng kalakhan ng Timog-silangang Asia, ang relihiyon ay gumaganap
ng pangunahing papel sa buhay ng karamihan ng mga mamamayan sa
Myanmar. Gayunman, ilang relihiyosong kaugalian ang di-pamilyar sa
maraming panauhin.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 7 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
∞ Halimbawa, ang mga Budistang monghe ay nanatang hindi hihipo ng isang
babae. Kaya bilang paggalang, nag-iingat ang mga babae na hindi
masyadong lumapit sa mga monghe. Ang mga relihiyosong kaugalian ay
may epekto rin sa paglalakbay sa bus. Ang isang taga-Kanluran ay
maaaring magtaka sa isang karatula sa bus na nagsasabing: “Pakisuyong
huwag tanungin ang drayber kung anong oras tayo inaasahang
makararating sa ating paroroonan.” Nagsasawa ba ang mga drayber sa
mainiping mga pasahero? Hindi. Naniniwala ang mga Budista roon na ang
mga nat (mga espiritu) ay maaaring mayamot sa gayong tanong at maaaring
iantala ang bus!

ISANG LUPAIN NG GININTUANG MGA KABISERA

∞ Sa paglipas ng mga siglo, nagkaroon ng maraming kabiserang lunsod ang


Myanmar. Halimbawa, sa sentro ng Myanmar matatagpuan ang Mandalay,
na popular na tinatawag na Ginintuang Lunsod. Ang lunsod na ito, na may
nakakalat na daan-daang pagoda mula sa bawat yugto ng kasaysayan, ay
may 500,000 katao at siyang huling kabisera bago ang pananakop ng
Britanya. Binigyan ni Haring Mindon ng maharlikang mga parangal ang
Mandalay noong 1857, nang magtayo siya ng isang malaking palasyo roon
para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga reyna. Ang 4 na kilometro
kuwadrado ng sinaunang lunsod ay masusumpungan sa loob ng mga pader
na may 8 metro ang taas at 3 metro ang kapal sa paanan nito. Nakapalibot
sa mga pader ang isang bambang na 70 metro ang lapad.
∞ Noong 1885, ipinatapon ng mga Britano ang kahalili ni Mindon, si Haring
Thibaw, sa India, ngunit hindi nila ginalaw ang palasyo. Gayunman,
kabaligtaran ang ginawa ng Digmaang Pandaigdig II; at lubusang natupok
ito sa apoy. May katapangang itinayo ng mga mamamayan ng Myanmar ang
isang mahusay na replika ng palasyo at maging ang mariringal na pula-at-
gintong mga gusali nito na gawa sa kahoy sa orihinal nitong lugar. Bukás
ito para sa mga panauhin upang makita ito.
∞ Dalawang daang kilometro pababa sa ilog mula sa Mandalay ang Pagan. Isa
pang dating kabisera, itinatag ito noong unang milenyo ng Karaniwang
Panahon at bumangon sa tugatog ng karingalan noong ika-11 siglo; ngunit
inabandona ito pagkalipas lamang ng 200 taon. Gayunpaman, nagkalat sa
loob at sa palibot ng ilang maliliit na nayon ang daan-daang sira-sirang
templo at pagoda—mga alaala ng lumipas na kaluwalhatian.
∞ Ang kabisera sa ngayon, ang Yangon (opisyal na kilala bilang Rangoon
hanggang 1989), ay isang buháy na lunsod na may tatlong milyon katao, na
namumutiktik sa nagbubusinahang mga kotse, bus, at taksi na bukás ang
mga gilid. Bagaman maraming matatandang gusaling nagpapaalaala sa mga
kaarawan ng pananakop ng Britanya ang nakalinya sa mga abenidang
Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:
June 2020
Office Management Polytechnic Page 8 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
maluwang at may nakahilerang mga punungkahoy ng Yangon, kalakip na
ngayon sa nagtataasang mga gusali ng lunsod ang makabago at matataas
na otel at gusali ng opisina.
∞ Kabilang din sa nagtataasang mga gusaling ito ang 98-metrong ginintuang
tulis ng 2,500-taóng-gulang na Shwedagon Pagoda na nagsisiwalat sa
kayamanan at galíng sa arkitektura ng sinaunang panahon. Sinasabi na
mga 7,000 diamante at iba pang mahahalagang bato ang pumapaikot sa
tulis. Ang pinakadulo ng tulis nito ay kinokoronahan ng nag-iisang
diamanteng may 76 na karat. Katulad ng maraming sinaunang gusali sa
Myanmar, ang Shwedagon ay nasira at nayanig ng mga lindol at mga
digmaan, at ang kalakhang bahagi nito ay muling itinayo.
∞ Gayunman, inaangkin ng ilan na ang ginintuang Sule Pagoda ang siyang
tunay na pinakatampok na panoorin sa Yangon. May taas na 46 na metro,
ang 2,000-taóng-gulang na malaki at ginintuang Sule Pagoda ay nasa gitna
ng sangandaan ng apat na pangunahing kalye sa lunsod. Ang pagoda ay
napalilibutan ng magkakatabing tindahan.

ESPIRITUWAL NA GINTO

∞ Noong 1914, dalawang Internasyonal na Estudyante ng Bibliya (na siyang


pagkakakilanlan ng mga Saksi ni Jehova noon) ang dumating sa Rangoon
mula sa India, na naghanap ng mga tao na nagpapahalaga sa gintong may
mas mataas na uri—espirituwal na ginto. Noong 1928 at 1930, marami
pang misyonero ang dumating, at pagsapit ng 1939, tatlong kongregasyon
na may kabuuang bilang na 28 Saksi ang naitatag. Pinangasiwaan ng
tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa India sa Bombay ang
gawain doon hanggang 1938. Mula noon hanggang 1940, ang sangay sa
Australia ang nangasiwa sa gawain. Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II,
noong 1947, nagbukas ang unang tanggapang pansangay sa Myanmar sa
Rangoon.
∞ Noong Enero 1978, ang tanggapang pansangay ay inilipat sa Inya Road. Ang
tatlong-palapag na gusali ng punong-tanggapan ay tinatawag na Tahanang
Bethel sa Myanmar. Ang pamilyang Bethel na may bilang na 52 ay masikap
na gumagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga 3,000 Saksi
na aktibo sa bansa. Yamang maraming pantribong wika ang Myanmar, ang
pagsasalin ay isang pangunahing bahagi ng trabahong isinasagawa
sasangay. Ang masikap na paggawa ng mga Saksi ni Jehova ay
nakadaragdag ng isa pang ‘tipak ng ginto’ sa saganang kayamanan ng
Ginintuang Lupain.

Magagandang Tanawin

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 9 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Bagan

Sa isang repertoire ng napakalaking Buddhist templo, na itinayo ng King


Pagan sa maraming siglo, walang alinlangang ang Bagan ang pinakadakilang
arkiyolohikal na site sa lupa.
Kasalukuyan, na may 2,220 na mga natitirang templo (sa humigit-kumulang
13,000 na templo sa panahon ng pagtaas), ang tinubuang lupa na ito ay
nagbibigay ng makatarungang mga pagkakataon para sa malayang pag-
explore. Ang mga templo ay malapit sa bawat isa, kaya nagbibigay ito sa iyo ng
isang malawak na hanay ng mga paglipat ng mga paraan tulad ng paglalakad,
pagbibisikleta, bus, tuk-tuk o sa isang hot air balloon upang matuklasan ang
kamangha-manghang site na ito. Sa timog-silangan ng Bagan ay matatagpuan
ang Mount Popa kasama ang maraming
mga Buddhist monasteryo na nakatayo.
Ang Popa, sa Sanskrit, ay
nangangahulugan na 'bulaklak' habang
ang buong labi ay kilala para sa kanyang
nakamamanghang kagandahan.
(Media Source:
https://www.tripsavvy.com/top-things-
to-do-in-bagan-myanmar-4155853)

Mandalay
Matatagpuan hindi malayo sa Bagan
(mga 30-minuto na flight mula sa
Bagan), ang Mandalay ay dating kabisera
ng sinaunang Myanmar at ngayon ay
isang lungsod ng kaguluhan, usok, at
alikabok. Sa kabila ng pangangati, ikaw
ay tiyak na nagtaka nang labis sa tunay
na kagandahan ng lupaing ito, kapag
iniwan mo ang laganap na downtown
upang bisitahin ang iba pang mga
arkitektura kababalaghan. Ang pinaka-
kilalang lugar sa lunsod na ito ay
maaaring maging tulay ng U Bein na
matatagpuan sa isang makasaysayang nayon sa Amarapura at isinasaalang-
alang ang pinakamahabang teak na kahoy na tulay. Mula dito, ang pinaka-
makinang na gawa sa photography na sunset ay itinatatag nang malawakan sa
mundo. (Media Source: https://www.kamzangjourneys.com/burma-unveiled-
bagan-inle-lake-yangon-mandalay-myanmar/)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 10 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Inle Lake
Kabilang sa mga pinakapopular na destinasyon ng turista sa Myanmar, ang
Inle Lake ay ang lugar na pinakamahusay na kilala ng mga mangingisda na
may mga natatanging paraan ng pangingisda, na lang paggaod sa isang binti.
Kahit na sa mga nakaraang taon, ang
turismo sa rehiyon ay mahusay na binuo,
kung saan ito ay napanatili ang likas na
kagandahan ng kabisera nito. Pagkakaroon
sa Inle, makakaranas ka ng pang-amoy ng
mga lumulutang na bahay, isang perpektong
lugar para sa iyo upang malalim sa mas
malalim sa kagila-gilalas na kagandahan ng
kalikasan na ito. (Media Source:
https://www.passportsandpreemies.com/on
e-week-in-myanmar-mandalay-bagan-inle-lake/)

Golden Rock Pagoda

Ito ang sagradong templo ng Myanmar na niranggo sa ikatlong, sa ibaba


lamang ng Mahamuni Pagoda at Shwedagon Pagoda. Ang isang natatanging
tampok ng templo ay nakatayo sa isang nakausli na bato sa isang bundok;
May alamat na ang bato ay nakatayo pa sa mga taon ng mga templo ng buhok
ng Buddha. Ang kakaibang bagay ay mahirap pag-decode ng templo, paggawa,
higit pa, misteryo at pagkamausisa sa
maraming mga turista sa lugar na ito.
Ang Pagoda Festival (kilala rin bilang
Nine Thousand Lights Festival) ay
naganap sa Mount Kyaiktiyo sa huli ng
taon at nakikilahok sa kaganapang ito,
makakakuha ka ng espesyal na
pagkain na inaalok ng mga
naninirahan at sightsee ang
mountaintop na pinasisinawan ng mga
kandila pagkatapos ng madilim.
(Media Source: https://www.pinterest.ph/pin/223702306461236381/)

PANITIKAN
Ang panitikan ng Burma o Myanmar ay impluwensiya ng mga
kalinangang Indiyano (India) at Thai (Thailand).Makikita ang impluwensya na
ito sa mga marami nilang likha katuladng Ramayana. Ang wikang Burmese, na
‘di tulad ng ibang wika sa Timog-silangang Asya (e.g. Thai, Khmer), ay hiniram
ang mga salita mula sa Pāli imbis sa Sanskrit. Sinasalamin ng Panitikang
Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:
June 2020
Office Management Polytechnic Page 11 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113
Burmes ang lokal na alamat at kalinangan. Kyauksa ang pinakaunang akda na
ginawa sa Myanmar. Myazedi Inscription (1113 A.D.) ay isa sa mga
pinakaunang gawa sa Myanmar. Ang unang printing press ay dumating sa
Myanmarnoong 1800s.

Tula
Ginoong Charley, Ikaw ang Pinili Ko
Ni Maung Chaw New

Ginoong Charley,
Ikaw ang pinili ko.
Sasabihin kong muli,
Ginoong Charley,
Ikaw ang pinili ko.
Ikaw!
Ginoong Charley, tanging napili ko,
Karamihan dito ay dahil sa iyo.
Isang magandang pagkakataon ang ika’y mapili,
Ngayon ay napagatanto ko
Ikaw
Ang napili mo ay marami.
Marami sa amin ang naghintay sa iyong pagpili,
Ngayon ay mas alam ko na.
Tumingin ka...
Ginoong Charley,
Natutunan mo kung paano dumiskarte,
Bago ka natutong mamili.
Ikaw
Ay manggagawang hindi sinanay,
Ikaw ay isang baliw sa sinapupunan,
Ang pagkakakilala ko sayo
Ay naging basura.
Tumingin ka...
Ginoong Charley.
Ang basura ay higit pa sa dugo't laman,
Ikaw ang pinili ko
Ang iyong pinili
At ang iyong pinabango.
Hayaan mong linawin ko ang aking sarili,
Ginoong Charley,
Ikaw ang pinili ko.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


June 2020
Office Management Polytechnic Page 12 of 12
Date Revised:
Panitikan ng mga College July 2020
Umuunlad na Bansa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
FIL 113 30-Fil 113

You might also like