Panalangin Bago Magsimula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN BAGO MAGSIMULA

ANG TRABAHO

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


Ama naming banal at makapangyarihan sa lahat, Maraming salamat po sa
isang masaganang buhay at malusog na katawan ang iyong ibinigay sa amin.
Maraming salamat sapagkat binigyan Ninyo kami ng panibagong araw at
pagkakataon na muli naming magampanan ang aming trabaho sa araw-araw.
Dalangin po namin Ama na gabayan Nyo po kami at ang aming
pinagtatrabahuhan sa araw na ito. Tulungan Mo po kami na maisakatuparan
namin ng maayos, matagumpay at puno ng pagmamahal ang aming
responsibilidad sa araw-araw.
Ama kayo po ang manguna sa aming gawain sa araw na ito. Amin pong
inaalay ang aming trabaho sa Iyo Ama, gagawin po namin ang aming trabaho ng
naaayon sa iyong kalooban. Tulungan Mo po kami na magawa namin aming mga
Gawain ng kalugod-lugod sa Inyo at sa aming pinagtatrabahuan. Naway gabayan
mo ang Pamilya ng aming Pinagtatrabahuan tungo sa aming masagana at
mapang-unawa sa amin, naway maabot din namin ang aming mga minimithi at
pangarap sa buhay.
Maraming salamat po sa patuloy na pag-ingat Nyo sa amin, kasama ng
aking pamilya at mga mahal sa buhay..
Tunay Kang dakila Ama, Ikaw lamang ang aming Diyos at Hari
natagapagligtas magpakailanman Amen.

Ama namin. . . Aba Ginoong Maria. . . Luwalhati sa Ama. . .

+ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

You might also like