Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

BAITANG 12

Yunit 1 Akademikong Pagsulat


• Kahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat,
• Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
• Mga Uri ng Akademikong Pagsulat
Pangganyak:

✓ Gunitain ang mga sulating naranasan noong kayo ay


nasa Elementary o sa Highchool.
Ano-ano ang mga sulatin ang inyong naisulat?
Aralin 1: Kahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat

Akademikong Pagsulat
ay isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng mataas na antas ng
kasanayang akademiko.
Ayon kay Arrogante (2007)
nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ang pagbuo ng sulating pang-
akademiko.
Kailangan ng isang manunulat
✓ Mahusay mangalap ng impormasyon,
✓ Mahusay magsuri,
✓ Magaling mag-organisa ng mga ideya, at
✓ Lohikal
Limang (5) Katangian ng Akademikong Pagsulat

✓ Pormal
Hal. *Ang K to 12 program ay naglalayong malinang sa bawat mag-aaral
ng Senior High School ang kasanayan sa pananaliksik.
*Ang social media ay isa sa mga may pinakamalaking impluwensiya
sa kabataan sa kasalukuyan.
✓ Malinaw
Hal. *Maraming platform sa pagsulat ang ginagamit ng henerasyong Z sa
kasalukuyan tulad ng mga social media na Facebook, Twitter, Instagram, E-
mail, at mga blog.
*Malaki ang pagkakaiba ng K-12 na kurikulum sa dating Revised
Education Curriculum ng DepEd, ang una ang sinasabing isang repormang
pang-edukasyon na hinintay nang matagal na panahon…ikalawa…
✓ Tiyak
Hal. *Paano nakaaapekto sa pamumuhay ng tagahanga ang labis na pag-
iidolo sa hinahangaang artista?
*Paano masosolusyunan ang labis na trapiko sa Metro Manila?
*Bakit padami nang padami ang mga isyu tungkol sa mental health?

✓ May Paninindigan

Hal. *Ayon kay Arrogante (2007), nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ang


pagbuo ng akademikong pagsulat.
*Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at
isipan ng tao. (Royo, 2001)
✓ May Pananagutan

Hal: *Mula sa elektronikong babasahin:


“Cognitive Elements of Reading.” SEDL Reading Resources, 2009. Accessed
from http://www.sedl.org/reading/framework/elements.html
*Mula sa aklat:
Santiago, Alfonso at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang
Filipino. QC: Rex Bok store. 2003.
*Mula sa journal:
Flores, Patrick D. “ Ang Sining ng Sineng Flipino sa Kasaysayan”
Daluyan. Tomo VII. Bilang 4. 1997.
Aralin 2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa
Akademikong Pagsulat

Kasanayan sa Pagsulat
tinuturing na isa sa mga makrong kasanayang dapat na taglayin ng
isang mag-aaral, kasama ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at
panonood.

Katangian ng Proseso sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin (Villanueva at Bandril, 2016)

1. Komprehensibong Paksa
isyung napapanahon batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika,
pangkultura, at iba pa
2. Angkop na Layunin

3. Gabay na Balangkas
Tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na
pangungusap, at balangkas na talata.

4. Halaga ng Datos
Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos
ng anumang akda.
5. Epektibong Pagsusuri

6. Tugon ng Kongklusyon
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

✓ Bago Sumulat
Sa yugtong ito nagaganap ang integrasyon ng paunang kaalaman
at bagong kaalaman.
✓ Pagbuo ng Unang Burador

Matiyangang iniisa-isa ng manunulat ang mga konsepto na maaaring


maging laman ng akademikong sulatin

✓ Pagwawasto (​Editing​) at Pagrerebisa

✓ Huli o Pinal na Sulatin


Sa yugtong ito ang inaasahang kahusayan at kakinisan ng binubuong
akademikong sulatin.
✓ Paglalathala o Pagpapalimbag

Nailalathala ang akademikong sulatin sa pahayagan, magasin, dyornal,


o aklat dahil sa taglay nitong katangiang kahingian ng akademikong
sulatin.
Layunin sa Paglilinang ng Kasanayan sa Akademikong Pagsulat
a. Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip
b. Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman
c. Kakayahang Propesyonal
Una, ang pagsusulat ng may pormal.
Ikalawa, katapatan sa oras sa paglikha ng bawat sulatin.
Ikatlo, ang katapatan dulot ng taglay na pagkilala sa mga pinagmumulan ng
mga kaalaman at/o datos

d. Kasanayan sa Saliksik

Aralin 3:Mga Uri ng Akademikong Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat
Hal:
✓ Maikling kuwento
✓ Nobela
✓ Tula
✓ Pabula
✓ Parabula at iba pa
2. Teknikal na Pagsulat
Hal:
✓ Instruction manuals,
✓ Policy manuals,
✓ Process manuals,
✓ Under manuals, at
✓ Instruction for assembling a product.
3. Propesyonal na Pagsulat
Hal:
✓ Lesson plan para sa mga guro,
✓ Curriculum instructions para sa mga curriculum developer,
✓ Physical examination para sa mga nasa larang ng medisina, at
✓ Iba pang sulating nakatuon sa isang propesyon.
4. Dyornalistik na Pagsulat Hal:
✓ Balita,
✓ Editoryal,
✓ Lathalain,
✓ Isports, at
✓ Iba pang katumbas na sulatin.
5. Reperensiyal na Pagsulat
nakatuon sa mga makatotohanang impormasyon(Skrabanek (2012).

6. Akademikong Pagsulat
kumbensiyon na naglalayong maipakita ang resulta mula sa pagsisiyasat
tungkol sa ideyang nais pangatwiranan -Alejo et. al. (2005)
ang lahat ng uri ng pagsulat ay maituturing na bunga lamang ng
akademikong pagsulat -Mabilin et. Al. (2012)
1. Paano masasabing may
paninindigan ang isang
manunulat ng akademikong
sulatin?
2. Sa paanong paraan
masisigurong tama ang
impormasyong nakapaloob sa
isang sulating akademiko?
3. Ano ang pagkakaiba ng
lengguwaheng ginagamit sa
akademikong pagsulat sa
lengguwahe ng pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan?
4. Sa papaanong paraan
makatutulong ang akademikong
pagsusulat sa pang-araw-araw na
pamumuhay? Ipaliwanag.

You might also like