Joaneh LP CO1 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang;
A. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at
kagandahang-asal. (F10PN-Ib-c-63)
II. Paksa
Unang Markahan: Ang Parabula ng Mabuting Samaritano (Panitikang Mediterranean)
Lunsaran: Ang Mabuting Samaritano
Kagamitan : Laptop, TV, videos mula sa internet, makukulay na pantulong Biswal
Sanggunian : Filipino 10 Modyul 2: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin,
https://www.youtube.com/watch?v=FDP-o--Ioso
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. Proseso ng Pagkatuto (Ind.2: Display proficient use of Mother Tongue, Filipino and English to facilitate teaching and learning)
1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Patakaran sa klase at Pagpapaalala sa IATF Protocol (Ind.4:Establish safe and secure learning environments to
enhance learning through the consistent implementation of policies guidelines and procedures) (ind.3: Use effective verbal and non-verbal
classroom communication strategies to support learner understanding, participation, engagement and achievement)
 Pagtse-tsek ng takdang aralin
 Balik-aral
2. Pagganyak (Pagpapakita ng bidyu, na naglalahad ng pagtulong sa kapwa)

3. Paglalahad ng Paksa
 Ang Parabula ng Mabuting Samaritano (Panitikang Mediterranean)
 Pagpapabasa ng layunin.

4. Pagtatalakay (Pagbabahagi ng sipi sa mag-aaral at Pagpapakita ng Bidyu)

Parabula

Ang parabula ay kuwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng
aral. Ito ang uri ng kuwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang
pangangaral.

Ang Mabuting Samaritano


Maraming inilahad na kuwento, o talinghaga si Jesus para ituro sa mga
tao ang katotohanan.
Isang araw isang pinuno ng mga Judio ang nagtanong kay Jesus kung ano ang
dapat niyang gawin para magtamo ng buhay na walang hanggan. Tinanong siya ng
Tagapagligtas kung ano ang nakasaad sa mga banal na kasulatan. Sinabi ng pinuno na
dapat mahalin ng tao ang Diyos at mahalin din ang kanyang kapwa. Sinabi ni Jesus na
tama siya. Pagkatapos ay tinanong ng pinuno, “Sino ang aking kapuwa tao?”
Lucas 10:25–29
Sinagot ni Jesus ang lalaki sa pamamagitan ng kuwento. Isang araw isang lalaking Judio
ang naglalakad sa kalsada sa bayan ng Jerico. Ninakawan siya at binugbog ng mga
magnanakaw. Halos patay na nang iwan nila ang lalaki sa kalsada.
Lucas 10:30
Di naglaon dumaan ang isang saserdoteng Judio at nakita ang lalaki. Sa kabilang panig
ng kalsada dumaan ang saserdote. Hindi niya tinulungan ang lalaki.
Lucas 10:31
Isa pang lalaking Judio na nagtatrabaho sa templo ang naparaan. Nakita niya ang
sugatang lalaki. Pero hindi rin niya tinulungan ang lalaki at sa kabilang panig ng kalsada
dumaan.
Lucas 10:32
Pagkatapos ay dumaan ang isang lalaking Samaritano. Hindi magkasundo ang mga
Judio at Samaritano. Pero nang makita ng Samaritano ang lalaki, naawa siya rito.
Ginamot niya ang mga sugat ng lalaki at dinamitan ito.
Lucas 10:33–34; Juan 4:9; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Samaritano, Mga,” 224
Dinala ng Samaritano ang lalaki sa isang bahay-tuluyan at inalagaan ito hanggang
kinabukasan. Nang paalis na ang Samaritano, binigyan niya ng pera ang bantay sa
bahay-tuluyan at pinaalagaan dito ang lalaki.
Lucas 10:34–35
Matapos itong ikuwento ni Jesus, tinanong Niya sa pinunong Judio kung sino sa tatlong
lalaki ang nakipagkapwa-tao sa sugatang lalaki.
Lucas 10:36
Sinabi ng pinuno na ang Samaritano dahil tinulungan nito ang lalaki. Sinabi ni Jesus sa
pinunong Judio na tularan ang Samaritano.
Lucas 10:37

Gabay na tanong (Ind.6: Maintain learning environments that nurture and inspire learners to participate, cooperate and
collaborate in continued learning)
1. Sino-sino ang mga tao na kinapopootan ng Hudyo sapagkat nakipag-asawa sila
sa mga di-Judio at hindi mahigpit na sumunod sa batas ni Mosaic?
2. Sino ang inatake ng magnanakaw, kinuha ang kanyang mga ari-arian at damit,
sinaktan at binabayaan na siya’y kalahating patay?
3. Ano ang aral na nakuha mula sa parabula?
4. Kung ikaw ang Samaritano, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa? Oo o
hindi? Pangatwiranan.
5. Paano natugunan ng Samaritano ang pangangailangan ng lalaki? Ano ang mga
kasanayang naipakita ng lalaki?
https://www.youtube.com/watch?v=FDP-o--Ioso
Aral:
- Ang nagmamahal sa Diyos ay minamahal din ang kanyang kapwa. Kahit ano pa ang
kanyang paniniwala, magkaiba man kayo ng kulay o lahing pinagmulan, kahit pa kayo ay
minsang nagkagalit, ang ating kapwa ay kailangan nating mahalin. Hindi natin pwedeng
sabihin na mahal natin ang Diyos ngunit napopoot naman sa ating kapwa. Kung mahal
natin ang Diyos, mahalin din natin ang ating kapwa.
5. Paglalapat (Pagbabahagi ng sipi)

Ang Alibughang Anak


Ang parabulang “Ang Alibughang Anak” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 15 talata
11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32).
May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki.

Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte ng kanyang kayamanan.

Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas ng ilang
araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang
mana.

Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang
yaman ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.

Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pati ang
kaning-baboy ay kanya na ring kinakain.

Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng kanyang ama ay
maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay samantalang siya ay
mamamatay na dahil sa gutom.

Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at siya’y hihingi
umano ng tawad.

Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at
hinagkan.

Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi
na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.”

Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing, “Madali! Dalhin
ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing
para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng
pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong
ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang


bahay. Itinanong niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon.

Anang alipin ay dumating na umano ang bunso niyang kapatid. Nagpapatay ng guya ang
kanyang ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang kapatid niya.

Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.

Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.

Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako
sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing
upang makipagsaya akong kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo,
nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong
kabuhayan kasama ng mga masasamang babae.”

Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang
magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”

Aral:

 Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya.
Maging mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa
Diyos.
 Iwasan ang pagiging mainggitin. Ang nais ng Diyos ay matuwa ka sa tuwing
may magandang nangyayari ito man ay sa iyong kapwa o sa sariling kapatid
dahil ang disenyo ng Diyos sa tao ay ang magmahalan at hindi ang magsakitan.
 Tunay nga na walang magulang na makatitiis sa anak. Gayundin naman, hindi
kayang titiisin ng Diyos ang mga anak niya.
Tanong:

1. Suriin ang parabulang nabasa at tukuyin kung ito ay may inilalahad na katotohanan, kabutihan at
kagandahang-asal.
2. Ano ang napakahalagang aral na ibig ng Dios na matutunan natin sa talinghagang ito?

6. Paglalahat (ind.5: Maintain learning environments that promote fairness, respect and care to encourage learning)
Samakatuwid, ang parabula ay naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-
asal. Sa ating mga nabasa na akda na “Ang Parabulang ng Mabuting Samaritano” at “Ang
Alibughang Anak”, ito ay nagpapakita ng mga katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal na
nangyayari sa ating lipunan noon at sa kasalukuyan.

7. Pagpapahalaga (ind. 1: Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas)
1. Sa ating panahon, mayroon pa bang magulang na hindi natitiis ang anak?
2. Sino na sa inyo ang nagpakumbaba at humingi ng tawad sa magulang sa nagawang kasalanan?

IV. Pagtataya (Ind.7: Apply a range of successful strategies that maintain learning environments that motivate learners to
work productively by assuming responsibility for their own learning)
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Iguhit ang 😊 kung ito ay nagsasaad ng

katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal at ☹ kung ito ay sumasalungat o nagpapakita ng hindi


kagandahang-asal. Iguhit sa patlang ang iyong sagot bago ang bilang.

____1. “Nangmarinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.”
___2. “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat
na tawaging anak mo.”
___3. “Sa talinghaga, binanggit ni Jesus ang isang lalaking bumababa mula sa Jerusalem
patungong Jerico . Inatake siya ng mga magnanakaw, kinuha ang kanyang mga ari-arian at damit,
sinaktan siya, at pinabayaan siyang kalahati ng patay.”
___4. “Sinabi ng pinuno na dapat mahalin ng tao ang Diyos at mahalin din ang kanyang kapwa.”
___5. “Di naglaon dumaan ang isang saserdoteng Judio at nakita ang lalaki. Sa kabilang panig ng
kalsada dumaan ang saserdote. Hindi niya tinulungan ang lalaki.”
___6. “Isa pang lalaking Judio na nagtatrabaho sa templo ang naparaan. Nakita niya ang sugatang
lalaki. Pero hindi rin niya tinulungan ang lalaki at sa kabilang panig ng kalsada dumaan.”
___7. “Pagkatapos ay dumaan ang isang lalaking Samaritano. Hindi magkasundo ang mga Judio at
Samaritano. Pero nang makita ng Samaritano ang lalaki, naawa siya rito. Ginamot niya ang mga
sugat ng lalaki at dinamitan ito.”
___8. Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo.
Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”
___9. Dahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.
___10. Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng
kanyang yaman ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang
pinuntahan.

Susi ng Pagwawasto:

1. ☹ 6. ☹

2. 😊 7. 😊

3. ☹ 8. 😊

4. 😊 9. 😊

5. ☹ 10. ☹
V. Takdang Aralin/Kasunduan
Panuto: Isulat sa buong papel.

1. Basahin ang parabulang ang talinghaga tungkol sa may-ari ng orasan (Mateo 20:1-16) sa
pahinang 196.

Inihanda ni: Ipinasa kay:


JOANEH P. CLAPANO JOCELYN P.
BALASUELA
Guro sa Filipino Punong Guro

You might also like