Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

ASIGNATURA GURO BAITANG/ANTAS MARKAHAN


FILIPINO BERNADETH C. ABARQUEZ 8 UNA

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa
Pangnilalaman Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.
B. Pamantayan sa
Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
Pagganap
MELC:
C. Mga Kasanayan sa
Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil, sapagkat,
Pagkatuto
kaya, bunga nito, iba pa) (F8WG-Ig-h-22)
(Isulat ang code sa
Integration – MAPEH: Music
bawat kasanayan)
Listens perceptively to music of Southeast Asia (MU8SE-Ia-h-2)
II. NILALAMAN Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Gabay ng Guro N/A
2. Kagamitang Pang-
CO_Q1_Filipino 8_Modyul 8
Mag-aaral
3. Teksbuk N/A
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Grade 8 Filipino Q1 Ep13 (DepEd TV – Official)
Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang
Laptop, tv, mga larawan, mini chalkboard, manila paper at reward system
Panturo
IV. PAMAMARAAN
Panimulang Gawain:
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagbibigay ng mga tuntunin at regulasyon

Plakards, Itaas! (Collaborative)


Panuto: Itataas ng bawat pangkat ang plakards na may nakasulat na SIMULA,
GITNA o WAKAS bilang sagot sa mga tanong na makikita sa powerpoint
A. Balik-aral sa presentation.
Nakaraang Aralin o 1. Ito ang pambungad na pangungusap sa isang talata.
Pagsisimula ng 2. Nilalaman nito ang pinakakatawan ng talata, mga mahahalagang
Bagong Aralin impormasyon, estadistika, mga ebidensiya at marami pang ibang mga
salitang naglalarawan sa kabuuan ng paksa.
3. Ang layunin naman nito ay maibigay ang huling detalye, mga aral at opinyon
ng manunulat o ng paksa mismo.
4. Binubuod nito ang lahat nabanggit sa buong paksa o ilang mahahalagang
bahagi nito.
5. Ang layunin nito ay upang mabisang ipakilala ang paksa sa mga
mambabasa.
Sagot:
1. simula 2. gitna 3. wakas 4. wakas 5. simula
Pagkatapos ng aralin, ang mga sumusunod na layunin ay inaasahang matamo:
a. Nauuri ang sanhi at bunga sa pangyayaring mapapanood sa video clip.
B. Paghahabi sa Layunin b. Nailalahad ang lirikong nagpapakita ng sanhi at bunga sa napakinggang
ng Aralin awitin mula sa Timog-Silangang Asya.
c. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga sa paggawa ng sariling
halimbawang pangungusap.
C. Pag-uugnay ng Larong Charades! (Collaborative)
Halimbawa sa Bagong Panuto: May isang representante sa klase na maglalarawan sa mabubunot na
Aralin parirala sa pamamagitan ng mga aksyon at huhulaan ng bawat pangkat ang tamang
parirala.
Mga pariralang huhulaan:
1. Kumain ng maraming tsokolate.
2. Sumakit ang ngipin.
3. Pagpuputol ng kahoy
4. Malakas na pagbaha
Panonood: Kalikasan: Ang mga Tala Batay sa DENR Caraga

Marites Show! (Inquiry-based)


D. Pagtatalakay sa Panuto: Ang bawat pangkat ay bubuo ng tig-isang tanong tungkol sa napanood na
Bagong Konsepto at video at ibibigay ito sa mapipiling host sa itatanghal na talkshow. Pagkatapos ay
Paglalahad ng Bagong pipili ang bawat pangkat ng tig-isang representante na magiging guest at sasagot sa
Kasanayan #1 mga nabuong tanong.

(Ang guro ay magbibigay ng talk moves bilang gabay sa itatanghal na talkshow:


Marites Show)
Dikit, Bilis! (Collaborative)
Panuto: Uriin ng bawat pangkat ang mga pariralang nakasulat sa meta-strips ayon
sa sanhi at bunga at magpapaunahan sa pagpapaskil sa manila paper.

SANHI BUNGA
sapagkat nagsipag siya sa pag-aaral nakapagtapos siya ng abogasya
dahil bibili siya ng pagkain papunta sa nayon si Inay
magdamag na umiyak ang sanggol sa kung kaya hindi nakatulog nang
loob ng bahay maayos si Aling Mercedes
E. Pagtatalakay ng marami ang naghirap at nawalan ng bunga nito dumami ang mga taong
Bagong Konsepto at hanapbuhay nagugutom at naghihintay na lamang
Paglalahad ng Bagong ng tulong mula sa gobyerno
Kasanayan #2

Mga gabay na tanong: (Solo Taxonomy – Multistructural at Extended Abstract)

1. Suriin ang mga pariralang nakapaskil sa manila paper. Ano sa tingin mo ang
kahulugan ng sanhi? Ano naman ang kahulugan ng bunga?
2. Ano ang iyong napansin sa mga parirala? Ano sa tingin mo ang tawag sa
mga nakasalungguhit na mga salita?
3. Bakit kaya gumagamit tayo ng mga hudyat sa pagbuo ng mga pangyayaring
nagpapakita ng sanhi at bunga? Ipaliwanag.
MAPEH – Music (Integration)
Alam mo ba?
Ang ating bansa ay napabilang sa Timog-Silangang Asya. At bilang isang Pinoy, isa
sa talagang maipagmamalaki natin ay ang ating kultura lalo na sa larangan ng
musika at sining. Ngayon ay pakikinggan natin ang ilan sa mga korus nng kantang
maari nating maiugnay sa paksang sanhi at bunga.

Song-Tanong (Integration)
Panuto: Ang representante ng bawat pangkat ay magpapaunahan sa pagpindot ng
button na siyang sasagot sa song-tanong. Pagkatapos ay ilalahad ng mauuna ang
lirikong nagpapakita ng sanhi at bunga sa napakinggang awitin mula sa Timog-
Silangang Asya.
F. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo sa Song #1:
Formative Test) Tanong: Ibigay ang sanhi sa lirikong napakinggan

Song #2:
Tanong: Ibigay ang bunga sa lirikong napakinggan

Song #3:
Tanong: Ibigay ang sanhi sa lirikong napakinggan

Song #4:
Tanong: Ibigay ang bunga sa lirikong napakinggan

Song #5:
Tanong: Ibigay ang sanhi sa lirikong napakinggan
G. Paglalapat ng Aralin Think-Pair-Share (Constructivist)
sa Pang-araw-araw na Panuto: Kasama ang iyong pares, bumuo ng sariling pangungusap na nagpapakita
Buhay ng sanhi at bunga batay sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral. Gamitin ang
mga hudyat na iyong nagtutunan sa klase.
Emoji Card (Reflective)
Panuto: Idibuho ang kung ikaw ay lubhang natuto sa araw na ito. Isulat din sa
H. Paglalahat ng Aralin kard kung ano ang iyong natutunan. Idibuho naman ang kung ikaw ay
nangangailangan ng iba pang gawain upang mas matuto. Isulat naman sa kard kung
ano pa ang iyong nais matutunan.
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na hudyat ng sanhi at bunga batay sa
pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.___________ hindi nakikinig sa magulang, siya ay napariwara.
a. bunga nito b. dahilan c. dahil d. kaya
2. Hindi nahuhuli sa klase si Ana, ___________ maagang maaga siyang
gumugising.
a. bunga nito b. sa ganitong dahilan c. dahilan d. sapagkat
3. ___________ nagkakasakit dahil palaging nakatutok sa gadgets.
a. dahil b. kaya c. dahilan d. sapagkat
4. ___________ ng kanilang pagsisikap, lalong yumaman ang magkakapatid.
a. bunga b. kung kaya c. dahilan sa d. sa ganitong dahilan
I. Pagtataya ng Aralin 5. Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kanyang paaralan ______________
nag-aral siya nang Mabuti.
a. bunga ng b. mangyari c. dahil d. kung kaya
Panuto: Isulat amg titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi at B
kung ito ay tumutukoy sa bunga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___________ 6. Hindi nakatingin sa dinaraanan ang dalaga kaya nahulog ito sa
kanal.
___________ 7. Nagkaroon ng baha dahil s amalakas na buhos ng ulan.
___________ 8. Dahil sa paninigarilyo, nasunog ang kanyang baga.
___________ 9. Sumusunod siya sa kanyang mga magulang kaya pinagpala siya
ng Diyos.
___________ 10. Gumuho ang mga gusali dahil sa malakas na lindol.
J. Karagdagang Gawain Sumulat ng limang halimbawang pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga
para sa Takdang- gamit ang mga tinalakay na hudyat.
Aralin at Remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na masosolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Ipinasa kay:

BERNADETH C. ABARQUEZ ELVIE P. MAGARAO


Guro sa Filipino Ulong Guro

You might also like